
Panoorin nang libre
8 (na) mga episode
1. Pahayag ng Tatak
Makakasama nina Heidi Klum at Tim Gunn ang 10 designers sa Los Angeles, CA at handa na agad ang una nilang gawain -- koleksiyong may dalawang likha na repleksiyon ng pahayag ng kanilang tatak. Dapat na makapanayam ng Vogue Business ang mga designer para sa promosyon bago mairampa ang mga gawa nila sa runway. May isang mananalo at may isang uuwi.
2. Pang-resort
Ibibigay nina Heidi at Tim sa mga designer ang susunod na gawain: koleksiyong pang-resort na may dalawang likha na gaganapin sa isang nakalutang na runway. Isang designer ang makakabawi matapos ang ipinakitang kahinaan sa unang gawain at isa ang hindi mapapabilib ang mga hurado sa orihinal na mga print at mapapauwi.
3. Modernong Pangkasal
Aatasan ang mga designer, nang magkapares, na lumikha ng tatlong babagay sa modernong kasal. Ang ibang magkapares ay magkakasundo sa trabaho samantalang ang iba ay magkakapikunan sa pagpupumilit na marinig sila. Sa huli, isang nakagugulat na desisyon ang ihahayag ng mga hurado.
5. Avant-Garde
Makakatrabaho ng mga designer ang tanyag na tatak sa Amerika, ang Levi's. Bubuo sila ng koleksiyong gawa sa maong, ang isa ay agaw-pansin na Avant-Garde. Ipakikita ng mga designer ang naiiba nilang husay na siyang magpapahirap sa mga huradong magdesisyon. Sa kabila nito, may mga hindi makapagpapabilib sa mga hurado at kakailanganing mas lalong ipaglaban ang sarili para manatili sa kumpetisyon.
6. Video Campaign
Lilikha ang mga designer ng koleksiyong repleksiyon ng pakikipagsapalaran ng tatak nila para sa isang video ng patalastas. Isang designer ang mahihirapan sa matinding pagod sa kumpetisyon at ang iba naman ay mahihirapan sa hamon ng gawaing ito, na magbibigay sa mga hurado ng matinding hirap sa pagdedesisyon.
7. Mga Concept Store
Naaamoy na ng huling tatlo ang $1 milyon, pero bago ang pagkakataong mabuo ang huli nilang koleksiyon, aatasan silang magdisenyo ng walong kakatawan sa kanilang tatak para sa isang concept store. Dama ng mga designer ang pressure. Walang nagnanais mapauwi sa iisang gawain na lamang bago ang pagwawakas ng kumpetisyon.
8. Pagtatapos
Sa pagtatapos ng Making the Cut, ang huling mga designer ay magpapakita ng mga ideya para kumbinsihin sa kanilang negosyo ang presidente ng Amazon Fashion. Bubuo rin sila ng koleksiyong may sampung likha. Isang designer ang tatanghaling kampeon ng Making the Cut at makatatanggap siya ng paggabay, eksklusibong puwesto sa Amazon, at $1 milyon para sa pagpapaunlad sa kanyang tatak.
Making The Cut
IMDb 6.7/1020213 (na) seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.






















