Kusina ni Jinny
prime

Kusina ni Jinny

Sa maliit na bayan sa Mehiko, sa Bacalar, nagbukas ang Kusina ni Jinny, ipinakilala ang street food ng Koreano sa mga kustomer nila! Ipinapakilala si So Jin, ang boss na seryoso sa negosyo, si Yu Mi, ang bagong executive, si Seo Jun, ang bagong pinuno ng kusina, si Woo Shik, ang dati nating intern, at si Tae Hyung, ang ambisyosong bagong intern! I-enjoy natin ang mga specialty nilang mula sa puso.
IMDb 8.8202311 (na) mga episodeX-Ray7+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Episode 1

    Pebrero 23, 2023
    1 h 36 min
    7+
    Nagbukas ng snack bar ang bagong boss na si Seo Jin sa Mehiko na may slogan na "Una ang tubo!" Ang staff na 'di na bago sa kasipagan niya, na sila Yu Mi, Seo Jun, Woo Shik at si Tae Hyung, ay handa na para dito, pero mukhang imposible. Binasbasan sila ng ulan sa araw ng pagbubukas. "Wala na ang dating Seo Jin. Boss na siya ngayon!" Kilalanin sila sa Bacalar, ang magandang bayan sa tabi ng lawa.
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - Episode 2

    Marso 2, 2023
    1 h 39 min
    7+
    Simula nang magbukas ang Kusina ni Jinny, naging isa sa sikat na restawran na ito sa Bacalar. Sa pangalawang araw, nagdagdag sila ng menu para lumaki ang benta, at gumana! Dumami ang mga kustomer, tumaas ang benta, at natuwa si boss. Pero nagkamali na si Yu Mi at nagkagulo na. Sumaklolo si Intern Choi, sa lababong puno ng hugasin! Ano'ng nangyayari sa muling pagkikita ng Kusina ni Jinny?
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - Episode 3

    Marso 9, 2023
    1 h 36 min
    7+
    Ang susi sa abalang weekend nila ay spicy fricken at hellamyeon! Magiging mabenta rin kaya ang mga ito? Nagbago ang kuripot na boss at tinanggihan ang mga kustomer para sa break? At nagluto si Seo Jun para sa mga gutom na staff! Matapos ang break, dumagsa na naman ang mga kustomer at nagsisimula na rin silang maubusan ng pagkain. Ano kayang mangyayari sa hapunan?
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - Episode 4

    Marso 16, 2023
    1 h 35 min
    7+
    Naka-jackpot ang Kusina ni Jinny sa loob ng tatlong araw! Paalam sa trabaho, hello sa bakasyon! Matapos makamit ang layuning benta, ang masipag na mga trabahante ay makapagpapahinga na rin para makapag-kayak, sagwan, takbo, at bisikleta. Ngunit pagbalik nila sa kalugodlugod na pahinga, walang mga tao, na nagsisimula nang magpayamot sa sumpungin nilang amo. Ano ang nangyayari sa Kusina ni Jinny?
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - Episode 5

    Marso 23, 2023
    1 h 34 min
    7+
    Matapos ang day off, humarap sa krisis ang Kusina ni Jinny. Ipinakilala ni Seo Jun ang bagong menu, ang chibap, para tumaas ang benta at makaakit ng kustomer. Mapaparami kaya ang mga kustomer Tuwing Miyerkules, halos lahat ay sarado, sila ay magiging A) natatanging restawran na bukas at makakaakit ng mga kustomer, o B) walang kustomer! Makakajackpot kaya sila o hindi makakabenta?
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - Episode 6

    Marso 30, 2023
    1 h 34 min
    7+
    Nagiging sikat na ang Kusina ni Jinny! Pagbukas pa lang nila, puno na agad+bumabalik na kustomer+regular na kustomer. Masisiyahan kaya ang mahihilig sa maanghang sa pangalawang K-spicy menu nila? Tae Hyung sa kusina VS Woo Shik sa pagseserbisyo. Nagsimula na ang promosyon ng mga intern. Bilang nakatoka sa tatlong menu ngayon, pinangarap ni Tae Hyung na maging sous chef. Matutupad kaya?
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - Episode 7

    Abril 6, 2023
    1 h 31 min
    7+
    Mas masipag sa trabaho, mas maraming benta! Madali lang ang 10,000 pesos! Nawalan na ng gana ang mga staff at wala na silang sangkap, pero may mga kustomer pa rin! Nagwelga ang staff at nakuha ang pangatlong welfare benefit ni Jinny. Nakakapagpasiglang jet ski! Sa ika-pitong araw, wala na ang tteokbokki at kanin na. May malaking grupo ang dumating 2 oras pagkatapos magbukas! Makayanan kaya nila?
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - Episode 8

    Abril 13, 2023
    1 h 37 min
    7+
    Ganado ang staff matapos ang kalahating day off! Tatlong lamesa ang nai-book bago magbukas! Malalaking grupo, nagbabalik na bisita, take out na order, at kahit kalaban na restawran? Maligayang pagbabalik sa kaguluhan! Maanghang na kompetisyon ang nagsimula sa Bacalar! Matapos ang dagsa ng tao, natapos na ang ika-pitong araw. Ngingiti kaya si Seo Jin sa benta ngayon?
    Sumali sa Prime
  9. S1 E9 - Episode 9

    Pebrero 20, 2023
    1 h 38 min
    7+
    Sa ika-walong araw, naghanda ang Kusina ni Jinny para sa pinakamalaking paghahanda para sa goal na: 12,000 pesos! Mapapabilib kaya ni Intern Kim si Chef Park sa masarap na corn dog at magiging sous-chef? Sa huling araw ay mae-enjoy ng mga kustomer ang kapana-panabik na larong dalgona! Masaya ang lahat, hanggang mawalan ng tiwala. May gumalaw ng cash drawer ni Seo Jin! Ano'ng katotohanan dito?
    Sumali sa Prime
  10. S1 E10 - Episode 10

    Abril 27, 2023
    1 h 38 min
    7+
    Malapit nang matapos ang walong araw nila. Magiging maganda kaya ang katapusan? Nagsimula na ang paghahain nila ng hapunan pero nalito sina Seo Jin at Woo Shik sa dami ng order. Nagsimulang sumayaw si Tae Hyung habang minamaster ang mga menu sa likurang kusina! At ano ang sikreto ng palakaibigan na si Intern Choi? Hindi sila makakauwi hanggang 'di makaka-12,000! Paano ito matatapos?
    Sumali sa Prime
  11. S1 E11 - Episode 11

    Mayo 4, 2023
    1 h 3 min
    LAHAT
    Ang huling istorya at ang behind-the-scenes episode! Nagkitang muli ang Kusina ni Jinny matapos ang apat na buwan para kumain at sa Q and A session! Ano'ng nangyari kay Yu Mi at Tae Hyung noong gabing 'yon? Ang katotohanan sa likod ng kuwento ng pagtataksil ay ibubunyag pati na rin ang huling report ng benta at Top 5 menu! At nanahimik sila sa pinakamagandang laro na nilaro nila. Ano'ng nangyari?
    Sumali sa Prime