Leonard and Sheldon are brilliant physicists—geniuses in the laboratory, but socially challenged everywhere else. Despite their on-again, off-again relationship in the past, Leonard and Penny have finally gotten married. Even Sheldon has found a female companion, entering into a "Relationship Agreement" with neurobiologist Amy Farrah Fowler.
Nagtabi na sa pagtulog ang ina ni Sheldon (LAURIE METCALF) at ama ni Leonard (JUDD HIRSCH), at nagkailangan ang lahat kinabukasan nito sa premiere ng pangsampung season.

Kabado ang magkakaibigan nang mahirapan silang matapos ang government project -- sinubukan na ni Sheldon ang energy drink para magising. Nasa "party" naman sina Penny at Amy sa bahay ni Bert na geologist (guest star na si BRIAN POSEHN). Nalaman ni Raj ang totoong saloobin ni Bernadette sa pagbubuntis nang maglinis sila sa baby room. Nagbabalik si Dean Norris bilang Air Force Colonel Williams.

Nang bumaha sa apartment ni Amy, nagmungkahi siya ng "eksperimento sa cohabitation" kasama si Sheldon. Samantala, nainis sina Howard at Bernadette nang mauna pang malaman ni Raj ang kasarian ng baby nila kaysa sa kanila.

Kinailangang awatin nina Leonard at Penny ang nag-aaway na sina Sheldon at Amy, nang hindi umayon sa plano ang eksperimento sa cohabitation. Makikipaghiwalay daw si Sheldon dahil ayaw sumunod ni Amy sa "bathroom schedule." May naabutan din sina Howard at Bernadette na mga hindi inaasahang bisita sa bahay nila nang magdesisyon silang manatili na lang sa bahay pagkatapos ng nakaplanong bakasyon.

Nagulat si Penny nang malamang may fans siya sa naging pag-arte niya sa "Serial Ape-ist" nang dumalo siya sa Van Nuys Comic-Con kasama si Leonard. Nag-host din si Amy ng Sheldon-style na brunch sa apartment ni Penny. At may biglaang binili si Howard nang mataranta na siya sa malapit nang lumabas na anak nila.

Para patuloy na makasama sa iisang bahay si Sheldon, nagsinungaling si Amy tungkol sa pagkakaayos ng apartment niya; at nag-host sila ng "on location" na episode ng "Fun with Flags" sa apartment ni Penny. Hinayaan din ni Leonard si Penny na ayusin ang dating kuwarto ni Sheldon pagkaraang malaman na palihim nitong inililipat ang mga collectible ni Leonard sa bodega.

Pagkatapos ng matagumpay na eksperimento sa pagsasama ng genes nila, hindi na mapigilan si Sheldon sa pagkumbinsi kay Amy na gumawa sila ng anak. Nahihiya rin si Raj na sabihin sa barkada ang trabaho ng bagong babaeng dine-date niya.

Nang manalo sa MacArthur Genius Fellowship ang geologist sa CalTech na si Bert (nagbabalik na guest star na si BRIAN POSEHN), napangunahan ng inggit si Sheldon. Samantala, nakita ni Howard ang lumang remote controlled na action figure ni Stephen Hawking na inimbento niya. Nagbabalik na guest star si STEPHEN HAWKING bilang sarili niya.

Nagkainitan sina Leonard at Sheldon ng pag-awayan nila kung kanino mapupunta ang mga gamit na magkasama nilang binili. Nagpaligsahan din sina Raj at Stuart sa kung sino ang pinakahigit na may silbi sa mga huling linggo ng pagbubuntis ni Bernadette. Guest star dito si CHRISTOPHER LLOYD bilang Theodore.

Binisita nina Sheldon at Amy sina Leonard at Penny sa unang pagkakataon simula noong bakasyon at ikinuwento nila ang mga detalye ng hindi magandang nangyari sa kanila sa Texas. Nagbabalik si Laurie Metcalf bilang ina ni Sheldon na si Mary.

Nagtampo si Penny sa pagbabalewala ni Leonard, kaya pumunta na lang siya sa spa weekend kasama si Amy, at si Sheldon ang naging tulay para magkabati sila na mukhang papalpak pa. Samantala, sinubukang ayusin nina Howard at Raj ang lumalangitngit na floorboard sa kuwarto ng baby.

Nagsagawa ng beta test si Sheldon sa MIT invention na tumutulong sa pagbabasa ng emosyon ng tao. Inimbitahan ni Raj ang mga ex-girlfriend para hingian ng dating advice, at hindi maitago ni Leonard ang saloobin nang sabihin ni Penny na pupunta ang brother niya. Mga guest star sina LAURA SPENCER, KATE MICUCCI, ALESSANDRA TORRESANI at KATIE LeCLERC na nagbabalik bilang mga ex-girlfriend ni Raj.

Sinubukang ibaling nina Leonard at Howard ang atensyon ni Sheldon sa mga tiket sa isang makasaysayang riles ng tren nang makasagabal ito sa pag-usad ng kanilang guidance system. Samantala, inaya naman nina Penny at Amy si Bernadette para lumabas, at naiwan kina Raj at Stuart ang pag-aalaga kay baby Halley. Nagbabalik si Dean Norris bilang Colonel Williams.

Nangyari ang unang pag-aaway nina Sheldon at Amy simula nang magsama na sila matapos magkuwento ng Sheldon ng mga pribadong detalye ng kanilang relasyon sa mga tao sa unibersidad. Samantala, nagulat si Raj sa mga realidad ng pinansyal na independence nang matigil na ang suporta sa kanya ng ama niya (guest star na si BRIAN GEORGE).

Nang matigil na ang suporta kay Raj ng ama niya, itinalaga niya si Sheldon para mangasiwa sa mga pera niya at matulungan siyang mabayaran ang mga utang. Pinag-isipan din ni Penny na samahan si Leonard sa Comic-Con.

Nang umalis na si Raj sa apartment niya, inialok nina Leonard at Penny sa kanya ang dating kuwarto ni Sheldon. Nagbabalik si Christine Baranski bilang ina ni Leonard na si Beverly.

Sinasanay na nina Leonard, Penny at Raj ang kanilang sarili sa bago nilang living arrangement, samantalang nagpapakita naman ng interes si Sheldon sa trabaho ni Amy.

Kinaya ni Sheldon na makipagtulungan sa mga proyekto kasama sina Leonard at Howard gayundin si Amy sa parehong araw. Malapit na ring matapos ang maternity leave ni Bernadette at dapat na siyang bumalik sa trabaho. Guest star dito si JOEL MURRAY bilang Doug.

Nahirapan sina Howard at Bernadette na iwan si Halley sa daycare nang bumalik na sa trabaho si Bernadette. Ipinakilala rin ni Bert sa barkada ang bago niyang girlfriend na si Rebecca (guest star na si APRIL BOWLBY).

Hindi natuwa si Leonard nang pag-isipan ni Penny na tanggapin ang bagong trabaho na iniaalok ng ex-boyfriend niyang si Zack (guest star na si BRIAN THOMAS SMITH).

Makaraang magdiwang nina Leonard, Sheldon at Howard dahil natapos na ang top secret na proyekto nila sa Air Force, isang hindi nakakatuwang pangyayari ang gumulat sa kanila. May inialok ding summer position kay Amy bilang bisitang researcher.

Sa finale ng pangsampung season, nangangamba ang barkada dahil bumalik ang dating may gusto kay Sheldon na si Dr. Ramona Nowitzki (nagbabalik na guest star na si RIKI LINDHOME), habang nasa Princeton si Amy.