

Libreng trial ng HBO Max o bilhin
23 (na) mga episode
1. The Bad Fish Paradigm

1. The Bad Fish Paradigm
Makaraang sumablay ang una niyang pakikipag-date kay Leonard (series star na si JOHNNY GALECKI), nakahanap si Penny (series star na si KALEY CUOCO) ng napilitang confidante sa katauhan ng anti-social na roommate ni Leonard, si Sheldon (series star na si JIM PARSONS). Dahil sa isang nakakahiyang sikreto, nanganganib na maudlot ang nagsisimula nilang pag-iibigan sa premiere ng pangalawang season.
2. The Codpiece Topology

2. The Codpiece Topology
Nag-unahan sina Penny at Leonard na maka-move on pagkatapos ng kanilang unang paghihiwalay. Nang makita ni Leonard na kasama ni Penny ang isang guwapong bagong lalaki (guest star na si TRAVIS SCHULDT - "Scrubs"), pumasok siya sa isang rebound na pakikipagrelasyon sa kaaway ni Sheldon na si Leslie Winkle (series regular na si SARA GILBERT).
3. The Barbarian Sublimation

3. The Barbarian Sublimation
Isang halimaw ang nalikha ni Sheldon nang ipinakilala niya kay Penny ang mundo ng online gaming, lalo na nang nagulo ng pagkahumaling na ito ni Penny ang buhay niya.
4. The Griffin Equivalency

4. The Griffin Equivalency
Dahil sa ego ni Raj, muntik na siyang masira sa lahat ng kanyang kaibigan nang tumaas ang tingin niya sa sarili. Bagong sumisikat dahil sa isang artikulo sa magazine, may nagawang eskandalo si Raj (series regular na si KUNAL NAYYAR) sa matagal nang gusto ni Leonard na si Penny.
5. The Euclid Alternative

5. The Euclid Alternative
May ginawang paraan sina Leonard at mga kaibigan niya para maharap ni Sheldon ang matagal na nitong takot sa pagmamaneho.
6. The Cooper-Nowitzki Theorem

6. The Cooper-Nowitzki Theorem
Hindi maunawaan ng lahat, pati ni Sheldon mismo, ang pagkagusto sa kanya ng batang grad student.
7. The Panty Piñata Polarization

7. The Panty Piñata Polarization
Nagmatigasan sina Sheldon at Penny kung saan ipinahayag ni Penny na gagantihan niya si Sheldon sa pagbabawal nito sa kanya sa apartment dahil sa mga sunod-sunod na maliit na kasalanan.
8. The Lizard-Spock Expansion

8. The Lizard-Spock Expansion
Naniniwala si Wolowitz (series regular na si SIMON HELBERG) na nakita niya na ang taong para sa kanya (guest star na si SARA RUE) -- hanggang sa makilala nito si Leonard.
9. The White Asparagus Triangulation

9. The White Asparagus Triangulation
Walang pagsidlan ang tuwa ni Sheldon nang magsimulang makipag-date si Leonard sa isang babae (SARA RUE) na pasok sa mga pihikang standard ni Sheldon.
10. The Vartabedian Conundrum

10. The Vartabedian Conundrum
Sadyang hindi makatanggi si Leonard. Nang magsimulang bumilis ang takbo ng relasyon niya sa bagong girlfriend na si Stephanie, lumapit si Leonard kay Penny para humingi ng payo.
11. The Bath Item Gift Hypothesis

11. The Bath Item Gift Hypothesis
May dulot na stress ang Kapaskuhan kay Leonard -- na may guwapong katrabaho (MICHAEL TRUCCO) na nagsimulang makipag-date kay Penny -- at sa kanyang mga kaibigan, na naiinis na sa palaging binabanggit ni Sheldon na dapat na kaugalian sa pagbibigayan ng regalo.
12. The Killer Robot Instability

12. The Killer Robot Instability
Dahil ikinalungkot at ikinatamlay ni Wolowitz ang sinabi ni Penny tungkol sa love life niya, nawalan ang mga kaibigan niya ng pinakamahalaga nilang teammate sa nalalapit na kumpetisyon sa labanan ng robot.
13. The Friendship Algorithm

13. The Friendship Algorithm
Bumuo ng siyentipikong pamamaraan sa pakikipagkaibigan ang socially awkward na si Sheldon.
14. The Financial Permeability

14. The Financial Permeability
Dahil sa "simpleng" solusyon ni Sheldon sa problema sa pera ni Penny, nagkaroon ng pagtatalo si Leonard at ang malaking taong ex-boyfriend ni Penny na si Kurt (guest star na si BRIAN PATRICK WADE).
15. The Maternal Capacitance

15. The Maternal Capacitance
Mas napalapit sina Leonard at Penny sa isa't isa dahil sa nakakaeskandalong pagbisita ni Mrs. Hofstadter (espesyal na guest star na si CHRISTINE BARANSKI).
16. The Cushion Saturation

16. The Cushion Saturation
May mga nakakagulat na resulta ang paintball game para kay Leonard at sa mga kaibigan nito nang humantong ito sa pag-aaway nina Penny at Sheldon -- at sa romansa sa pagitan ni Wolowitz at Leslie.
17. The Terminator Decoupling

17. The Terminator Decoupling
Nagkaroon ng major detour sa biyahe sa tren papuntang San Francisco nang malaman nina Leonard, Sheldon, Wolowitz at Raj na kasabay nila ang magandang sci-fi actress na si SUMMER GLAU ("Terminator: The Sarah Connor Chronicles"). May cameo din ang Nobel Laureate for Physics at "Big Bang" theorist na si Dr. George.
18. The Work Song Nanocluster

18. The Work Song Nanocluster
Nabulilyaso ang negosyong mga home hair product ni Penny nang tumulong ang nasobrahan sa kapeng si Sheldon.
19. The Dead Hooker Juxtaposition

19. The Dead Hooker Juxtaposition
May bagong queen bee sa building! Nagkaroon ng kakumpitensya si Penny sa katauhan ng isang seksi na babaeng kapitbahay na lumipat sa building at nagtatangkang maging "bagong Penny."
20. The Hofstadter Isotope

20. The Hofstadter Isotope
Habang nanliligaw kay Penny si Stuart (guest star na si KEVIN SUSSMAN), ang kaibigan ng tropa na kapwa nilang mahilig sa komiks, naghahanap naman ng makikilala sina Leonard at Wolowitz sa "Ladies' Night" sa isang lokal na bar.
21. The Vegas Renormalization

21. The Vegas Renormalization
Dinala nina Leonard at Koothrappali ang heartbroken na si Wolowitz sa Las Vegas, at hindi makapasok si Sheldon sa apartment niya kung kaya napilitan siyang makitulog kay Penny.
22. The Classified Materials Turbulence

22. The Classified Materials Turbulence
Nagsimulang gumanda ang sitwasyon para kay Leonard nang may nakakagulat na rebelasyon si Penny sa kanyang pangalawang beses na paglabas kasama si Stuart (guest star na si KEVIN SUSSMAN). Samantala, hiningi ni Wolowitz ang tulong ng mga kaibigan niya nang may natuklasan siyang kritikal na isyu sa disenyo ng proyekto niya para sa NASA.
23. The Monopolar Expedition

23. The Monopolar Expedition
Sa finale ng pangalawang season, pinagbigyang muli nina Leonard at Penny ang nararamdaman nila sa isa't isa. Nang magpasya sina Leonard at mga kaibigan niya na gamitin ang bakasyon sa pagtatrabaho - sa North Pole - nagkaroon ng pag-aalinlangan si Penny.
The Big Bang Theory
IMDb 8.1/10200612 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.




























