
Panoorin nang libre
Nalalapat ang mga tuntunin
6 (na) mga episode
1. Sa Ilalim ng Radar
Nang masaksihan ng tahimik na iskolar na si Ruby Bell ang isang nakayayanig na lihim, natagpuan niya ang sarili na nasa radar na ni James Beaufort, isang aroganteng milyonaryo at tagapagmana. Puspusang nagsusumikap si Ruby Bell sa Maxton Hall School para makapasok at makapag-aral sa Oxford University. Pero nagkagulo-gulo ang perpekto niyang plano sa pagpasok ni James...
47min
May 8, 2024
2. Noblesse Oblige
Matapos ang nasirang welcome party, ginagawa ni Ruby ang lahat para tiyaking magiging maayos ang darating na fundraiser. Kaya di niya talaga gustong makasama si James sa komite na pinupuri na ngayon doon dahil sa kanyang mga ideya. Matapos ang di inaasahang pagtatalo sa pagitan nila, biglang si Ruby na ang kailangang umamin na siya na ang nagmalabis...
45min
May 8, 2024
3. Exposed
Naging malapit sina Ruby at James sa Beaufort Store sa London. Pero ang biglaang pagkikita ni Ruby at ng mga magulang ni James ang nagbalik sa kanya sa katotohanan: Di siya nabibilang sa mundong ito. Nang naging sentro ng usap-usapan si Ruby sa paaralan dahil sa poster nila ni James, sinabi niya kay James: Ayaw na niyangmaiugnay sa kanya. Pero para kay James, hindi na puwede iyon.
53min
May 8, 2024
4. Ang Oras ng Katotohanan
Matapos ang party kina Cyril, nagbago ang lahat. Nagkalat na ang mga tsismis at lumalalim na ang nararamdaman ni Ruby para kay James. Dahil sa pressure na mula kay Mortimer, natagpuan ni James ang kanyang sarili sa pagitan ng dalawang mundo. Pero nang nagkasabay ang presentation ng bagong "Young Beaufort" sa fundraising gala, kailangang magdesisyon ni James...
45min
May 8, 2024
5. Sa Mata ng Bagyo
Ang pinakamasasayang sandali ay sinusundan ng pinakamalulungkot na sandali. Matagumpay ang fundraiser, ligtas na ang liham rekomendasyon, at naging malapit na sina Ruby at James. Pero nahuli sila ni Mortimer sa maling pagkakataon. Ang tensiyon sa bahay ng Beaufort ay nauwi sa banta ni Mortimer - manganganib ang kinabukasan ni Ruby. Para protektahan siya, kailangan gawin ni James ang di inaasahan.
48min
May 8, 2024
6. Isang Piraso ng Kasiyahan
Sa wakas, dumating na ang oras. Ang mga interview sa Oxford ay magsisimula na at abot-kamay na ang pangarap ni Ruby. Handang-handang na siya - kung di lang dahil sa kanyang roommate na si James. Isang abalang di niya kailangan. Sinusubukan ng dalawa na iwasan ang isa't isa, ngunit di nagtagal at sumabog din ang tensiyon sa pagitan nila...
45min
May 8, 2024
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.























