ITO ANG FUTBOL
freevee

ITO ANG FUTBOL

Season 1
Isang madamdaming dokumentaryo na may anim na bahagi ang tutuklas sa pambihirang epekto ng futbol sa mundo. Mula sa mga kalye ng Delhi hanggang sa kaparangan ng Rwanda matapos ng digmaan, at sa paghagis ng Liga ng mga Kampyon, ang pandaigdigang serye na ito ay isasalaysay ang kuwento ng laro at ang kakayahan nitong pag-isahin ang mga bansa, pukawin ang mga henerasyon at bihagin ang bilyun-bilyon.
IMDb 7.920196 (na) mga episodeX-RayUHDTV-PG
SportsDokumentaryoNakaka-inspire
Panoorin nang libre

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - KALIGTASAN

    Agosto 1, 2019
    59min
    TV-PG
    Tutuklasin ng pelikula ang mapagtubos na kakayahan ng laro at ang kuwento ng kaligtasan dahil sa futbol. Isasalaysay ito gamit ang mga panatiko ng Liverpool, ang ‘Rwandan Reds’, na sa unang tingin ay tila mga taga-hanga sa buong mundo. Pero sila ang mga nakaligtas sa henosidyo, at sa likod ng mga ngiti ay sakit at pagkawala, at kung paano nila muling natagpuan sa futbol ang pangarap at komunidad.
    Panoorin nang libre
  2. S1 E2 - PANINIWALA

    Agosto 1, 2019
    1 h 3 min
    7+
    Kuwento ng tagumpay ng Haponesang pangkat sa futbol tatlong buwan matapos ang sakunang pumatay sa 16,000 tao sa Hapon. Ipakikita ng 'Paniniwala' ang paglaganap laro at kung paano nito sinakop ang Amerika noong 1999. Laman ang kuha sa mga nagwaging pangkat mula Hapon at Amerika, susuriin nito ang mga balakid, panghuhusga at ang pagtitiwalang magbibigay-inspirasyon sa mga henerasyon ng kababaihan.
    Panoorin nang libre
  3. S1 E3 - PAGKAKATAON

    Agosto 1, 2019
    1 h 3 min
    13+
    Sa Futbol, May Araw Din ang Dehado. Ihahabi ang mga kuwento ng Frankfurt, ang una nilang pagkapanalo sa loob ng 30 taon, kung paano narating ng Bayern Munich ang pandaigdigang asosasyon mula sa mga baguhang liga, at kung paano natalo ng Chelsea ang Bayern sa huling laban sa Liga ng mga Kampyon noong 2012. Tutuklasin nito ang 'pagkakataon' sa futbol at kung bakit ito minamahal ng bilyun-bilyon.
    Panoorin nang libre
  4. S1 E4 - KARANGALAN

    Agosto 1, 2019
    55min
    13+
    Iceland, walang propesyonal na liga at may pangkat lang na tinuturuan ng dentista, ay ang pinakamaliit na bansang nakapasok sa FIFA World Cup Finals. Susundan natin ang pangkat ng Iceland at ang tagasanay na si Heimir Hallgrimsson patungo sa Russia. Ito ay kuwento ng karangalan, tagumpay sa kabila ng mga balakid, at pag-asa. Ito ay si David laban kay Goliath sa pinakamalaking entablado ng Futbol.
    Panoorin nang libre
  5. S1 E5 - PAGMAMAHAL

    Agosto 1, 2019
    56min
    7+
    Isang serye ng mga kahanga-hangang guhit ang pipinta ng larawan ng pandaigdigang laro, bawat isa ay bumibihag sa mga kalagayan ng tao. Mula sa bulag na pangkat ng futbol sa Ingglatera, sa pinakabatang propesyonal na reperi ng Timog Aprika, futbol sa rooftop sa Tsina, at futbol sa kalye sa India, ito ay isang pandaigdigang paglalakbay para makita ang kapangyarihan ng futbol na pag-isahin ang mundo.
    Panoorin nang libre
  6. S1 E6 - PAGHANGA

    Agosto 1, 2019
    56min
    13+
    Maaaring si Lionel Messi na ang pinakamahusay na manlalaro ng futbol. Siya ay isa sa 7.2 bilyong milagro. Isang henyong naka-bota. Kikilalanin nito ang ganda ng futbol at tutuklasin ang lihim sa husay ni Messi sa pinakamalaking laban sa mundo. Ang taga-pamahala at guro na si Pep Guardiola, ang Presidente ng Argentina, at mga kilalang estatistiko, ang maglalahad kung bakit walang katulad si Messi.
    Panoorin nang libre