Halaw sa buhay ng NASA flight engineer na si Jose Hernandez, ang A Million Miles Away ay tungkol sa kanya at sa pamilya niya na mga migranteng magbubukid. Paglalakbay niya ito mula sa Michoacan, Mexico, sa San Joaquin Valley, hanggang sa International Space Station, 200 milya sa ibabaw ng Earth. Sa tulong ng pamilya niya, nagbunga ang sikap at tiyaga ni Jose na makamit ang tila imposible.
Drama•Nakaka-inspire•Nakakataba ng puso