Young Sheldon
max

Young Sheldon

Ang YOUNG SHELDON ay isang comedy na tungkol sa batang Sheldon Cooper (Iain Armitage), na hindi naging madali ang pagkabata sa East Texas.
IMDb 7.7202018 (na) mga episodeX-RayTV-14
Libreng trial ng Max o bilhin

Makatipid sa bawat episode gamit ang isang TV Season Pass. Kunin ang mga mga kasalukuyang episode ngayon at mga episode sa hinaharap kapag available na.

Nalalapat ang mga tuntunin

Kinakailangan ang membership sa Prime

Mga Episode

  1. S4 E1 - Graduation

    Nobyembre 4, 2020
    19min
    TV-PG
    Pagkatapos sa high school, nagka-breakdown si Sheldon nang mapagtanto niyang hindi pa yata siya handa para sa kolehiyo. Sinubukan naman ni Dale (pabalik-balik na guest star na si CRAIG T. NELSON) na makipagbati kay Meemaw sa premiere episode ng season four.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  2. S4 E2 - A Docent, a Little Lady and a Bouncer Named Dalton

    Nobyembre 11, 2020
    18min
    TV-PG
    Nakuha ni Sheldon ang pangarap na summer job sa lokal na train museum. Nag-bond naman sina George at Missy sa bagong yugto ng pagdadalaga nito, at natuklasan ni Georgie ang guilty pleasure ni Mary.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  3. S4 E3 - Training Wheels and an Unleashed Chicken

    Nobyembre 18, 2020
    19min
    TV-PG
    Dahil malapit nang magkolehiyo, determinado si Sheldon na magbisikleta nang walang training wheels at nagpaturo siya kay Missy. Samantala, nagtalo naman sina Mary at George tungkol sa mga paraan nila ng pagiging magulang.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  4. S4 E4 - Bible Camp and a Chariot of Love

    Disyembre 2, 2020
    18min
    TV-PG
    Nasabak si Sheldon sa matinding pakikipagkumpitensya kay Paige (pabalik-balik na guest star na si MCKENNA GRACE) nang pilitin sila ng mga nanay nila na dumalo sa Vacation Bible School. Samantala, nagalit naman si George dahil sa kuwestiyonableng binili ni Georgie.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  5. S4 E5 - A Musty Crypt and a Stick to Pee On

    Disyembre 16, 2020
    19min
    TV-14
    Inayos nina Dale at Meemaw ang mga isyu sa relasyon nila habang naglalaro ng Dungeons and Dragons kasama sina Sheldon at Missy. Samantala, bumiyahe naman sina Mary at George kasama si Coach Wilkins (pabalik-balik na guest star na si DOC FARROW) at asawa nito; at natataranta si Georgie sa pag-iisip na buntis ang nobya niya.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  6. S4 E6 - Freshman Orientation and the Inventor of the Zipper

    Enero 20, 2021
    19min
    TV-PG
    Habang hindi umaayon sa plano ni Sheldon ang orientation sa kolehiyo, napagkamalan namang estudyante sa unibersidad si Mary at naimbitahan siya sa isang party. Samantala, tinulungan ni George si Pastor Jeff (regular sa series na si MATT HOBBY) na maghanda ng nursery ng mga bata.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  7. S4 E7 - A Philosophy Class and Worms That Can Chase You

    Pebrero 10, 2021
    18min
    TV-PG
    Nasira ang unang araw ni Sheldon sa kolehiyo dahil sa bago niyang philosophy teacher na si Professor Ericson (guest star na si MELANIE LYNSKEY). Nagmuni-muni naman sina Mary at Brenda (pabalik-balik na guest star na si MELISSA PETERMAN) sa unang araw ni Missy sa middle school.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  8. S4 E8 - An Existential Crisis and a Bear That Makes Bubbles

    Pebrero 17, 2021
    18min
    13+
    Gumawa na ng paraan si Meemaw nang maguluhan si Sheldon dahil sa philosophy teacher niyang si Professor Ericson. Nalaman naman ni George na hindi pumapasok sa klase si Georgie.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  9. S4 E9 - Crappy Frozen Ice Cream and an Organ Grinder's Monkey

    Pebrero 24, 2021
    19min
    TV-PG
    Kumain sina Sheldon at ama niya kasama si President Hagemeyer (guest star na si WENDIE MALICK) at isang benefactor ng unibersidad. Pinayuhan naman ni Georgie si Missy bilang kuya nang hindi ito pinayagan ni Mary na pumunta sa school dance. Samantala, kinumbinsi naman ni Dale at ng ex-wife nitong si June (nagbabalik na guest star na si REBA McENTIRE) si Meemaw na dumalo sa kasal ng anak nila.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  10. S4 E10 - Cowboy Aerobics and 473 Grease-Free Bolts

    Marso 3, 2021
    18min
    TV-PG
    Masigasig na hiniling ni Sheldon na maging lab assistant ni Dr. Linkletter. Samantala, hiningi naman ni Georgie ang tulong ng drama teacher na si Mr. Lundy (pabalik-balik na guest star na si JASON ALEXANDER) para sa isang nakakagulat na venture sa negosyo. Sa direksyon ito ni MELISSA JOAN HART.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  11. S4 E11 - A Pager, a Club and a Cranky Bag of Wrinkles

    Marso 10, 2021
    19min
    TV-PG
    Hinikayat ni Dr. Linkletter si Sheldon na makipagkaibigan sa mga kapwa nito estudyante; at nagkaroon naman ng pager si Georgie.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  12. S4 E12 - A Box of Treasure and the Meemaw of Science

    Marso 31, 2021
    19min
    13+
    Nagsama sina Sheldon, Dr. Linkletter, at Meemaw sa isang eksperimento sa science. Nagselos naman si Mary sa madalas na pagsasama nina Pastor Jeff at Brenda (pabalik-balik na guest star na si MELISSA PETERMAN). At nagkaroon ng bagong side hustle si Georgie.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  13. S4 E13 - The Geezer Bus and a New Model for Education

    Abril 7, 2021
    18min
    7+
    Ayaw nang sumakay ni Sheldon sa kotse pagkatapos nilang maaksidente ni Meemaw. Idinahilan naman ni Missy ang aksidente nilang ito para mapagbigyan siya sa paaralan. Samantala, napilitan si Meemaw na sumakay sa shuttle ng simbahan habang nasa pagawaan ang sasakyan niya.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  14. S4 E14 - Mitch's Son and the Unconditional Approval of a Government Agency

    Abril 14, 2021
    19min
    TV-14
    Dahil inakusahan ng IRS si Sheldon na nagkamali siya, walang makakapigil sa kanya para patunayang mali sila. Nang mapilitan naman si Dale na magpa-colonoscopy, sinubukan niyang kumbinsihin si Meemaw na samahan siya.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  15. S4 E15 - A Virus, Heartbreak and a World of Possibilities

    Abril 21, 2021
    18min
    TV-14
    Nagkaroon ng moral dilemma si Sheldon nang alukin siya ng bootleg copy ng isang computer game na hindi niya kayang bilhin. Samantala, isinama nina Mary at Meemaw si Brenda sa Girls' Night, habang binabantayan ni George at ng mga lalaki si Billy (pabalik-balik na guest star na si WYATT McCLURE). Hiniling naman ni Missy kay Georgie na ihatid siya at si Marcus sa isang sikretong date.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  16. S4 E16 - A Second Prodigy and the Hottest Tips for Pouty Lips

    Abril 28, 2021
    18min
    TV-PG
    Nagkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan sina Sheldon at Paige nang pag-isipan nitong mag-enroll sa East Texas Tech. Samantala, humingi ng payo si Mary kay June tungkol sa pagbabago sa sarili niya.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  17. S4 E17 - A Black Hole

    Mayo 5, 2021
    18min
    TV-PG
    Pinag-usapan ng mga Cooper ang mga posibilidad ng mga black hole at alternate universe nang bumisita si Dr. Sturgis (WALLACE SHAWN) at makasama nila ito sa pagkain.
    Libreng trial ng Max o bilhin
  18. S4 E18 - The Wild and Woolly World of Nonlinear Dynamics

    Mayo 12, 2021
    18min
    13+
    Sa finale ng ikaapat na season, nagdulot ang unang heartbreak ni Missy ng sunod-sunod na problema na muntik nang ikasira ng pamilya Cooper.
    Libreng trial ng Max o bilhin