
Season 1
10 (na) mga episode
1. Faces on a Billboard

1. Faces on a Billboard
Ang kompetisyon sa pagitan ng institusyong RJ at Batra ay tumitindi habang inilalabas ang All India Ranks ng taon. Ang tindi ng tunggalian ay haharapin ng bagong batch ng mga estudyante, na nagpupumilit makahanap ng kasiyahan sa nakakapagod na buhay na ito.
2. Wheeler-Dealer

2. Wheeler-Dealer
May dalang mga hindi inaasahang bisita ang isang birthday party at hamon ang paghahanap ng first kiss. Napagtanto ni Vidhi na ang pangarap niyang makapasok sa AIR Top 10 ay nanganganib maliban kung siya ay mag-aaral mula sa isang propesor sa Batra Institute. Sa Batra, nagpasya si Shashank na maglaro ng marumi para manalo laban kay Ratanraj Jindal.
3. Covalent Bonding

3. Covalent Bonding
Isang artikulo sa pahayagan ang lumikha ng kaguluhan sa lungsod at ang RJ Institute ay nasa bingit ng pagsasara. Binalaan si Ratanraj Jindal na isa pang maling hakbang, ay maaaring dumurog sa panghabambuhay na pangarap na palitan ang pangalan ng lungsod sa RJ Nagar. Namumulaklak ang romansa, at binubulag ng pag-ibig ang mga estudyante ng RJ Institute laban sa kung ano ang tama at mali.
4. The A,B,C,D Game

4. The A,B,C,D Game
Inanunsyo ni Jindal ang dalawang malaking pagbabago kung paano tatakbo ngayon ang institusyon niya, na nagbabanta sa kalayaan ng mga estudyante niya. Lumalaban si Shanaya sa bagong katotohanan at iniisip na ang kaligtasan niya ay nakasalalay sa pagtatago ng lihim, kahit na kay Sathya. Nalilito si Sathya sa mailap niyang pag-uugali at hindi niya magawang tulungan si Anil kapag kailangan siya nito.
5. Bell Curve

5. Bell Curve
Nakaligtas si Anil mula sa pagkakamali, ngunit huli na para kay Shanaya na desperadong ibaon ang lihim niya, at sinusubukang maghanap ng mga sagot sa internet. Nakapokus ang atensyon kay Tejal Patel sa kanyang institusyon nang magpasya si Sashank Batra na ituloy ang sunud-sunod na panalo laban sa RJ institute. Nagpaplano sina Jindal at Binny ng pinakamalaking panloloob na nakita ng lungsod.
6. The Loyalty Tests

6. The Loyalty Tests
Nakatanggap si Sathya ng pinakanakakatakot na tawag sa buhay niya at nakagawa ng nakakagulat na deal upang iligtas ang mahal sa buhay. Nagdulot ng higit pang mga komplikasyon ang pagibig ni Vidhi nang malaman ang tungkol sa nararamdaman ni Anil sa kanya nang nag-uusap sila ni Tejal. Nanginginig pa rin si Shashank sa pinakahuling suntok ni Jindal nang malaman ang pagtataksil ng star teacher niya.
7. Brothers in Arms

7. Brothers in Arms
Napagtanto ni Shashank na ang kanyang kapatid ay mapanganib, at nahihirapang pumili sa pagitan ng pagligtas sa kanyang kapamilya o negosyo. Si Shanaya ay may nakakatakot na karanasan sa isang van na damang-dama niya hanggang sa buto. Sa Shah Hostel, sinisikap ng mga hostelite na hanapin ang kilalang magnanakaw na gumagala sa kanilang mga pasilyo at ang ilan ay hindi maiwasang gumamit ng karahasan.
8. Red Handed

8. Red Handed
Sinubukang tumakas ni Mayank Batra mula sa kaniyang kuya, nang hindi alam ang patibong para sa kaniya. Inabandona si Sathya ng kaniyang mga kaibigan habang nakahanap ng bagong kasama si Anil. Desperadong makalipat ng Institusyon si Vidhi, at ang pumipigil sa kaniya ay si Rantanraj Jindal.
9. Free Falling

9. Free Falling
Galit na galit ang mga magulang ni Vidhi sa kaniyang planong lumipat ng institusyon. Tulala si Anil. Wasak ang puso ni Sathya dahil sa plano sa kinabukasan ni Shanaya, at inatake si Rakesh ng dati niyang kalaban. Ang kinabukasan ng RJ at Batra ay nanganganib dahil sa nakakaalarmang desisyon ng isang mag-aaral.
10. The End. The Beginning

10. The End. The Beginning
Naniniwala si Ratanraj Jindal na siya ay hindi matatalo, habang si Binny, Sashank, at iba pang mag-aaral ay nagmamadaling pumunta sa naiwang kaguluhan. Ang mga hindi magkatugmang lakas ay dapat magsama para mapigilan si Jindal na matupad ang kaniyang pangarap sa RJ Nagar at maibalik ang kapital ng coaching sa dating tagumpay nito.
Crash Course
IMDb 7.3/1020221 seasonUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.















