

Libreng trial ng HBO Max o bilhin
17 (na) mga episode
1. Pilot

1. Pilot
Sa series premiere, nang makilala nina Leonard at Sheldon si Penny, naging interesado na kaagad si Leonard sa kanya. Pero naniniwala si Sheldon na imposible ang pinapangarap ng kaibigan niya.
2. The Big Bran Hypothesis

2. The Big Bran Hypothesis
Sinubukan ni Leonard na gumawa ng pabor para kay Penny pero sinira ni Sheldon ang plano. Nagprisinta si Leonard na pumirma para sa isang package, sa kagustuhang maging maganda ang impresyon ni Penny sa kanya. Pero pumalpak ang pagtatangkang ito ni Leonard na magpakamaginoo nang magpatulong siya sa kanyang obsessive-compulsive na roommate.
3. The Fuzzyboots Corollary

3. The Fuzzyboots Corollary
Nalungkot si Leonard nang malamang nakikipag-date na sa iba si Penny. Dahil dito, sa panghihikayat ng mga kaibigan at kapwa scientist niya, nag-ipon ng lakas ng loob si Leonard para maghanap ng babaeng makaka-date. Mapapanood bilang si Leslie ang nagbabalik na guest star na si SARA GILBERT ("Roseanne").
4. The Luminous Fish Effect

4. The Luminous Fish Effect
Pagkatapos matanggal sa kanyang trabaho, sinubukan ni Sheldon na tuklasin ang "nakakabagot" na buhay sa labas ng physics. Pero mula sa unang masayang pamimili kasama si Penny, sumunod naman niyang napagdiskitahan ang paghahabi ng mga poncho, kung kaya napilitan na si Leonard na papuntahin ang ina ni Sheldon na si Mary (LAURIE METCALF - "Roseanne").
5. The Hamburger Postulate

5. The Hamburger Postulate
Pagkatapos mapagtanto na wala siyang napapala sa panliligaw niya kay Penny, pumayag si Leonard nang hindi inaasahang may mangyari sa kanila ng kasamahang scientist na si Leslie Winkle (nagbabalik na guest star na si SARA GILBERT).
6. The Middle Earth Paradigm

6. The Middle Earth Paradigm
Kabado ang socially stunted na magkakaibigan nang inimbitahan sila ni Penny sa party. Pero natuwa sila nang malamang isa itong Halloween party at sabik nilang isinuot ang mga nerdy costume, na hindi nagustuhan ng salbaheng ex ni Penny.
7. The Dumpling Paradox

7. The Dumpling Paradox
Nang napapayag ni Wolowitz ang kaibigan ni Penny na makipag-sex sa apartment ni Penny, natulog si Penny sa sofa nina Leonard at Sheldon. Samantala, habang abala si Wolowitz, nalaman ng magkakaibigan na kulang sila ng pang-apat na miyembo sa kanilang grupo. Dahil sa pangangailangan, pinasali nila si Penny sa isa sa kanilang Halo team na binubuo ng dalawang miyembro.
8. The Grasshopper Experiment

8. The Grasshopper Experiment
Nataranta si Koothrappali nang may inayos na blind date ang mga magulang niya para sa kanya, pero nalaman niya na kaya naman pala niyang makipag-usap sa babae kapag medyo nakainom siya. Pero naging kumplikado ang sitwasyon nang mas naging interesado kay Sheldon ang magandang ka-date niya.
9. The Cooper-Hofstadter Polarization

9. The Cooper-Hofstadter Polarization
Inimbitahan sina Sheldon at Leonard na mag-present ng kanilang magkasamang natuklasan sa isang physics conference, pero tumanggi si Sheldon. Namagitan sa kanila si Penny pero napalalim lang nito ang tampuhan sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan.
10. The Loobenfeld Decay

10. The Loobenfeld Decay
Pagkatapos marinig kumanta si Penny, nagsinungaling si Leonard para makaiwas sa panonood ng palabas niya. Mas kumplikado naman ang naging pagsisinungaling ni Sheldon na humantong pa sa paglabas ng isang hindi naman niya totoong pinsan. Guest star si D.J. QUALLS ("Road Trip").
11. The Pancake Batter Anomaly

11. The Pancake Batter Anomaly
Nang magkasakit si Sheldon, alam na ni Leonard at ng iba pa kung ano ang mangyayari sa kanila kaya iniwasan na nila si Sheldon na parang epidemya; naiwan ngayon sa walang kamalay-malay na si Penny ang pag-aalaga sa pinakanakakainis na pasyente sa buong mundo.
12. The Jerusalem Duality

12. The Jerusalem Duality
Nang makilala nina Leonard at Sheldon ang 15 taong gulang na prodigy sa physics, nabagabag si Sheldon na mas bata at mas matalino ang batang henyong ito. Sa kagustuhang madama ulit ang kahalagahan nila, nakaisip ang magkaibigan ng solusyon para masabotahe ang research ng batang prodigy.
13. The Bat Jar Conjecture

13. The Bat Jar Conjecture
Nagpasya ang magkakaibigan na makipagtagisan sa Physics Bowl ng unibersidad, pero dahil nakatuon lang si Sheldon sa pagpapatunay na mas matalino siya sa iba, tinanggal nila ito sa team. Para pumalit sa kanya, isinali nila ang kaaway ni Sheldon na si Leslie Winkle (nagbabalik na guest star na si SARA GILBERT).
14. The Nerdvana Annihilation

14. The Nerdvana Annihilation
Nang binili nina Leonard at mga kaibigan niya ang isang prop na time-machine mula sa isang klasikong pelikula sa 1960, naging problema para kay Penny ang pagdating nito, at sinabihan niya ang magkakaibigan na "nakakaawa" ang pagkahumaling ng mga ito sa mga komiks at laruan.
15. The Pork Chop Indeterminacy

15. The Pork Chop Indeterminacy
Nabaling ang atensyon nina Leonard, Wolowitz, at Koothrappali sa kakambal na babae ni Sheldon na si Missy (guest star na si COURTNEY HENGGELER), at nag-isip ng plano si Leonard para mawala sa landas niya ang mga karibal. Pero hindi umubra ang plano nang sabihin ni Sheldon na siya ang magpapasya kung kanino makikipag-date ang kapatid niya.
16. The Peanut Reaction

16. The Peanut Reaction
Nang malaman ni Penny na hindi nagdiriwang ng kaarawan si Leonard, nagplano siyang maghanda ng sorpresang party para sa kanya; pero nakagulo sa kanya si Sheldon, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay natupad ang isa sa mga pinakapinangarap gawin sa isang electronics store.
17. The Tangerine Factor

17. The Tangerine Factor
Nang makipaghiwalay si Penny sa boyfriend niya, nagkaroon na rin ng lakas ng loob si Leonard na ayain siyang lumabas sa isang totoong date. Nang pumayag siya, parehas nilang hiningi ang "pananaw" ng isang napilitang tagapayo -- si Sheldon.
The Big Bang Theory
IMDb 8.1/10200612 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.




























