Supernatural
prime

Supernatural

Mag-subscribe sa Prime o Peacock Premium Plus o bilhin

Nalalapat ang mga tuntunin

#4 sa pantasya na TV series
Saan man sila magpunta, ang magkapatid na si Sam at Dean Winchester ay patuloy na hinahanap ang demonyo na sumira sa kanilang pamilya habang natutuklasan ang madilim na mga lihim sa loob ng sarili nilang kasaysayan.
IMDb 8.4/10200515 (na) season
PakikipagsapalaranSuspenseNakaka-suspense
TV-14
22 (na) mga episode
  • 1. In My Time of Dying

    1. In My Time of Dying

    Matapos mabangga ang kotse, ang mga nakaligtas na Winchester ay pumunta sa ospital, kung saan ang isa ay sinusundan ng isang Reaper habang ang isa ay dapat isaalang-alang ang pagsakripisyo ng kanyang sarili upang iligtas ang iba.

    42min
    Set 27, 2006
  • 2. Everybody Loves a Clown

    2. Everybody Loves a Clown

    Matapos makinig sa mensahe kay John (JEFFREY DEAN MORGAN) mula sa babaeng nagngangalang Ellen (SAMANTHA FERRIS), nagpasya si Sam at Dean na hanapin siya. Napag-alaman nila na si Ellen ay may hotel na nagsisilbi ring lugar ng pagtitipon para sa mga manunugis. Samantala, sa karnabal, isang payaso ang nanghihikayat sa mga bata na papasukin siya sa bahay nila para patayin niya ang kanilang magulang.

    Okt 4, 2006
  • 3. Bloodlust

    3. Bloodlust

    Nang makita ni Sam at Dean si Gordon (STERLING K. BROWN), kapwa manunugis na pumapatay ng mga bampira, siya'y nakapalagayan ng loob ni Dean. Matapos makipagkita ni Sam sa punong bampira, si Lenore (Amber Benson - "Buffy the Vampire Slayer"), at natuklasang sila'y mapayapang nabubuhay sa dugo ng baka, napagtanto niyang hindi lahat ng kababalaghan ay masama at sinubukang kumbinsihin si Dean.

    43min
    Okt 11, 2006
  • 4. Children Shouldn't Play with Dead Things

    4. Children Shouldn't Play with Dead Things

    Iniimbestigahan nina Dean at Sam ang pagpatay sa isang mag-aaral sa kolehiyo na nagbalik mula sa patay na naghahanap ng paghihiganti sa mga nagmaltrato sa kanya habang siya ay nabubuhay. Nang nakaharap, ang multo ay marahas na inatake si Sam, na iniwan siyang sugatan. Habang nasa bayan, binisita ng magkapatid ang puntod ng kanilang ina upang may maipasa mula sa kanilang ama.

    Okt 18, 2006
  • 5. Simon Said

    5. Simon Said

    Nakilala nina Sam at Dean si Andy, tamad na lalaking may kapangyarihang manghikayat. Nang mamatay ang mga kaibigan ni Andy, inisip ng magkapatid na ginagamit niya ang kapangyarihan para pumatay. Nang malaman na dinalaw ng Demonyo ang pamilya ni Andy 22 taon na ang nakalipas, nagtataka si Sam kung si Andy ba'y bahagi ng mga bata na binanggit sa kanya ng Demonyo-at kung magiging masama rin si Sam.

    40min
    Okt 25, 2006
  • 6. No Exit

    6. No Exit

    Inimbestigahan nina Sam at Dean ang pagpatay sa mga blonde na babae mula sa parehong apartment at natuklasan na ang responsableng demonyo ay ang multo ng unang mamamatay-tao sa bansa, si H. H. Holmes. Samantala, inutusan ng ni Ellen ang kanyang anak na si Jo, na huwag sundin ang mga Winchester sa kanilang panunugis, ngunit tinutulan siya ni Jo at dinukot siya ng multo at inilibing nang buhay.

    Nob 1, 2006
  • 7. The Usual Suspects

    7. The Usual Suspects

    Inimbestigahan nina Sam at Dean ang pagpatay sa isang abogado at sa asawa nito na, bago mamatay, ay nagsabing nakakita ng multo. Bago nila mahanap ang multo, natuklasan ng lokal na detektib ang rekord ng mga Winchester at inaresto sila. Nang magsimulang bisitahin ng multo si Ballard, iniisip niya kung nagsasabi nga ng totoo sina Sam at Dean-at kung siya na ang susunod na mamamatay.

    Nob 8, 2006
  • 8. Crossroad Blues

    8. Crossroad Blues

    Inimbestigahan nina Sam at Dean ang isang bar at natuklasan na ito ay nasa lugar kung saan may demonyong nakikipagkasundo at ginagawang totoo ang pangarap ng tao kapalit ng kaluluwa. Tinawag ni Dean ang demonyo para paalisin pero natakot siya matapos nitong ihayag ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ama at tinukso si Dean sa pag-alok ng bagay na gusto niya higit sa anuman-ang kanyang ama.

    Nob 15, 2006
  • 9. Croatoan

    9. Croatoan

    Nang magkaroon ng pangitain si Sam na pinatay ni Dean ang isang binata na sinapian, tumungo sila sa Oregon para maghanap ng mga sagot. Napunta sila sa bayan na kontaminado ng nakamamatay na virus na nagtutulak sa tao na pumatay. Nahawa si Sam at naghanda para sa kanyang kapalaran, ngunit matapos na walang nangyari kay Sam, nagpasya si Dean na ibunyag ang ibinulong sa kanya ng naghihingalong ama.

    41min
    Dis 6, 2006
  • 10. Hunted

    10. Hunted

    Matapos sabihin ni Dean kay Sam ang sinabi ng ama nila bago mamatay, ang litong si Sam ay pumunta mag-isa sa Indiana. Habang nandoon, nakatagpo ni Sam si Ava (KATHARINE ISABELLE), psychic na umamin na hinanap niya si Sam para balaan sa kamatayan niya. Natuklasan ni Dean na ang manunugis ng bampirang si Gordon ay hinahanap si Sam at nakikipagkarera na mahanap ang kanyang kapatid para iligtas siya.

    Ene 10, 2007
  • 11. Playthings

    11. Playthings

    Inimbestigahan nina Sam at Dean ang dalawang kakaibang pagkamatay sa isang maliit na inn sa Connecicut na pinapatakbo ng isang solong ina na ang anak ay nakikipaglaro sa isang kathang-isip na kaibigan. Nakakita ang magkapatid ng ebidensya ng pangungulam, at napagtanto nila agad na ang kathang-isip na kaibigan ng bata ay maaaring isang demonyo na pinapatay ang mga taong-bayan.

    Ene 17, 2007
  • 12. Nightshifter

    12. Nightshifter

    Sina Sam at Dean ay nag-iimbestiga sa serye ng pagnanakaw na nakakagambala: Sa bawat insidente, isang pinagkakatiwalaang empleyado ang maghohold-up ng bangko at pagkatapos ay nagpapakamatay. Nang ipakita ng otopsiya ang tunay na oras ng kamatayan ng mga empleyado na ilang araw bago ang mga pagnanakaw, napag-alaman nina Sam at Dean na ang hunyango na kanilang nakasalamuha noon ay bumalik.

    Ene 24, 2007
  • 13. Houses of the Holy

    13. Houses of the Holy

    Inimbestigahan nina Sam at Dean ang mga pagpatay na gawa ng mga indibidwal na nagsasabing binisita sila ng anghel at tinutupad ang kalooban ng Diyos. Matapos malaman na ang mga biktima ay may mga krimen, nagsimulang maniwala si Sam na talagang umiiral ang anghel. Ngunit pinanatili ni Dean ang paninindigan na demonyo ang nasa likod ng pagpatay-hanggang sa may nakita siyang hindi maipaliwanag.

    Ene 31, 2007
  • 14. Born Under a Bad Sign

    14. Born Under a Bad Sign

    Matapos makatanggap ng takot na takot na tawag kay Sam, na nawawala nang mahigit isang linggo, nagmadali si Dean sa kapatid niya. Natagpuan niya si Sam na puno ng dugo ngunit hindi niya maalala ang nangyari. Sa pagsisiyasat, ang magkapatid ay natakot nang matuklasan ang tape na pinakitang si Sam ay pumatay ng mangangaso, na dahilan para maniwala si Sam na ang masamang panig niya'y sumasakop na.

    Peb 7, 2007
  • 15. Tall Tales

    15. Tall Tales

    Humingi ng tulong sila Sam at Dean sa kanilang kaibigan at kapwa manunugis na si Bobby (pabalik-balik na panauhing artista na si JIM BEAVER) pagkatapos nilang maguluhan sa marahas at di maipaliwanag na mga pangyayari sa isang lokal na kolehiyo. Dumating si Bobby na may hinala tungkol sa salarin sa likod ng patayan-at ang lumalalang away ng magkapatid.

    Peb 14, 2007
  • 16. Roadkill

    16. Roadkill

    Habang nagmamaneho, nagulat sina Sam at Dean nang may duguang babae, si Molly (TRICIA HELFER - "Battlestar Galactica"), ang tumambad sa harap ng Impala, sumisigaw para humingi ng tulong mula sa baliw na magsasaka na humahabol. Matapos mag-imbestiga, natuklasan ni Sam at Dean na ang lalaki ay galit na espiritung pumapatay sa parehong oras bawat taon at nagpasya na si Molly ang susunod na biktima.

    Mar 14, 2007
  • 17. Heart

    17. Heart

    Habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng abogado na tila pinatay ng mabangis na hayop, napagtanto nina Sam at Dean na talagang sinusubaybayan nila ang isang lobo. Nang tila ang sekretarya ng abogado na si Madison ang susunod na biktima ng lobo, si Sam-na agad na naakit kay Madison-ay nag-alok na mananatili para protektahan siya. Si Dean ay lumabas upang huliin ang hayop at natigilan sa natagpuan.

  • 18. Hollywood Babylon

    18. Hollywood Babylon

    Nagpunta sina Sam at Dean sa Hollywood para sa pagkamatay ng aktor sa set ng pelikula, matapos kumalat ang tsismis na multo ang pumatay. Napag-alaman nila na ito ay panloloko sa publiko, pero nang ang executive producer at studio executive ay talagang pinatay, napagtanto nila na ito ay pinagmumultuhang set. Panauhing artista si GARY COLE bilang si Brad Redding, isa sa mga artista ng pelikula.

    Abr 18, 2007
  • 19. Folsom Prison Blues

    19. Folsom Prison Blues

    Matapos marinig ang tungkol sa multo na pumapatay ng bilanggo, nagpasya sina Sam at Dean na ang pinakamahusay na paraan para mag-imbestiga ay sa loob-kaya pumayag silang maitapon sa bilangguan ng estado. Gayunpaman, nang dumating si FBI Agent Henricksen (C. MALIK WHITFIELD) para kunin ang kaso, ang pag-alis sa bilangguan ay naging mas malaking hamon sa magkapatid kaysa sa paghanap ng espiritu.

    Abr 25, 2007
  • 20. What Is and What Should Never Be

    20. What Is and What Should Never Be

    Habang nanunugis ng djinn, o genie, si Dean ay inatake at dinala sa alternatibong mundo. Doon, ang kanyang ina, si Maria, ay buhay; Si Sam ay nasa law school at ikakasal kay Jessica; at si Dean ay kasama ang kasintahan niya, si Carmen. Dapat magpasya si Dean kung gusto niyang manatili sa ligtas, bagong buhay na ito kung saan buhay ang lahat ng mahal niya-o kung gusto niyang bumalik sa panunugis.

    May 2, 2007
  • 21. All Hell Breaks Loose, Part 1

    21. All Hell Breaks Loose, Part 1

    Dinukot si Sam ng demonyong dilaw ang mata at natagpuan ang sarili niya sa isang ghost town na may mga batang may espesyal na kakayahan. Nalaman nilang pinagtagpo sila para simulan ang katapusan niya: digmaan sa sangkatauhan. Para hikayatin si Sam na lumaban, ipinakita ng demonyo ang nangyari sa isa sa mga magulang niya. Inimbitahan ni Dean si Bobby para hanapin si Sam bago magsimula ang labanan.

    May 9, 2007
  • 22. All Hell Breaks Loose, Part 2

    22. All Hell Breaks Loose, Part 2

    Habang kaharap ang epekto ng labanan nina Sam at Jake (panauhing artistang si ALDIS HODGE), ang makapangyarihang tao sa bayan, si Dean ay nagbayad ng malaking halaga sa pakikisangkot niya. Ang demonyo at mga espiritu ay nagbantang sakupin ang manunugis-hanggang sa nakatanggap sila ng tulong sa isang kakampi. Ang panauhing artistang si JEFFREY DEAN MORGAN ay nagbalik bilang si John Winchester.

    May 16, 2007
  • Supernatural
    PakikipagsapalaranSuspenseNakaka-suspense
    IMDb 8.4/10200515 (na) season
    Saan man sila magpunta, ang magkapatid na si Sam at Dean Winchester ay patuloy na hinahanap ang demonyo na sumira sa kanilang pamilya habang natutuklasan ang madilim na mga lihim sa loob ng sarili nilang kasaysayan.
    Mga review
    5.0 out of 5 stars

    Isang global na rating

    1. 5 star
      100%
    2. 4 star
      0%
    3. 3 star
      0%
    4. 2 star
      0%
    5. 1 star
      0%
    Basahin ang lahat ng mga review
    Babala sa nilalaman
    TV-14
    karahasanpaggamit ng alkoholmasamang wikasekswal na nilalamanMaaaring makaapekto ang mga kumikislap na ilaw at strobing pattern sa mga manonood na may photosensitivity
    Mga wika ng audio
    5.1
    EnglishEnglish Dialogue Boost: MediumEnglish Dialogue Boost: High
    Mga Subtitle
    English [CC]
    Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.

    Feedback