Tulong

Suporta sa UEFA Champions League

Narito ang dapat mong gawin kung nakakaroon ka ng mga isyu sa panonood ng live na coverage ng UEFA Champions League sa Prime Video.

Mga Tanong at Sagot

1) Kailangan ko bang magdagdag ng bayad para makapanood ng UEFA Champions League sa Prime Video?

Puwedeng panoorin ng mga miyembro ng Prime sa Italy ang UEFA Champions League sa Prime Video nang walang karagdagang bayad. Puwedeng magsimula ng 30 araw na libreng trial ng Prime ang mga hindi miyembro ng Prime (€4.99/buwan o €49.90/taon). Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang amazon.it/prime

2) Paano ako makakapag-sign up sa Amazon Prime?

Ang mga customer ay puwedeng magsimula ng 30 araw na libreng trial ng Amazon Prime o mag-sign up sa halagang €4.99/buwan o €49.90/taon. Maliban sa UEFA Champions League, puwedeng i-enjoy ng mga customer ng Prime ang maraming iba pang benepisyo, kasama na ang libreng pagpapadala ng Premium, mga eksklusibong deal at alok, Amazon Originals, mga pelikula at palabas sa TV, at mahigit sa 2 milyong kantang walang ad. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang amazon.it/prime.

3) Aling mga match sa UEFA Champions League ang magiging available na live sa Prime Video?

Sa 2022/23 season, patuloy na ipapalabas ng Prime Video ang top match sa Miyerkoles ng bawat matchday ng UEFA Champions League mula sa Play-Off hanggang sa semi-finals. Ang match na ito ay magtatampok ng Italian team, hangga’t may Italian team sa kumpetisyon. Bukod dito, ipapalabas din ng Prime Video ang UEFA Super Cup sa Miyerkules, Agosto 10, 2022, 9:00 PM (GMT+2).

4) Saan ko mapapanood ang live na coverage ng UEFA Champions League?

Pumunta sa Prime Video app sa iyong device at makikita mo ang mga match sa ilalim ng "mga live at paparating na event" o puwede kang pumunta sa homepage ng primevideo.com at mag-click sa Prime Video kung saan ka makakakita ng link sa "mga live at paparating na event". Bilang alternatibo, pumunta sa iyong Prime Video app (o sa primevideo.com homepage) at hanapin ang "UEFA Champions League". Pakitingnan ang landing page ng UEFA Champions League para sa lahat ng content Mga Suportadong Device.

5) Ano ang susunod na live na match sa UEFA Champions League sa Prime Video?

Para sa impormasyong nauugnay sa susunod na live na match sa UEFA Champions League sa Prime Video, pumunta sa UCL hub page dito.

6) Bukod sa mga live na match, ano ang iba pang content na mapapanood ko?

Magkakaroon ng highlight na palabas pagkatapos ng pag-broadcast ng live na match ng Miyerkules sa Prime Video. Itatampok ng palabas na ito ang mga highlight ng lahat ng match na nilaro noong Miyerkules. Kapag tapos na ang live na highlight na palabas, mananatili itong available bilang video on demand hanggang Huwebes 24:00 CET sa Prime Video.

Magiging available ang kumpletong replay gayundin ang mga highlight (maikli at na-extend) ng live na match nang humigit-kumulang 30 Minuto pagkatapos ng panghuling pito. Magiging available din ang mga stand-alone clip ng lahat ng iba pang match ng Martes at Miyerkules bilang video on demand nang humigit-kumulang 30 minuto pagkatapos ng panghuling pito hanggang Huwebes 24:00 CET.

Available bilang video on demand ang karagdagang nakakasabik na programa ng UEFA Champions League at iba pang Amazon Originals.

7) Nakakaranas ako ng mga isyu sa pag-stream, ano ang magagawa ko?

Una, tingnan ang mga bilis ng bandwidth ng iyong device. Para sa pinakamagandang karanasan sa pagla-live stream, inirerekomenda ng Prime Video ang minimum na bilis ng pag-download na 1 Mbps para sa SD at 5 Mbps para sa HD. Ibibigay ng Prime Video ang pinakamagandang kalidad sa karanasan sa pag-stream na posible batay sa available na bilis ng bandwidth. Kung nakakaranas ka ng anumang isyu sa video na nanginginig/gumagalaw, inirerekomenda naming i-off mo ang setting ng Paggalaw sa iyong TV. Baka iba ang pangalan ng setting na ito depende sa manufacturer ng iyong TV. Kasama sa ilang halimbawa ng setting ng Paggalaw ang Auto Motion Plus, Tru Motion, MotionFlow, Cinemotion, at Motion Picture. Kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.

8) Naantala ang stream ko, paano ko ito mababawasan?

Bagama’t na-optimize ang lahat ng device para makapagbigay ng maganda at malinaw na karanasan sa panonood, nag-aalok ang ilang device ng mas kaunting antala sa pagitan ng live na laro at iyong stream. Inirerekomenda naming gumamit ng Fire TV, iOS o Android device para sa pinakamahusay na karanasan sa panonood.

9) Aling mga device ang sinusuportahan ninyo? Aling mga device ang magagamit ko para makapag-live stream ng mga match sa UEFA Champions League?

Panoorin ang UEFA Champions League sa bahay o on the go sa iyong pagpipiliang daan-daang compatible na device. Mag-stream mula sa web o gamit ang Prime Video app sa iyong smartphone, tablet, set-top box, game console, o smart TV. Para sa kumpletong listahan ng mga compatible na device, bisitahin ang Mga Suportadong Device na seksyon dito.

10) Puwede ko bang panoorin ang mga match sa UEFA Champions League sa mga pub o bar?

Magiging available ang Nangungunang Match ng Miyerkules sa Sky Pubs sa Italy na napapailalim sa mga lugar na kukuha ng naaangkop na package. Pakitanong sa iyong mga lokal na pub dahil posibleng iba-iba ang availability batay sa kanilang setup at mga lokal na paghihigpit sa lockdown. Kung nagpapatakbo ka ng Pub o iba pang Commercial premise at gusto mong ipalabas ang mga match, kakailanganin mong bilhin ang Sportsbar o International package sa pamamagitan ng Sky business offering .

11) Puwede ko bang panoorin ang mga match sa UEFA Champions League habang bumibiyahe?

Ang mga miyembro ng Prime na nakatira sa Italy ay magkakaroon ng kakayahang manood ng mga live na football match, replay, at highlight habang bumibiyahe sa loob ng European Union. Hindi sinusuportahan ang lahat ng iba pang international na lokasyon.

12) Saan ko puwedeng panoorin ang mga match sa UEFA Champions League sa Prime Video?

Available sa mga miyembro ng Prime sa Italy (kasama na ang San Marino at Vatican City) ang UEFA Champions League sa Prime Video.

13) Nakakatanggap ako ng error sa lokasyon kapag sinusubukang manood.

Ang mga laban sa UEFA Champions League sa Prime Video ay available lang sa mga miyembro ng Prime na nakatira sa Italy (kabilang ang San Marino at Vatican City), kapag nagsi-stream mula sa Italy o sa loob ng European Union. Hindi kwalipikado ang mga customer na nakatira sa iba pang internasyonal na lokasyon. Hindi sinusuportahan ng Prime Video ang pag-stream ng content sa pamamagitan ng Mga Virtual Private Network (VPN) o proxy na koneksyon. Para makapanood ng Prime Video, dapat mong i-off ang mga serbisyong ito sa iyong device o subukan mong lumipat sa isa pang available na koneksyon.

14) Magkakaroon ba ng komentaryo ang lahat ng match?

Oo, magkakaroon ng kumpletong komentaryo sa bawat match sa wikang Italian. Magkakaroon ng opsyong alternatibong audio gamit ang mga setting ng audio na nagbibigay-daan sa iyong iangkop ang iyong karanasan sa live na broadcast.

15) Bakit hindi ko ma-access ang live na sports sa aking device?

Hindi sinusuportahan ng mga sumusunod na device ang pagla-live stream sa Prime Video, kaya hindi ka makakanood sa mga device na ito:

  • LG Hawaii TV: ilang partikular na 2015 at mas naunang mga modelo.
  • Sony Bravia TV: ilang partikular na 2015 at mas naunang mga modelo.
  • Sony Bravia Blu-Ray Disc Player.
  • Xbox 360 Game Console.

16) Puwede ba akong mag-rewind, mag-pause, at mag-fast forward sa aking device?

Available ang pag-rewind, pag-pause, at pag-fast forward sa mga Android/iOS Mobile, Web (Chrome, FireFox, Edge), Fire TV, Google Chromecast, Apple TV (Gen 3 at mas bago) at piling Smart TV. Gamitin ang button sa pag-play na Panoorin mula simula sa pahina ng detalye o sa player para mapanood ang simula ng match. Pakitandaang hindi sinusuportahan ang mga feature na ito sa lahat ng device.

17) Paano ko io-on o io-off ang Mga Subtitle?

Puwede mong i-on at i-off ang Subtitles sa pamamagitan ng pag-click sa "up" sa iyong remote control at pagpili sa mga opsiyon sa Subtitle. Para sa ilang device, mukhang dialog box ang icon na Mga Subtitle, o maaaring nakalista ito bilang isang opsyon sa menu sa ilalim ng "Mga Subtitle" sa pahina ng detalye ng video.

18) Puwede ko bang makita ang mga stat, lineup ng team, atbp., habang nanonood ng mga match sa UEFA Champions League? Ano-ano ang mga feature na X-ray ang available para sa mga match sa UEFA Champions League?

Oo. Magiging available ang mga feature na X-Ray sa lahat ng sinusuportahang kliyente (FTV, Android, iOS, at Web). Sa mga smart phone, tablet, at web, piliin ang opsyong 'Stats & highlights' (Mga Stat at highlight) habang playback para makita ang mga stat ng match na ibinibigay nang gaya ng mga goal, possession, mga shot sa target, corner, card, mga sinaklaw na distansya, nakumpletong pagpasa, at higit pa. Sa FireTV, mag-navigate sa player controls habang nagpe-playback at pindutin ang button na 'up' (pataas) sa iyong Fire TV remote para ma-access ang mga feature na X-ray.

Oo, ang X-Ray para sa live na sports ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tulad ng mga real-time na stat, live na play-by-play, impormasyon ng team at player, at higit pa habang nanonood ka. I-access ang X-Ray sa alinman sa mga sumusunod na device:

  • Fire TV: sa pamamagitan ng pag-click sa button na up sa iyong remote ng Fire TV.
  • Mga iOS/Android phone: sa pamamagitan ng pag-rotate sa iyong device nang patayo o sa pamamagitan ng pag-tap sa X-Ray button na matatagpuan sa kaliwang sulok sa itaas ng screen.
  • iOS/Android tablet: sa pamamagitan ng pag-rotate sa iyong device nang patayo o sa pamamagitan ng pag-tap sa X-Ray button na matatagpuan sa kaliwang sulok sa itaas ng screen.
  • Web: sa pamamagitan ng pag-click sa "mga stat at highlight."

19) Ano pang ibang impormasyon ang available?

Bisitahin ang aming mga page ng tulong dito, o para sa higit pang tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.