
Sumali sa Prime
Season 1
8 (na) mga episode
1. Import at Export

1. Import at Export
Hinahanap ni Oskar ang lugar niya sa Madrid noong 1980's. Dahil sa ulila at pinatibay ng kapaligirang kinalakhan niya, sa edad na 27, isa lang ang malinaw sa kanya: kailangan niyang manguna anuman ang mangyari. Nang nag-krus ang landas nila ng misteryosa at mayamang si Sara Farad, sinunggaban niya ang pagkakataong mapasok ang marangya at kapana-panabik na buhay kasama nito at ng pamilya Farad.
2. Mula Aluche hanggang Marbella

2. Mula Aluche hanggang Marbella
Lumipat si Oskar sa Marbella kasama ang pamilya Farad. Wala pang isang linggo, mula sa hirap sa pagbabayad ng renta sa apartment niya sa Aluche, nakatira na si Oskar sa marangyang mansiyon kasama si Sara at pamilya nito, mula sa pagmomotor, sakay na ng yate sa Costa del Sol si Oskar. Pero hindi lahat ay madali: para maging Farad, kailangang patunayan ang sarili.
3. Mga Leon at Partidos ng Asawa

3. Mga Leon at Partidos ng Asawa
Sa pagbubukas ng bagong gym sa Marbella, tila maagang naabot ni Oskar ang mga pangarap niya. Pero nakita siya ni Leo Farad nang higit sa pagiging mabuting manugang kaya isasama siya nito sa mahalagang negosasyon. Samantala, may madidiskubre ang isa sa mga anak ni Leo na magtutulak sa magkakapatid na Farad para pag-isipan ang posisyon nila sa pamilya.
4. Perestroika

4. Perestroika
Matapos magpakasal kay Sara, masasabi na ni Oskar na isa na siyang Farad. Maraming ibig sabihin ito, kasama na ang katapatan at ganap na tiwala. Pati na ang pagiging sangkot sa ilang isyung pampamilya. Sa pagnanais na matulungan si Leo na mapatino ang anak na si Hugo, sasamahan ni Oskar ang bayaw sa operasyon sa karagatan: kailangan nilang madala sa ligtas na pantalan ang mga sekretong armas.
5. Manwal ng Terorista

5. Manwal ng Terorista
Madadaan ni Leo Farad sa negosasyon ang lahat maliban sa isa: kaligtasan ng pamilya niya. Nang inatake ng mga di-kilalang tao ang anak na si Tanya, nabaling ang galit ni Leo sa mortal na kaaway na si Mawad. Habang umuusbong ang giyera sa pagitan ng mga pamilya, may balitang dadagdag sa tensiyon: si Khalid, Palestinong katuwang ng mga Farad, ay lumusob sa Monaco at bumihag ng napakarami.
6. Ibaling ang Tingin

6. Ibaling ang Tingin
Gusto ni Leo ang ulo ni Mawad, at gagawin niya ang lahat para makuha ito, kahit pa makipagnegosasyon sa mga Amerikano. Habang kapapanganak ng panganay nina Oskar at Sara, ang ibang kapamilya ay lilipad sa Czechoslovakia nang may rasong ipapasok kuno si Tanya sa singing school. Ngunit iba ang tunay na motibo ni Leo.
7. Bagong Lahi ng Farad

7. Bagong Lahi ng Farad
Umabot sa sukdulan ang giyera sa Angola. Sasamahan nina Oskar at Sara si Leo para maisara ang negosasyon sa bentahan ng kanyon. Sa unang pagkakataon, matututuhan ni Oskar ang mga dapat malaman sa kalakaran ng armas. Samantala, sa Marbella, handang patunayan ni Hugo ang sarili sa pamilya sa pamamagitan ng tangkang pagtutuldok ng isyu kay Mawad.
8. Ang Huling Desisyon

8. Ang Huling Desisyon
Napagpasyahan ni Carmen na oras na para makipagnegosasyon kay Mawad. Ayaw na niyang may mawala pa sa pamilya niya. Pero maisasara lang ang negosasyon kung dadanak muli ang dugo. Darating ang mahirap na sandali para kay Oskar at kakailanganin niyang harapin ang pagiging "Farad" at ang mga kahingian nito.
ANG FARAD
IMDb 6.9/1020231 seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
















