
Panoorin nang libre
Season 1
8 (na) mga episode
1. Becoming 100% That Bitch
Ang Multi-platinum Music icon na si Lizzo ay naghahanap ng kanyang susunod na BIG GRRRL dancers para sa kanyang 2022 tour. Dumating ang 13 kalahok sa Hollywood, CA, pero sampu lamang ang papasok sa bahay ng Big Grrrls upang magsanay kasama ang team ni Lizzo at mag-a-audition para sa pagkakataong mapabilang sa mga magtatanghal kasama ang sikat na mang-aawit.
2. HBCYOU Band
Dumating sa bahay ng BIG GRRRLS ang sampung kalahok sa tour sa pakikipagsapalaran sa pag-a-audition para makapag-tour kasama si Lizzo, bagama't may pinsala sa paa ang isa sa kanila. Magsisimula ang umaga sa mga dancer na ginising ng LANGSTON UNIVERSITY Marching Band, na sasayawin ang "Good as Hell" sa unang pagsabak na huhusgahan ni Lizzo at ng tanyag na koreograper na si Tanisha Scott.
3. Hugis ng Katawan at Kumpyansa
Pagkatapos ipalabas ang bagong single na "Rumors," sinorpresa ni Lizzo ang grupo kasama si OG BIG GRRRL Chawta' Van. Sa pagkumbinsi sa mga mananayaw na magkaroon ng kumpisanya sa katawan, nag-set up ng sensual class kasama ang eksperto sa paggalaw ng katawan na si Rashida Khanbey. Inanunsyo ni Lizzo na gagawa at magbibida ang mga babae ng sariling music videos sa "We Run This" ni Missy Elliot.
4. Hubad
Sa emosyonal na episode na ito, hinihikayat ni Lizzo ang mga babae na talunin ang pagiging negatibo at nakaraang trauma sa katawan sa pagtanggap dito nang buo sa pamamagitan ng hubad na photo shoot, ngunit hindi lahat ng mananayaw ay kumportable sa paghuhubad at paglalantad ng balat. Para sa malaking kaganapan natutunan ng grupo ang lyrical choreography sa bagong single ni Lizzo, ang "Naked".
5. Salamin Salamin
Pinadala ni Lizzo ang buong glam team para makasama sa mga babae sa Stage Persona Event upang makita kung paano mapapansin ang GRRRLS sa entablado. Gusto ni Lizzo na makitang nagbago ang mga babae at kumportable habang nagpe-perform sa "Truth Hurts", ngunit nang umabot sa entablado ang tensiyon sa bahay, nabunyag ang katotohanan kay Lizzo at hindi inaasahang desisyon ang sumurpresa sa GRRRLS.
6. Girl Pakiulit
Ang pag-perform sa kahit anong entablado ay mapanganib, ngunit higit pa ito kapag mayroong pyros at mga special effect. Sinubukan ni Lizzo ang Big GRRRLS sa pagsasayaw ng "Juice" sa Elements Event. Lahat pwedeng mangyari sa entablado at dapat makayanan ng performer. Sa pagkabahala ni Tanisha Scott na hindi lahat ng mga babae ay makakayanan ang palabas, apat lang ang nakapag-perform sa kanila.
7. Bahala si Boss at Babaguhin ang Buhay Mo
Ilang araw sa Bonnaroo, napilitang harapin ni Lizzo ang katotohanang hindi pa handang mag-perform sa entablado ang ilan sa mga Big GRRRLS kasama niya. Hinahamon ang tibay nila, nagsasanay ang GRRRLS na maghanda sa entablado. Sa huling pagsasanay, sumali sila sa OG BIG GRRRLS at kailangang gumawa ng mabigat na desisyon sina Lizzo at Tanisha kung sino ang sasama at hindi sasama sa kanya sa Bonnaroo.
8. Napakagaling
Nang nasira ng hindi inaasahang pangyayari ang debut ni Lizzo sa Bonnaroo, nagtataka ang Big GRRRLS kung ano ang susunod. Pinipilit kayanin, inihayag ni Lizzo sa GRRRLS ang bagong plano sa performance. Oras na para magpakita ang GRRLS sa huling pagkakataon habang ginagawa niya ang mga huling desisyon kung aling mga GRRRL ang makakasama sa paglilibot at kung aling mga GRRRL ang maiiwan.
Lizzo's Watch Out For The Big Grrrls
IMDb 6.4/1020221 seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.






















