Hanna
freevee

Hanna

Nominado sa PRIMETIME EMMY®
Sinubukang sagipin ni Hanna si Clara sa mga kamay ng Utrax, sa tulong ng problemadong CIA agent na si Marissa Wiegler, na nakita kay Hanna ang anak na hindi siya nagkaroon. Mula sa makapal na gubat ng Silangang Europe, malawak na landscape ng hilagang England, hanggang sa abalang university campus ng Barcelona, susundan natin si Hanna sa pakikipagsapalaran niya upang mahanap ang puwang sa mundo.
IMDb 7.620208 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-MA
Panoorin nang libre

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S2 E1 - Ligtas

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    50min
    13+
    Habang itinatago ni Hanna si Clara sa na gubat ng Hilagang Romania, inilipat ang natitirang trainees sa paaralang The Meadows, kung saan binigyan sila ng bagong pagkakakilanlan. Hinanap ni Marissa si Clara sa pagpapanggap bilang kanyang ina sa online, hinikayat siyang pumunta sa isang hotel sa Bucharest, kung saan siya na-ambush at nadakip ng Utrax. Sumunod si Hanna at muling nakasama si Marissa.
    Panoorin nang libre
  2. S2 E2 - Ang Pagsubok

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    50min
    16+
    Bumalik sina Marissa at Hanna sa Paris, at ipinakilala si Clara sa The Meadows – pero ang pagiging suwail ay nagdudulot ng problema, at inatasan si Terri na kumbinsihin siyang sumaling muli sa programa. Sa paghabol kay Clara, natagpuan ni Hanna ang kumpanya ng gamot na nasa likod ng medical implant ng Utrax at sumali siya sa drug trial, at nalamang gagamitin ang gamot sa trainees sa The Meadows.
    Panoorin nang libre
  3. S2 E3 - Patungo sa The Meadows

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    50min
    16+
    Bumalik si Hanna sa Passway at sinundan si Dumont at ang mga gamot palabas ng lungsod, at inakalang dadalhin siya nito sa The Meadows. Nalaman ni Marissa na nasa Belgium si Sonia at tamang-tamang naabutan si Hanna at napatay si Sonia. Dumating si Hanna sa The Meadows, handang sagipin si Clara, pero nagulat siyang malaman na gumana ang plano ni Terri kay Clara, at mukhang pamilyar na siya rito.
    Panoorin nang libre
  4. S2 E4 - Ang Pagbabalik ni Mia

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    51min
    16+
    Sumama si Marissa kay Hanna sa The Meadows, tiniyak na kakampi siya nito at bumuo ng plano ng pagtakas ng gabing iyon. Kinumbinsi ni Hanna si Clara na sumama, pero dahil sa suporta ng pamilya ng The Meadows, at ipinagkanulo niya si Hanna, na nagbalik ng kapangyarihan kay Carmichael. Samantala, nahanap ng CIA operative na si Mannion ang The Meadows, pero hindi niya nakita si Hanna o Marissa...
    Panoorin nang libre
  5. S2 E5 - Paraan ng Pagdadalamhati

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    53min
    16+
    Ikinulong si Marissa sa The Meadows, nakumbinsi si Hanna na tanggapin ang pagkakakilanlan na Mia Wolff. Pero nagpighati siya kay Erik, na agad natulungan ni Terri. Nakatakas si Marrisa at kinumbinsing umalis si Hanna, pero humadlang si Clara. Binaril ni Clara si Marissa at sinabi kay Carmichael na gawa ito ni Hanna para pigilan si Marissa na madukot siya. Tinanggap muli si Hanna sa The Meadows.
    Panoorin nang libre
  6. S2 E6 - Kasama Mo na Kami

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    47min
    16+
    Ipinadala sina Hanna at Jules sa una nilang misyon – ang patayin ang isang journalist sa London na makikipagkita sa isang abugadong militar para ibunyag ang sikreto ng Utrax – habang lumipad sina Sandy at Clara sa Barcelona para makuha ang ebidensiya. Sinubukang umayaw ni Hanna at nakipagsanib puwersa kay Mannion para masagip si Nicola, pero nauna na sina Jules at Leo. Malagim ang naging resulta.
    Panoorin nang libre
  7. S2 E7 - Tacitus

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    47min
    16+
    Dumating si Hanna sa Barcelona para sagipin si Gelder at hikayating iwan ni Clara ang Utrax. Sinabi ni Hanna kay Clara ang pangalan at lokasyon ng ina niya, na nagpalito sa kanya. Nakuha ni Sandy ang tiwala ng anak ni Gelder na si Kat at nagalit nang umatras si Clara sa pagpatay. Pinatay niya si Gelder habang tumakas naman sina Hanna, Clara at Kat. Inatasan ni Grant si Marissa na hanapin si Hanna.
    Panoorin nang libre
  8. S2 E8 - Ang Listahan

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hulyo 2, 2020
    48min
    16+
    Matapos mapatay si Gelder, dumating si Carmichael sa Barcelona. Nagtago sina Hanna, Clara at Kat sa isang hillside villa. Bumalik si Hanna sa hotel at nakuha ang target list ni Gelder sa tulong ni Marissa na sinundan si Carmichael sa villa at na-blackmail para mahuli ang kapwa lider ng Utrax. Nakasama muli ni Clara ang kanyang ina sa tulong ni Hanna bago bumalik kay Marissa para sirain ang Utrax.
    Panoorin nang libre