Tulong

Tungkol sa Cookies

Huling binago noong Abril 2025

Gumagamit kami ng cookies at mga katulad na tool (kolektibong tinatawag na cookies) para sa mga layuning inilalarawan sa ibaba.

Cookies para sa Pagpapatakbo: Gumagamit kami ng cookies para ibigay ang aming mga serbisyo, halimbawa:

  • Pagkilala sa iyo kapag nag-sign in ka para gamitin ang aming mga serbisyo.
  • Pagkilala kung Prime member ka at pagbibigay ng ibang naka-customize na feature at serbisyo.
  • Pagpapakita ng mga feature, produkto, at serbisyo kung saan maaaring interesado ka, kabilang ang mga ad sa aming mga serbisyo kung para ito sa mga produkto at serbisyong available sa Amazon.
  • Pagsubaybay sa mga item na naka-store sa shopping basket mo.
  • Pagpigil sa mapanlokong aktibidad.
  • Pagpapabuti sa seguridad.
  • Pagsubaybay sa mga kagustuhan mo tulad ng currency at wika.

Gumagamit din kami ng cookies para maunawaan kung paano ginagamit ng mga customer ang aming mga serbisyo para mapabuti namin ang mga ito. Bilang halimbawa, gumagamit kami ng cookies para magsagawa ng pananaliksik at diagnostics para mapabuti ang content, mga produkto, at serbisyo ng Amazon, at para sukatin at maunawaan ang pagganap ng aming mga serbisyo.

Cookies sa Pag-advertise: Gumagamit din kami ng cookies para maghatid ng ilang uri ng ad, kabilang ang para sa mga produkto at serbisyong hindi available sa Amazon at para sa ilang ad na may kaugnayan sa mga interes mo.

Maaaring mag-set din ng cookies ang mga aprubadong ikatlong partido kapag nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyo ng Amazon. Kabilang sa mga ikatlong partido ang mga search engine, provider ng mga serbisyo sa pagsukat at analytics, network ng social media, at kompanya ng advertising. Gumagamit ang mga ikatlong partido ng cookies sa proseso ng paghahatid ng content ng ad, kabilang ang mga ad na may kaugnayan sa mga interes mo, para sukatin kung gaano kaepektibo ang kanilang mga ad, at para magsagawa ng mga serbisyo sa ngalan ng Amazon.

Para matuto pa tungkol sa kung paano nagbibigay ang Amazon ng mga ad na batay sa interes, mangyaring bisitahin ang Abiso sa Mga Ad na Batay sa Interes. Para i-adjust ang iyong mga kagustuhan sa ad na batay sa interes, mangyaring pumunta sa page ng Mga Kagustuhan sa Advertising. Makikita mo kung aling mga aprubadong ikatlong partido ang gumagamit ng cookies at maaari mong pamahalaan kung paano nila ginagamit ang cookies sa pamamagitan ng pagbisita sa aming page ng Mga Kagustuhan sa Cookie.

Karagdagang Impormasyon

Mananatili ang cookies para sa pagpapatakbo sa browser mo nang 13 buwan mula sa huling pagbisita mo sa aming mga serbisyo, maliban sa cookies na ginagamit para alalahanin ang mga setting mo sa privacy (tulad ng Mga Kagustuhan sa Advertising), na maaaring manatili sa browser mo nang hanggang 5 taon. Nananatili ang ibang cookies sa browser mo nang 13 buwan pagkatapos mo kaming bigyan ng iyong pahintulot na gamitin ang cookies na ito.

Maaari mong pamahalaan ang cookies sa pamamagitan ng pagbisita sa aming page ng Mga Kagustuhan sa Cookie. Ilalapat namin ang iyong mga kagustuhan sa cookies sa serbisyo ng Amazon at sa browser kung saan ka pumili at sa anumang ibang browser kung saan ka naka-sign in. Kung hindi ka naka-sign in, maaaring hingin namin ulit ang iyong pinili. Maaaring higit pang limitahan ng ilang operating system ng mobile ang paggamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya; hindi io-override ng mga pagpipilian mo ang mga mas limitadong setting sa mga naturang mobile device.

Bilang alternatibo, ipapaalam sa iyo ng mga setting ng iyong browser kung paano pigilan ang browser mo mula sa pagtanggap ng bagong cookies, kung paano ka makakakuha ng abiso mula sa browser kapag tumanggap ka ng bagong cookie, kung paano i-disable at alisin ang cookies, at kung kailan mawawalan ng bisa ang cookies.

Hinahayaan ka ng cookies para sa pagpapatakbo na pakinabangan ang ilan sa mahahalagang feature ng Amazon. Kung i-block o tanggihan mo sa ibang paraan ang cookies para sa pagpapatakbo sa pamamagitan ng iyong mga setting ng browser, maaaring hindi gumana ang ilang feature at serbisyo. Bilang halimbawa, hindi ka makakapagdagdag ng mga item sa shopping basket mo, makakapagpatuloy sa pag-checkout, o makakagamit ng anumang serbisyo ng Amazon kung saan kailangan mong mag-sign in. Maaaring kailangan mo ring mano-manong i-adjust ang ilan sa iyong mga kagustuhan sa bawat pagbisita mo sa isa sa aming serbisyo.

Tingnan ang aming Abiso sa Privacy para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga uri ng impormasyong kinokolekta namin.