
16 (na) mga episode
1. Mag-isa

1. Mag-isa
Dahil walang tulong ng grupo, nahihirapan si House na suriin ang babae matapos gumuho ang gusali sa kaniya sa pagsisimula ng season ng “House”.
2. Ang Tamang Bagay

2. Ang Tamang Bagay
Suko na si House sa pakikipanayam ng mga potensyal na miyembro ng grupo, pero ginagawa niya ito sa sarili niyang paraan. Tinawag niya lahat ng apatnapung aplikante na may kaniya-kaniyang numero sa dibdib, at sinubok sila sa isang Darwinian trial period.
3. 97 Segundo

3. 97 Segundo
Nakikipagkumpitensya nang matindi ang huling sampung kandidato nang hatiin sila ni House sa dalawang grupo ayon sa kanilang kasarian. Habang ang mga mag-aaral ay abala sa kanilang takdang-aralin, nag-eeksperimento si House sa kaniyang sarili upang makita kung anong nangyayari sa mga pagkakataong ang mga tao ay nag-aagaw buhay.
4. Mga Anghel na Tagapagbantay

4. Mga Anghel na Tagapagbantay
Nang ang 20 na taong gulang na isang funeral home cosmetician na si Irene ay nagkaroon ng malalang seizure, nag-akala siya na ang mga patay sa punerarya ay nabuhay. Dapat matuklasan ni House at ng natitirang pitong kandidato ang dahilan.
5. Salamin, Salamin

5. Salamin, Salamin
Hinaharap ng grupo ang kaso ng lalaking nawalan ng malay habang ninanakawan. Nang magreklamo ang lalaki sa mga bagong sintomas na hindi tugma sa naging unang pagsusuri, naghinala ang grupong siya ay hypochondriac.
6. Anuman ang Kailangan

6. Anuman ang Kailangan
Kinuha ng CIA si House para gamutin ang isa nilang tauhan na may karamdaman na kasing misteryoso ng kaniyang huling trabaho, unahan ang mga kandidato ng Fellowship sa paggamot ng isang drayber ng stock car.
7. Pangit

7. Pangit
Ginagamot ni House at ng grupo ang isang tinedyer na may kapinsalaan sa mukha.
8. Hindi Mo Gustong Malaman

8. Hindi Mo Gustong Malaman
Nakatagpo si House ng salamangkero na pumalya ang puso habang nagsasagawa ng pagtakas mula sa ilalim ng tubig. Habang sinisikap ng mga natitirang kandidato ng fellowship na pagalingin ang salamangkero, determinado si House na patunayang manloloko ito na nagkukunwaring maysakit para pagtakpan ang katotohanang muntik na siyang malunod.
9. Mga Laro

9. Mga Laro
Nang gipitin ni Cuddy si House para piliin na ang mga magiging miyembro ng kaniyang grupo, sinadya ni House na bigyan ng mahirap na kaso ang mga kandidato.
10. Isa Itong Kahanga-hangang Kasinungalingan

10. Isa Itong Kahanga-hangang Kasinungalingan
Isang inang may misteryosong sakit ang maaaring may lihim na nakamamatay.
11. Nagyeyelo

11. Nagyeyelo
Nahulog sa malubhang karamdaman ang isang doktor sa South Pole at dapat niyang gamutin ang kaniyang sarili habang si House at ang kaniyang grupo ay gumagamit ng hindi pangkaraniwang pamamaraan ng pagsusuri. Panauhing artista si Academy Award Winner Mira Sorvino.
12. Huwag na Huwag Kang Magbabago

12. Huwag na Huwag Kang Magbabago
Ginagamot ni House ang isang Hasidic Jewish na babaeng bagong lipat lamang ng relihiyon matapos siyang mawalan ng malay sa kaniyang kasal. Panauhing artista si Laura Silverman.
13. No More Mr. Nice Guy

13. No More Mr. Nice Guy
Suspetsa ni House ay may mas malalang karamdaman ang isang pasyente kaysa sa unang diagnosis ng E.R. base sa sobrang kabaitan nito. Pinagdududahan ng hindi kumbinsidong si House ang kabaitan ng pasyente habang inaalam ng pangkat ang karamdaman nito, ngunit hindi sang-ayon ang pangkat na ang kabaitan ay isang sintomas.
14. Natupad na Pangarap

14. Natupad na Pangarap
Kumbinsido si House na pinapahirapan ng malubhang kundisyon ang artista sa kaniyang paboritong palabas. Panauhing artista si Jason Lewis ("Sex and the City").
15. Ulo ni House

15. Ulo ni House
Pinilit ni House na mapanumbalik ang kaniyang alaala matapos ang aksidente sa bus para iligtas ang buhay ng pasaherong maysakit. Panauhing artista si Fred Durst ("Limp Bizkit").
16. Ang Puso ni Wilson

16. Ang Puso ni Wilson
Patuloy na nag-iisip si House upang maisalba ang pasyente na may misteryosong kondisyon matapos masangkot sa aksidente sa bus sa ikalawang bahagi ng pagtatapos ng season.
House
IMDb 8.7/1020048 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Mga review
- 0%
- 0%
- 0%
- 0%
- 0%
Babala sa nilalaman
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.












