
Mag-subscribe sa Prime o CJ ENM Selects
Nalalapat ang mga tuntunin
Season 1
16 (na) mga episode
1. EP1

1. EP1
Tapat lang sa pera, binibilang ni Doh Bae-man ang natitirang araw sa limang taong serbisyo niya para makapasok na bilang partner sa isang pribadong law firm. Papasok si Cha Woo-in, matapang na tagapagtanggol ng batas na di basta-basta sumusunod sa nakatataas sa kaniya. Binabalaan siya ni Bae-man na huwag manggulo hanggang sa makalabas siya.
1 h 4 min
Abr 26, 2024
2. EP2

2. EP2
Sa gitna ng krisis na pagkawala ni Alan, imumungkahi ni Noh Tae-nam kay Yong Moon-goo na gamitin si Doh Bae-man para sa sarili nilang interes. Hahanapin ni Bae-man ang may pulang buhok na salarin na nakita sa CCTV sa tambayan ni Alan at sisikapin niyang mapalapit kay President Noh Tae-nam. Samantala, magsisimulang maghinala si Bae-man kay Woo-in, na kakaiba sa paglalarawan sa kaniyang record.
1 h 2 min
Peb 28, 2022
3. EP3

3. EP3
Si Cha Woo-in ba ang salaring may pulang buhok? Habang iniimbestigahan ni Bae-man ang totoo niyang pagkatao, kailangan niya ring mapawalang-sala ang doktor ng militar upang magtagumpay ang konskripsiyon ni Noh Tae-nam. Galit na galit naman si Noh Hwa-young nang malaman niya ang plano ng kaniyang anak mula kay Yong Moon-goo at ang pagtulong rito ng mga piskal. Ito na ba ang huling kaso ni Bae-man?
1 h 9 min
Mar 6, 2022
4. EP4

4. EP4
The red-haired Cha Woo-in appears before Doh Bae-man, who is shocked by the unbelievable truth. The still-unsolved mysteries overwhelm Bae-man as his discharge date approaches. Meanwhile, Yong Moon-goo and Noh Hwa-young conspire to get Noh Tae-nam enlisted in the army to avoid being sentenced to prison.
1 h 1 min
Mar 7, 2022
5. EP5

5. EP5
Bilang pribadong abogado, matapang na magbabalik si Doh Bae-man habang si Cha Woo-in ang hahawak sa paglilitis ni Noh Tae-nam. Magkaibang landas man, matutuklasan ni Bae-man ang nawawalang bahagi ng kaniyang nakaraan at muling lalapitan si Woo-in na maaaring may hawak ng katotohanan na kaniyang hinahanap.
1 h 2 min
Mar 13, 2022
6. EP6

6. EP6
Babalik si Doh Bae-man sa pagiging piskal ng militar! Mangangako siyang magiging tapat na aso ni Cha Woo-in sa kaniyang paghihiganti kay Noh Hwa-young. Gayunpaman, simula pa lang, masusubok na ang tiwala nina Bae-man at Woo-in dahil sa solong pagkilos ni Bae-man. Habang tinutugis nilang dalawa si Noh Tae-nam na tumakas mula sa militar, mananatili kaya silang magkakampi?
1 h 6 min
Mar 14, 2022
7. EP7

7. EP7
Matapos mahuli ang tumakas na si Noh Tae-nam, sisimulan na nina Doh Bae-man at Cha Woo-in ang kanilang paghihiganti. Una nilang target ang pamamaril ng Battalion Commander. Laking gulat ng lahat nang mabunyag ang tunay na pagkatao ng salarin. Sa likod ng kuwento ng "bayani ng mga bomba", lilitaw ang tunay na kulay ng komandante, at determinado na ang dalawa na tuluyang pabagsakin si Noh Hwa-young.
1 h 6 min
Mar 20, 2022
8. EP8

8. EP8
Makatatanggap ng mabigat na parusa sina Doh Bae-man at Cha Woo-in. Ngunit, tuloy ang lihim nilang imbestigasyon sa loob at labas ng militar upang ibunyag ang katotohanan sa insidente ng mga bomba. Sa kanilang paghuhukay, mas maraming nakagugulat na katotohanan ang matutuklasan nila! Mailalantad kaya nila ang katotohanan tungkol sa tinaguriang "bayani ng mga bomba" at malinis ang kanilang pangalan?
1 h 3 min
Mar 21, 2022
9. EP9

9. EP9
Hinihinala nina Doh Bae-man at Cha Woo-in na si Noh Hwa-young ang nasa likod ng huwad na "bayani ng mga bomba" ni Won Ki-choon. Para idiin siya, nagsagawa sila ng press conference kasama si Sergeant Koo, ang nag-iisang saksi, sa mismong araw ng operasyon ng biktima. Ngunit sa mismong araw ng press conference, hindi pa rin dumadating si Koo at masisira na ang lahat.
1 h 8 min
Mar 27, 2022
10. EP10

10. EP10
Matapos mamatay si Battalion Commander Won Ki-choon, may nag-iisang ebidensiyang mahahanap sina Doh Bae-man at Cha Woo-in sa safe nito. Ang susunod nilang target: ang hindi natitinag na si Corps Commander Hong Moo-seob. Pursigidong imbestigahan ni Bae-man ang tahanan nito ngunit bigla siyang pipigilan ni Woo-in. Samantala, lalapitan ni Sergeant Ahn si Noh Tae-nam, na nahihirapan sa militar.
1 h 9 min
Mar 28, 2022
11. EP11

11. EP11
Hinarap na ni Doh Bae-man si Noh Hwa-young, nakipagkita si Cha Woo-in kay Yong Moon-goo sa opisina ng IM, at malapit nang mabunyag ang mga plano nila. Samantala, ginagawa ni Bae-man ang lahat para makuha ang kaso ng pang-aabuso ng corps commander bilang pagbawi sa nagawa niya kay Sergeant Shin. Pinaplano naman nina Noh Hwa-young at ng Samahang Makabayan na impluwensiyahan ang takbo ng paglilitis.
1 h 3 min
Abr 3, 2022
12. EP12

12. EP12
Bago ang paglilitis, makukumpirma nina Doh Bae-man at Cha Woo-in ang marahas na pang-aabuso ng Corps Commander. Sisikapin nilang patunayan ang paghihirap ni Staff Sergeant Shin, ngunit dehado sila sa paglilitis dahil sa isang tiwaling hukom! Sa gabing iyon, makatatanggap si Woo-in ng tawag mula kay Noh Hwa-young, at malalaman naman ni Noh Tae-nam ang totoong pagkatao ni Sergeant Ahn.
1 h 9 min
Abr 4, 2022
13. EP13

13. EP13
Matapos ang matagumpay na paglilitis sa Corps Commander, matutuklasan nina Doh Bae-man at Cha Woo-in ang tensiyon sa loob ng Samahang Makabayan. Gaya ng hinala ni Bae-man, lumapit si Hong Moo-seob dala ang isang lihim na maaaring magpabagsak sa buong samahan. Samantala, biglang nawala ang kakampi nilang si Kang Ha-joon, at isang malaking insidente ang sumiklab sa GOP kung nasaan si Noh Tae-nam.
1 h 8 min
Abr 10, 2022
14. EP14

14. EP14
Sa paghahanda nina Doh Bae-man at Cha Woo-in sa paglilitis sa pamamaril sa GOP, susuriin nila ang katotohanan sa pang-aabuso sa pulutong. Ngunit, iisa ang testimonya ng mga sundalo, at nananahimik si Private Pyeon. Samantala, abala si Yong Moon-goo sa X-files ng Samahang Makabayan at proyekto sa bagong armas, habang pinipilit naman ni Noh Hwa-young na magsinungaling si Noh Tae-nam sa korte.
1 h 2 min
Abr 11, 2022
15. EP15

15. EP15
Dahil sa nakakagulat na salaysay ni Noh Tae-nam, kumilos na ang mga piskal para buwagin ang Samahang Makabayan. Sisimulan nila sa pagsasampa ng kasong perjury laban kay Noh Hwa-young kaugnay ng insidente sa GOP, tututukan nila ang mga nasa likod nito at bubuo ng mga kakaibang alyansa. Samantala, isang bisita ang sumulpot sa meeting ni Yong Moon-goo na pinipigilan siya sa pagsakop niya sa IM!
1 h 6 min
Abr 17, 2022
16. EP16

16. EP16
Matapos ang gabi ng putukan at pagsabog, isusugod sa ospital sina Noh Tae-nam at ang mga piskal, na haharap sa kanilang pinakamalaking krisis. Samantala, maghahanda si Yong Moon-goo ng huling paghihiganti upang ibalik ang lahat sa dati. Malalampasan kaya nina Doh Bae-man at Cha Woo-in ang mga pagsubok at mapanagot si Noh Hwa-young sa kanilang huling pagtugis?
1 h 5 min
Abr 18, 2022
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Cast
- Studio
Mga review
5.0 out of 5 stars
5 (na) global na rating
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
















