The Wilds
freevee

The Wilds

Isang grupo ng mga dalagita na may iba't-ibang nakaraan ay nahaharap sa pagsubok matapos sumadsad ang eroplano sa isang liblib na isla. Sila ay nagsama-sama at nakilala ang isa't-isa, mga tinatagong sikreto, at mga hirap na naranasan. Isang pangyayari ang magaganap sa kapanapanabik na dulang ito... hindi sila napunta sa islang ito nang hindi sinasadya.
IMDb 7.3202010 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-14
DramaMatindiMadilim
Panoorin nang libre

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Unang Araw

    Disyembre 10, 2020
    59min
    TV-14
    Siyam na mga dalagita ay papunta sa Hawaii nang magpalya ang kanilang sinasakyang eroplano, sumadsad at napadpad sila sa malayong isla. Ang isa ay si Leah, na nakaligtas upang ikwento ang kanilang naging karanasan sa dalawang pederal na imbestigador. Mga alaalang nagbabalik mula sa nakaraan ni Leah ang ipinagbabawal na relasyon na labis niyang ikinalungkot.
    Panoorin nang libre
  2. S1 E2 - Pangalawang Araw

    Disyembre 10, 2020
    49min
    TV-14
    Ang mga napadpad ay tuliro pa rin sa pangyayari. Bigo at walang magawa, pinamunuan ni Rachel ang isang ekspedisyon patungo sa tuktok ng isla upang makita ang hitsura ng lupain nito. Nalaman natin ang kanyang buhay bilang mahusay na atleta, ang mga hirap na kanyang pinagdaan upang makamit ang mga ito, at ang malupit na katotohanan kung bakit hindi niya ito ibinabahagi sa iba.
    Panoorin nang libre
  3. S1 E3 - Ikatlong Araw

    Disyembre 10, 2020
    56min
    TV-14
    Si Leah, Rachel, at Nora ay lumangoy sa mga pira-pirasong parte ng eroplano at bumalik na may mahalagang daladala. Ang magkalahing Texan na sina Dot at Shelby ay naghanap ng kweba na maari nilang silungan, ngunit ang kanilang pagtutol sa isa't-isa ay lalong nagpahirap sa sitwasyon nila. Mga masasakit na alaala ang naibunyag sa buhay ng nakaraan ni Dot.
    Panoorin nang libre
  4. S1 E4 - Ika-Anim na Araw

    Disyembre 10, 2020
    47min
    TV-14
    Ang paligsahan sa paggawa ng silungan ay nauwi sa hindi magandang pagtatalo. Nagsimula ng away si Toni laban sa kanyang mga kakampi, at sa pagsilip sa mga nakaraan, hindi ito ang unang pangyayari at may nakaraan na siyang problema sa pagiging magagalitin na naging sanhi ng pananakit.
    Panoorin nang libre
  5. S1 E5 - Ika-Pitong Araw

    Disyembre 10, 2020
    45min
    TV-14
    Nung may isang nawala sa kanila, nagsagawa sila ng malawak na paghahanap para makita siya. Mas malalaman pa natin ang tungkol sa nakaraan ni Fatin, na hindi gaya ng inaakala ng iba na kaaya-aya. Matapos ang nakakapagod na nangyari sa buong araw, nadiskubre ng mga kababaihan ang kagulat-gulat na bagay tungkol sa isla.
    Panoorin nang libre
  6. S1 E6 - Ika-Labing Dalawang Araw

    Disyembre 10, 2020
    59min
    TV-14
    Biglang may dumapong sakit sa kampo sa dalampasigan, halos lahat ay apektado. Habang nakikipaglaban sa kaligtasan, nalaman natin ang nakaraan ni Leah at kung papaano siya nagmalasakit matapos siyang mailigtas.
    Panoorin nang libre
  7. S1 E7 - Ika-Labing Limang Araw

    Disyembre 10, 2020
    53min
    TV-14
    Napilitan silang lumipat na ibang lugar na mapagkakampuhan nang tumaas ang tubig. Naghihinala pa rin sa isla at kung paano sila napadpad sa doon, ibinaling ni Leah ang kanyang paghihinala sa isang kasamahang babae, na pinagbibintangan na may nalalaman pang iba. Sa pagsilip sa nakaraan, si Jeanette ay may isisiwalat na nakapagtatakang nakaraan.
    Panoorin nang libre
  8. S1 E8 - Ika-Labing Anim na Araw

    Disyembre 10, 2020
    58min
    TV-14
    Ipinagpalagay na masasaklolohan, nagdiwang at nagpakabaliw sila. Ang nag-iisang hindi nasiyahan ay si Shelby, at ang nakaraan niya ang dahilan kung bakit.
    Panoorin nang libre
  9. S1 E9 - Ika-Dalawamput Dalawang Araw

    Disyembre 10, 2020
    43min
    TV-14
    Nagsimulang makaranas ang mga nanghihinang babae ng pagkagutom. Kaya ni Martha na iiwas sila sa ganung tadhana, ngunit nangangailangan ito ng sakripisyong hindi pa siya handa. Dadalhin tayo ng alaala niya sa kanyang nakaraan, kung saan ipinakita kung paano niya nalampasan ang mga paghihirap mula pagkabata. Ang paranoya naman ni Leah tungkol sa isla ay naghatid sa kanya ng mataas na lagnat.
    Panoorin nang libre
  10. S1 E10 - Ika-Dalawamput Tatlong Araw

    Disyembre 10, 2020
    1 h 2 min
    TV-14
    Sa isla naman, nalalapit na si Leah na mapatunayan na mayroong nasa likod ng mga nangyayari sa kanila. Ang hindi natuloy na pagsagip, mga nagsawa at walang kibong mga awtoridad, naghahanap si Leah ng mga kasagutan sa mga katanungan niya.
    Panoorin nang libre