![](https://m.media-amazon.com/images/S/pv-target-images/2ce3c8b1e1411a973d6798e35bdb56cf24b79e504873c078b67c2ab8671c892d._SX1080_FMpng_.png)
![Logo ng channel](https://m.media-amazon.com/images/G/01/primeLogo/primelogo-330x90-v2._V507659160_SY35_FMpng_.png)
HeartBeat
Season 1
IMDb 7.0202316 mga episode
X-Ray
Manood gamit ang libreng Prime trial
Mga Episode
- S1 E1 - Episode 1Hunyo 25, 20231 h 3 minIsa lang ang hiling ng bampirang si Woo-hyeol: ang maging tao at maranasan ang mabilis na tibok ng puso dahil sa pag-ibig. Marami na siyang sinubukan para maging tao, pero walang nagtagumpay. Pagkatapos niyang marinig sa 1000 taong gulang na pusa na puwede siyang maging tao kapag natulog siya sa isang hawthorn na kabaong nang 100 taon, pumasok siya sa kabaong para sa isang mahabang pagtulog.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E2 - Episode 2Hunyo 26, 20231 h 2 minIsang araw na lang ang natitira sa 100 taong layunin niya, nabigo siyang maging isang tao. Kinagat pa siya ng isang babae, si In-hae, dahilan para mahimatay siya. Pinayuhan siya ni Yang-nam na bantayan niya si In-hae dahil mukhang hindi siya isang ordinaryong tao. Samantala, naengkuwentro ni In-hae ang isang real estate scammer at nalagay siya sa panganib...Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E3 - Episode 3Hulyo 2, 20231 h 2 minNalaman ni In-hae na totoong bampira si Woo-hyeol. Pero mas di siya makapaniwala sa mga binili nito gamit ang card niya. Nagbanta siyang ibebenta ang mansiyon kung di makakapagbayad ng utang, at nagsimula silang magsama sa ilalim ng isang kontrata. Nakitang muli ni Woo-hyeol ang mga bampirang sina Dong-seop at Sang-hae. Nanaghoy sila sa mundong pinahihirapan ng mga tao ang mga bampira.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E4 - Episode 4Hulyo 3, 20231hAng dugo sa labi ni In-hae ay nagbunsod ng alaala kay Woo-hyeol na nagpapaalala sa kaniya kay Hae-sun. Iniisip ni Woo-hyeol kung si In-hae ang reincarnation ni Hae-sun. Nababalisa si In-hae sa kaniyang unang halik kay Woo-hyeol at mas naiilang na makita ito sa pinapasukan niya. Sasabihin ni Yang-nam kay Woo-hyeol na maaari siyang maging tao sa pag-inom ng dugo ni In-hae na puno ng pagmamahal.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E5 - Episode 5Hulyo 9, 20231 h 1 minGinagawa ni Woo-hyeol ang lahat para mapuno ng pagmamahal ang dugo ni In-hae, pero wala itong pakialam. Lumala pa nang kumalat ang usap-usapan na may relasyon sila ni Woo-hyeol at natanggal sa trabaho si In-hae dahil dito. Sa sobrang sama ng loob, nakipag-inuman si In-hae at ikinuwento ang kaniyang nakaraan kay Woo-hyeol, at tumibok ang puso niya dahil sa taos-puso nitong reaksiyon.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E6 - Episode 6Hulyo 10, 20231hDahil nahihirapan makahanap si In-hae ng bagong trabaho, iminungkahi ni Do-sik na magsimula siya ng isang bahay-paupahan sa mansiyon niya. Mahigpit na tumutol si Woo-hyeol noong una pero sa huli ay pumayag din. Nang natatanto ni Woo-hyeol ang pagtingin ni Do-sik kay In-hae, nakaramdam siya ng matinding selos. Samantala, nagpakita kay Woo-hyeol ang isang taong matagal na niyang hinahanap.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E7 - Episode 7Hulyo 16, 20231 h 1 minNagulat si Woo-hyeol nang makita si Hae-won, na kamukhang-kamukha ng dati niyang mahal, si Hae-sun. Di niya malapitan si Hae-won dahil mukhang hindi nito naaalala ang dati nitong buhay. Dahil naawa si In-hae kay Woo-hyeol, inimbitahan niyang maghapunan si Hae-won para magkasama ang dalawa. Ngunit hindi siya mapakali, dahil nag-aalala siya na baka mabunyag ang katotohanang bampira si Woo-hyeol.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E8 - Episode 8Hulyo 17, 20231 h 2 minNapilitang umalis ng mansiyon sina Woo-hyeol at In-hae dahil sa pagpapagawa. Ngayong magkahiwalay na sila, nakakapagtakang mas lalo pa nilang iniisip ang isa't isa. Ngunit, nagsisimula nang makaranas ng mga pisikal na sintomas si Woo-hyeol, at narinig niya kay Yang-nam na kung di niya iinumin ang dugo ni In-hae na puno ng pagmamahal ay di magtatagal mamatay siya mula rito.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E9 - Episode 9Hulyo 23, 20231 h 2 minNalaman ni Do-sik na bampira si Woo-hyeol at sinubok niya si In-hae, na siyang pinagtakpan si Woo-hyeol. Si Woo-hyeol naman ay di mapakali dahil kailangan niya ang dugo ni In-hae para mabuhay, at nadagdagan pa ang problema nang magsimulang magpakita ng nararamdaman si Hae-won sa kaniya. Nahihirapan ang puso ni Woo-hyeol dahil desperado na siyang makuha ang dugo ni In-hae na puno ng pagmamahal.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E10 - Episode 10Hulyo 24, 20231 h 3 minDi maintindihan ni In-hae kung bakit sinasabi ni Woo-hyeol na kailangan nitong mapuno ng pagmamahal ang dugo niya. Nagmungkahi si Woo-hyeol ng isang kasunduan kung saan aalis siya sa bahay kung bibigyan siya ni In-hae ng dugo niya. Samantala, hiniling ni Hae-won kay In-hae na maghanda ng party para mas mapalapit kay Woo-hyeol. Tila maayos ang lahat, ngunit di pa rin mapanatag ang loob ni In-hae.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E11 - Episode 11Hulyo 30, 20231hMay naramdaman para sa isa't isa sina Woo-hyeol at In-hae matapos ang party. Nang mapagtanto ni Do-sik na may namamagitan sa dalawa, sinabi niya kay In-hae na isang bampira si Woo-hyeol upang sila'y paghiwalayin, ngunit pinanigan pa rin ni In-hae si Woo-hyeol. Sa kalasingan ni Hae-won, tinawagan nito si Woo-hyeol, at habang hinahatid niya ito, natuklasan niya ang isang nakagugulat na katotohanan.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E12 - Episode 12Hulyo 31, 20231hHabang inaalagaan si Woo-hyeol, natiyak nina In-hae at Woo-hyeol ang nararamdaman para sa isa't isa. Magkasama nilang inalagaan si Min-jae sa kahilingan ni Gwang-ok. Samantala, si Do-sik na nakikipagtulungan kay Man-hwi ay nagsisimulang magduda na isang kalahating bampira si Woo-hyeol. Nang matantong kailangan ni Woo-hyeol ang dugo ni In-hae para maging tao, agad tinugis ni Do-sik si Woo-hyeol.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E13 - Episode 13Agosto 6, 20231 h 1 minDi mapatawad ni Woo-hyeol ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kontrol sa pagiging bampira niya nang makita ang dugo ni In-hae. Habang nagdurusa siya sa malupit na kapalaran na pumipigil sa kaniya na makasama si In-hae, nagpasiya siyang iwanan si In-hae. Samantala, nang matuklasan na si Woo-hyeol ang kalahating bampira na hinahanap niya, inutusan ni Do-sik si Man-hwi na hulihin si Woo-hyeol.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E14 - Episode 14Agosto 7, 20231 h 1 minAng pinakahihintay na ama ni In-hae ay nagbabalik, ngunit mahirap sa kaniyang tanggapin siya dahil sa kaniyang emosyonal na sugat. Kasabay nito ang patuloy na paglala ng kalusugan ni Woo-hyeol na labis ikinalulungkot nina Sang-hae at Dong-seop dahil napagtatanto nilang nauubusan na siya ng oras. Samantala, dahil sa kabiguan ni Man-hwi na makuha si Woo-hyeol, si Do-sik na mismo ang kumikilos.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E15 - Episode 15Agosto 13, 20231h"Kahit 'di tumitibok ang puso ko, sobrang sakit pa rin." Iniwan ni Woo-hyeol si In-hae para sa kaligtasan nito. Pero nangungulila siya rito pati na rin si In-hae; hinanap niya si Woo-hyeol na bigla na lamang naglaho. Bumisita naman si Man-hwi sa guest house kaya nalagay sa panganib si In-hae. Mas lumala pa ang problema nang kumalat ang tsismis na may bampirang nakatira sa mansiyon.Manood gamit ang libreng Prime trial
- S1 E16 - Episode 16Agosto 14, 20231 h 2 minHabang tinatanggap ni Woo-hyeol ang katotohanan na wala nang gaanong oras para sa kaniya, nagpasiya siyang gugulin ang natitirang oras kasama si In-hae. Nababalisa naman si Do-sik nang malaman na malapit nang mamatay si Woo-hyeol. Mapapanindigan kaya nina Woo-hyeol at In-hae ang kanilang pagmamahalan hanggang sa huli?Manood gamit ang libreng Prime trial
Mga Extra
Bonus
![HeartBeat](https://m.media-amazon.com/images/S/pv-target-images/7f020d91271703d4e5d104d3546c700159d47a2236a48c707f57b591b09fee56._SX720_FMpng_.png)
Isang kapanapanabik na pag-iibigan sa pagitan ng isang bampirang nagnanasang makaranas ng pag-ibig, at isang malupit na babae.
Isang kapanapanabik na pag-iibigan sa pagitan ng isang bampirang nagnanasang makaranas ng pag-ibig, at isang malupit na babae.
Isang kapanapanabik na pag-iibigan sa pagitan ng isang bampirang nagnanasang makaranas ng pag-ibig, at isang malupit na babae.
Mga Detalye
Higit pang impormasyon
- Babala sa nilalaman
- Karahasan nakakatakot na mga eksena paggamit ng alkohol paninigarilyo masamang wika
- Mga wika ng audio
- 한국어
- Mga Subtitle
- Filipino English Deutsch Español (Latinoamérica) Español (España) Français Indonesia Italiano 日本語 한국어 [CC] Bahasa Melayu Português ไทย Tiếng Việt 中文(繁體)
- Mga Direktor
- Lee Hyun-sukLee Min-su
- Pinagbibidahan nina
- Ok Taec-yeonWon Ji-anPark Kang-hyun
- Studio
- KBS
Sa pag-click sa i-play, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit.