

Panoorin nang libre
16 (na) mga episode
1. S.E.R.E
Lumalaban si Bryan Mills (Clive Standen) para mabuhay sa loob ng isang lihim na kulungan sa Mexico at nagpapalano ng magkakasunod na mapanganib na deal para makatakas patungong Estados Unidos.
2. Quarry
Nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Bryan Mills (Clive Standen) at ng pangunahing saksi sa isang iniimbestigahang pagpatay (guest star na si Alexander Draper), dapat gamitin ng sugatang si Mills ang natutunan niya mula sa kanyang ama para manatiling buhay.
3. Hammurabi
Nang makidnap ang isang manggagawang tinanggal sa trabaho ng isang accountant na nasa mataas na posisyon bilang paghihiganti sa nawala niyang pensyon, nagtutulong-tulong ang team sa kaso ng class warfare nang mapagpsayahan ni Bryan (Clive Standen) na tulungan ang kidnapper na makakuha ng hustisya.
4. Opsec
Nang manakaw ang pang-emergency "football" ng Presidente, kinakailangang maibalik muli ito ni Bryan (Clive Standen) bago pa mapunta sa mga mapanganib na tao ang lihim na mga pangseguridad na hakbang ng bansa.
5. Absalom
Nang makidnap ang foreign diplomat na nauugnay sa sex trafficking kinakailangang harapin ni Santana (Jessica Camacho) ang kanyang nakaraan.
6. Charm School
Nang dukutin ang asawa (guest star na si Amy Rutberg) ng isang war hero na senator (guest star na si Sebastian Spence), dapat alamin ni Bryan (Clive Standen) at ng team kung ang pagkawala ba nito ay sinadya ng isang foreign government o isang taong malapit sa tahanan.
7. Invitation Only
Dapat iligtas nina Bryan (Clive Standen) at Santana (Jessica Camacho) ang inakalang matagal nang patay na nuclear physicist mula sa isang lihim na kulungan sa North Korea.
8. Strelochnik
May solong misyon si Hart (Jennifer Beals) para hantingin ang mentor na nagkanulo sa kanya, at sinusubukan ng team na hanapin siya bago pa mahuli ang lahat.
9. Verum Nocet
Dapat makahanap ng paraan si Hart (Jennifer Beals) na pigilan ang isang pinatapon sa labas ng bansa na mamamahayag mula sa pagpapalabas ng mga pangalan ng asset ng pamahalaan bago pa may mawalang inosenteng buhay.
10. All About Eve
Dapat pigilan ni Bryan (Clive Standem) ang pagsasagawa ng biolohikal ng terorismo nang nakawin ang invasive species mula sa Global Seed Bank sa Norway.
11. Password
Nang nagkaroon ng pagbomba sa Washington D.C., sinususpetsa ng team na na-frame up ang inosenteng tao para sa krimen.
12. Imperium
Nang magpuslit ang dealer ng mga mapanganib na sandata sa New York City, nakipagtulungan si Bryan (Clive Standen) sa FBI sa pakikipaghabulan na pigilan ito bago pa ito na makalabas ng bansa.
13. ACGT
Nang makidnap ang anak na lalaki ng isang CIA analyst, nakahanap ng tulong ang team mula sa hindi inaasahang source - sa isa pang biktima ng kidnapping.
14. Carapace
Dapat protektahan ni Bryan (Clive Standen) ang kanyang pinsan nang puntiryahin ito ng napakamakapangyarihang sindikato.
15. Render
Dinukot ang anak na babae ng isang opisyal ng gobyerno na nagtatrabaho sa ibang bansa , at pinigilan ng hindi inaasahang suspect ang pagsagip na operasyon ni Bryan.
16. Viceroy
Nang nasa panganib si Hart, kailangan makahanap ng paraan ang team ng paraan para pigilan si Ramsey (Tahmoh Penikett) bago pa pagsimulan ng digmaan sa mga internasyonal na terorista ang kanyang planong pagpatay sa senator.
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
































