Ang Lalaki Sa Mataas na Kastilyo
prime

Ang Lalaki Sa Mataas na Kastilyo

3X na nominado sa PRIMETIME EMMYS® sa 2019
Matapos maibigay kay Joe ang pelikula, napilitan si Juliana na takasan ang Resistance habang naghahanda sa pagsagip ng tahanan sa pagkawasak. Hinarap ni Joe sa Berlin ang amang di nakikita. Hindi malaman ni Smith ang gagawin sa anak na may sakit. Nakipagsapalaran si Frank sa kanyang buhay upang mailigtas si Ed. Bumaliktad naman ang mundo ni Tagomi sa kanyang "paglalakbay" sa alternatibong mundo.
IMDb 7.9201610 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-MA
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S2 E1 - Ang Kweba ng mga Tigre

    Disyembre 15, 2016
    58min
    16+
    Nabihag si Juliana ng Resistance at humaharap sa kasong pagkakanulo. Walang makitang kasagutan sa kanyang nakaraan at lalong nag-iwan ng tanong tungkol sa hinaharap - at ngayon hindi lang siya ang nasa panganib. Ligtas na nakarating si Joe sa New York ngunit nagkaroon ng pag-aalinlangan sa lahat ng kanyang pinagkatiwalaan. Iniligtas ni Frank si Ed sa isang kapahamakan - pero saan hahantong ito?
    Sumali sa Prime
  2. S2 E2 - Ang Daang Bihira ang Naglalakbay

    Disyembre 15, 2016
    52min
    16+
    Matapos makaligtas sa bingit ng kamatayan, natuklasan ni Juliana ang lihim ng pamilya na may hindi magandang pandaigdigang pagkakasangkot - at magpapabago sa takbo ng kanyang buhay... Sina Kido, Tagomi at Frank ay nasa bingit ng kapahamakan, sa New York naman, nanatili si Joe sa pangkaraniwang pamumuhay, nag-iba ito nang bigyan siya ni Smith ng pagkakataon na pinakahihintay niya sa buong buhay.
    Sumali sa Prime
  3. S2 E3 - Mga Naglalakbay

    Disyembre 15, 2016
    1h
    13+
    Sinasanay ang sarili sa bagong mundo ng Nazi New York, hinahanap ni Juliana ang taong pinagkakatiwalaan niya na si Joe Blake. Galit at palaban sa pag-alis ni Juliana, nahila si Frank sa grupong Resistance at ng may karismang pinuno nito. Nalaman rin ni Joe ang tunay niyang pagkatao nang magkita sila ng kanyang Ama.
    Sumali sa Prime
  4. S2 E4 - Paglala

    Disyembre 15, 2016
    54min
    13+
    Napag-alaman ni Juliana na hindi siya ligtas sa Resistance sa Reich. Hinarap ni Smith ang katotohanang kanyang isasakripisyo para mapagtanggol ang anak. At isa pang ama - ama ni Joe - ay hinikayat siyang bigyan muli ng pagkakataon ang Berlin. Malaking desisyon naman ang hinaharap ni Frank: gaano siya kahandang tumulong sa pagtugon sa layunin ng Resistance?
    Sumali sa Prime
  5. S2 E5 - Yumuko at Magtago

    Disyembre 15, 2016
    58min
    13+
    Natuklasan ni Joe ang katotohanan sa kanyang nakaraan na nag-iwan sa kanya ng mga katanungan. Lumalala ang alitan sa pagitan ni Frank at Ed habang si Frank ay hinihila ng Resistance. Upang masiguro ang kaligtasan, mapipilitan si Juliana na ipagkanulo ang isang malapit sa kanya.
    Sumali sa Prime
  6. S2 E6 - Kintsugi

    Disyembre 15, 2016
    55min
    16+
    Pinakita ni Nicole kay Joe ang 'di-inaasahang parte ng Berlin, na nagbigay ng bagong landas para sa kanya. Sa kanyang bagong misyon, ipinasok ni Juliana ang sarili sa mga malalapit sa Smith. Sa wakas nakasama ni Tagomi ang kanyang pamilya, ngunit may nagbabadyang panganib na sila ay magkahiwalay na muli.
    Sumali sa Prime
  7. S2 E7 - Land O’ Smiles

    Disyembre 15, 2016
    53min
    16+
    Habang unti-unting nagiging malapit sa mga Smith si Juliana, natuklasan niya ang isang mapanganib na lihim. Si Childan at Ed naman ay nahaharap sa panganib habang nilulutas ang problema sa utang sa mga Yakuza. Sa adhikain ng Resistance, natuklasan ni Frank ang plano ng mga Hapon na magdudulot sa kanya ng pinakamasamang panaginip.
    Sumali sa Prime
  8. S2 E8 - Maluwag Labi

    Disyembre 15, 2016
    1h
    16+
    Nangalap ng mga impormasyon si Juliana para sa Resistance na maaring maging dahilan ng pagsiklab ng WWIII. Nang hindi na ligtas ang sitwasyong politikal sa Berlin, kailangang mamili si Joe na maaaring maglagay ng buhay niya sa panganib. Nalaman ni Frank ang katotohanan tungkol kay Juliana, na naging daan para usisain niya ang bagong natagpuang pamilya ng Resistance.
    Sumali sa Prime
  9. S2 E9 - Pagsabog

    Disyembre 15, 2016
    56min
    16+
    Si Tagomi ay may hinaharap na suliranin: manatili sa pamilya o bumalik sa mundong iniwan niya. Desperadong makatakas sa Reich, isinakatuparan ni Juliana ang isang mapanganib na plano laban sa Resistance. Nang ibulgar ni Ed ang isang lihim na naglagay sa panganib sa plano ng Resistance, kailangan ni Frank magdesisyon kung ano ang gagawin nya sa pagtataksil ng matalik na kaibigan.
    Sumali sa Prime
  10. S2 E10 - Ang Pagbagsak

    Disyembre 15, 2016
    60min
    16+
    Isinama ni Tagomi si Kido sa isang panlinlang upang mailigtas ang Japan sa pagbagsak. Habang gumuguho ang buhay ni Smith, gumawa siya nang mapanganib at mapangahas na hakbang upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan. Ginawa ni Joe ang nararapat ngunit nakaranas ng matinding pagtataksil. Makabagbag-damdaming desisyon ang kailangang gawin ni Juliana na huhubog sa hinaharap ng mundo.
    Sumali sa Prime