

Mag-subscribe sa Prime o MGM+
21 (na) mga episode
1. Children Of The Gods (Parts 1 + 2)

1. Children Of The Gods (Parts 1 + 2)
Nang harapin ni Col. Jack O'Neill at ang kaniyang team ang mga mandirigma at Death Gliders sa Abydos, mapagtatanto niya ang nakakakilabot na pamilyaridad ng misyon, at mayroong dating kalaban na nagbabalik upang maghiganti sa Earth.
2. The Enemy Within

2. The Enemy Within
Sa kapanapanabik na kuwento ng "matira ang matibay", susubukan ni O'Neill (Richard Dean Anderson) at ng kaniyang team na tanggalin ang Goa'uld larva na nakapasok sa utak ni Kawalsky (guest star Jay Acovone)... ngunit paubos na ang oras!
3. Emancipation

3. Emancipation
Sa planetang Simarka, kung saan minamaltrato ng mabagsik na mga Shavadai ang kababaihan, lalabanan sila ni Capt. Samantha Carter (Amanda Tapping) sa talino, na maaaring magdulot ng katarungan para sa kababaihan o tuluyang pang-aapi.
4. The Broca Divide

4. The Broca Divide
Nagbabalik ang team mula sa planetang may bahaging sibilisado at primitibo, ngunit nahawa sila ng malalang sakit! Matatagpuan kaya ng dalawang nakaligtas, sina Teal'c at Jackson, ang dahilan o tuluyan nang magiging primitibo ang mga kasama?
5. The First Commandment

5. The First Commandment
Ipinadala ang SG-1 team upang iligtas ang SG-9 team. Matatagpuan nilang tinuturing bilang diyos ng mga mamamayan ng isang planeta ang kapitan nito (William Russ), ngunit lasing siya sa kapangyarihan at naniniil. Madadaig kaya nila siya?
6. Cold Lazarus

6. Cold Lazarus
Matatamaan si O'Neill ng misteryosong kristal at mapapalitan siya ng double na babalik sa Earth para hanapin ang dahilan sa kalungkutan niya, ang kamatayan ng anak niya. Ngunit mapanganib ito. Makakabalik kaya si O'Neill para iligtas ang lahat?
7. The Nox

7. The Nox
Nang magkamali sa pagsalakay ang SG-1 team at napinsala ang ilan, binuhay sila ng mga Nox. Makapayapaan man ang lahi na maaaring buhayin muli ang patay, matatanggihan kaya nito ang mapanganib na teknolohiya ng mga Goa'uld?
8. Brief Candle

8. Brief Candle
Sa misteryosong planeta ng Argos, maaakit si Colonel Jack O'Neill ng magandang Kynthia, at dahil doon, may isandaang araw na lang siya upang mabuhay. Habang tumatakbo ang oras, magtatagumpay kaya ang team sa paghahanap ng lunas para sa kaniya?
9. Thor's Hammer

9. Thor's Hammer
Habang naghahanap ng kakampi laban sa mga Goa'uld, nakarating ang SG-1 team sa Cimmeria, ang tahanan ng Norse gods. Mapupunta sina Teal'c at O'Neill sa labyrinth ng mabagsik na Unas sa ilalim ng lupa. Maliligtas kaya sila nina Carter at Daniel?
10. The Torment Of Tantalus

10. The Torment Of Tantalus
Madidiskubre ni Dr. Daniel Jackson na noong 1945, may batang propesor na nakapasok sa Stargate, ngunit hindi na nakabalik. Kasama ng nobya nitong propesor, matatagpuan ng SG-1 team ang matandang propesor sa lumang kuta.
11. Bloodlines

11. Bloodlines
Bumalik si Teal'c (Christopher Judge) sa Chulak para pigilan ang pang-aalipin ng Goa'uld sa anak niyang si Rya'c, sa kondisyon na mag-uwi ng Goa'uld larvae para suriin. Ngunit kailangan ni Rya'c ito upang mabuhay, at isa lang ang mayroon si Teal'c.
12. Fire And Water

12. Fire And Water
Balisang bumalik ang SG-1 team mula sa planetang Oannes, ngunit wala si Daniel Jackson na huling nakita na kinain ng apoy. Habang nagdadalamhati ang mga kasamahan niya sa Earth, bihag pala si Daniel ng isang amphibious na nilalang, si Nem.
13. Hathor

13. Hathor
Nakatakas ang Goa'uld na si Hathor (Suanne Braun) mula sa Mayan pyramid sa Mexico. Sa Stargate facility, inaakit niya ang mga lalaki para tulungan siyang maghari sa mundo. Matatalo kaya ni Samantha Carter at ng mga kasama niyang babae si Hathor?
14. Singularity

14. Singularity
Bumalik si Capt. Carter kasama si Cassandra, ang tanging nakaligtas sa isang salot. Magiging malapit sila at matutuklasan ni Carter ang sekreto nito, isang bombang itinamin ng mga Goa'uld. Maliligtas kaya niya ang dalaga - at ang buong mundo?
15. Cor-Ai

15. Cor-Ai
Nagpunta si Col. Jack O'Neill at ang team sa Chartago, kung saan kilala si Teal'c bilang dating pinunong Jaffa ng Goa'uld Apothis. Inaresto siya at ihinarap sa hukuman. Maliligtas kaya siya ng mga kasama niya?
16. Enigma

16. Enigma
Sinagip ng SG-1 team ang isang pangkat ng mga nakaligtas sa planetang Tollan. Para masiguradong hindi mapupunta sa masasama ang kaalaman ng mga taga-Tollan, ipagsasapalaran ni O'Neill at ng team ang lahat sa isang cross-universal rescue.
17. Solitudes

17. Solitudes
Napunta sina O'Neill at Carter sa isang nagyeyelong kaparangan dahil sa pagkasira ng Stargate. Malalim ang sugat ni O'Neill at pareho silang lubhang nilalamig, ngunit walang may alam kung nasaang lupalop sila ng kalawakan!
18. Tin Man

18. Tin Man
Nawalan ng malay ang SG-1 team dahil sa alien na si Harlan sa Planetang PX3 989. Matapos magising at makabalik sa Earth, natanto nila na linipat ang kanilang kaluluwa at kaisipan sa mga android. Mababawi kaya nila ang katawan at kaluluwa nila?
19. There But For The Grace Of God

19. There But For The Grace Of God
Pinadala ng misteryosong salamin si Dr. Daniel Jackson (Michael Shanks) sa ibang dimension. Matatagpuan niya ang sarili niya sa alternate Earth na sinasalakay ng mga Goa'uld. Makakabalik kaya siya para sagipin ang mundo?
20. Politics

20. Politics
Si Daniel Jackson (Michael Shanks) lang ang may alam sa plano ng mga Goa'uld na salakayin ang Earth, ngunit walang naniniwala sa kaniya. Mas pinili pa ng mga awtoridad na ihinto ang magastos na Stargate program at permanenteng isara ang gate.
21. Within The Serpent's Grasp

21. Within The Serpent's Grasp
Para pigilan ang paglusob ng mga Goa'uld, sumuway sa utos ang SG-1 team at pumunta sa Goa'uld attack headquarters. Ngunit nasa gitna ng paghahanda ang mga Goa'uld at hindi sila makabalik. Makakatakas kaya sila para iligtas ang sangkatauhan?
Stargate SG-1
IMDb 8.4/10199710 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.























