The Heavenly Idol
prime

The Heavenly Idol

Season 1
Isang fantasy romance tungkol kay Rembrary mula sa ibang mundo na pumasok sa katawan ng di-sikat na idol ng mundong ito na si Woo Yeon-woo.
IMDb 6.4202312 (na) mga episodeX-Ray16+
Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - EPISODE ONE

    Pebrero 14, 2023
    1h
    13+
    Si Pontifex Rembrary ang pinakamakapangyarihang pinuno ng Otherworld, kung saan sumasamba ang mga tao kay Redlin. Noong araw ng seremonya ng pagbibinyag, nawalan siya ng ulirat dahil sa pananakop ng Demon Lord. 2022 na ngayon sa South Korea, at kilala na siya ng lahat bilang si Woo Yeon-woo mula sa boy band na Wild Animal. Gagawa siya ng isang pagkakamali sa stage, na hindi na maitatama.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  2. S1 E2 - EPISODE TWO

    Pebrero 15, 2023
    59min
    13+
    Naawa si Dal kay Yeon-woo na nagpapakilalang si Rembrary. Kaya gumawa siya ng malaking desisyon para sa kaniya. Pilit na namumuhay ni Rembrary bilang isang idol, pero laging nagiging eksena ang mga kakaiba niyang salita. Sa huli, nalaman ni Rembrary ang paraan para makabalik sa Otherworld.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  3. S1 E3 - EPISODE THREE

    Pebrero 21, 2023
    1 h 7 min
    16+
    Nagdesisyon si Rembrary na mabuhay bilang si Woo Yeon-woo. Sa isang singing contest show, matagumpay niyang tinapos ang kaniyang kanta, pero bigla siyang hinarap ng isang hindi inaasahang krisis. Hindi maganda ang pakiramdam ni Rembrary sa ikawalang stage.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  4. S1 E4 - EPISODE FOUR

    Pebrero 22, 2023
    1 h 9 min
    16+
    Nagawang lampasan ni Rembrary ang krisis sa stage at napansin niyang may kinalaman ang Demon Lord sa insidente. Tinutunton niya ngayon ang Hongwoodaedae, isang lihim na relihiyon na sinubukang hanapin ni Woo Yeon-woo. Samantala, sa wakas ay nagpakita na ang tagasunod ng Demon Lord kina Rembrary at Dal.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  5. S1 E5 - EPISODE FIVE

    Pebrero 28, 2023
    1 h 9 min
    16+
    Sumisikat si Rembrary dahil sa mga manonood na nakapanood ng performance niya. Kasabay nito, kumalat ang haka-haka tungkol sa kaniya. Pilit na itinatago ni Dal ang tunay niyang pagkakakilanlan. Pinili ni Rembrary na mag-shoot ng drama kung saan si Woo-shin ang bida. Pero nahulog si Rembrary sa patibong ni Jo-woon.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  6. S1 E6 - EPISODE SIX

    Marso 1, 2023
    1 h 7 min
    13+
    Sinusubukan ni Dal na ilabas si Rembrary sa patibong na ginawa ni Jo-woon. May isa ring taong nagnanais kay Rembrary. Samantala, malalaman ni Rembrary ang tungkol kay Woo Yeon-woo mula sa mga sulat na ipinadala niya sa mga fan. Habang naghahanda ang Wild Animal para sa comeback, may masasaksihan si Dal na hindi kapani-paniwala.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  7. S1 E7 - EPISODE SEVEN

    Marso 7, 2023
    60min
    13+
    Isang kahina-hinalang boy band na may limang miyembro ang nag-debut. Pilit na lumalayo si Rembrary kay Dal. Nang malaman ni Dal ang katotohanan tungkol kay Woo Yeon-woo, labis siyang nawalan ng pag-asa. Samantala, muling nagkita sina Rembrary at Oh Jeong-shin. Ang kontrata nilang sagrado ang nagdulot ng gulo kay Rembrary.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  8. S1 E8 - EPISODE EIGHT

    Marso 7, 2023
    1 h 4 min
    13+
    May malalaman si Rembrary na nakakagulat na balita tungkol sa Hongwoodaedae sa Purgatoryo. Sasali siya sa isang dating show matapos siyang alukin ng pagkakataon na hulihin ang mga goblin para makaharap si Redlin. Samantala, nalilito si Dal dahil sa Black Magic.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  9. S1 E9 - EPISODE NINE

    Marso 14, 2023
    1 h 6 min
    13+
    Labis na tinamaan si Rembrary sa pag-amin ni Dal ngunit pinipilit niyang maging kalmado. Naging malaking isyu ang litrato nila ni Dal, kaya gumawa si Dal ng malaking desisyon para protektahan siya. Sinisimulan ni Shin Jo-woon ang plano niya para pabagsakin si Rembrary. Habang hinahanap si Dal, nauwi si Rembrary sa isang malaking krisis.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  10. S1 E10 - EPISODE TEN

    Marso 15, 2025
    1 h 5 min
    16+
    Sa isang gabi, naging kriminal si Rembrary. Binuhos ng publiko ang kanilang kritisismo at batikos, kaya labis siyang nainis. Pupunta si Dal kay Hong Lin para ayusin ang sitwasyon. Samantala, kakalat ang kakaibang tsismis sa mga pamilya ng mga biktima, dahilan para mapasubo si Rembrary sa isa na namang krisis. Pipilitin naman ni Sa Gam-jae si Rembrary na gumawa ng malupit na desisyon.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  11. S1 E11 - EPISODE 11

    Marso 21, 2023
    1 h 9 min
    16+
    Naghahanda ang Wild Animal para sa joint performance kasama ang Evil Boys sa awards ceremony. Habang sinusubukan ni Rembrary na pigilan ang Evil Boys na manalo, nalaman niya ang isang hindi inaasahang katotohanan. Nakakuha ng alok si Jung-seo mula sa Hongwoodaedae na hindi niya kayang tanggihan. Samantala, papunta na sa ceremony si Shin Jo-woon matapos mabawi ang kaniyang kapangyarihan.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
  12. S1 E12 - HULING EPISODE

    Marso 22, 2023
    1 h 12 min
    13+
    Nang makabalik si Rembrary sa kasalukuyan, nalaman niya sa Reyna ng Purgatoryo ang paraan para pigilin si Redlin. Nalaman rin niyang kailangan niyang gumawa ng sakripisyo. Samantala, nadiskubre ni Shin Jo-woon ang totoo tungkol kay Redlin at labis na naapektuhan nito. Pumunta sina Rembrary, Dal, at Sa Gam-jae sa Hongwoodaedae, at bawat isa, gagawa ng mahalagang desisyon para mapigilan si Redlin.
    Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects