
Panoorin nang libre
10 (na) mga episode
1. Unang Araw
Siyam na mga dalagita ay papunta sa Hawaii nang magpalya ang kanilang sinasakyang eroplano, sumadsad at napadpad sila sa malayong isla. Ang isa ay si Leah, na nakaligtas upang ikwento ang kanilang naging karanasan sa dalawang pederal na imbestigador. Mga alaalang nagbabalik mula sa nakaraan ni Leah ang ipinagbabawal na relasyon na labis niyang ikinalungkot.
2. Pangalawang Araw
Ang mga napadpad ay tuliro pa rin sa pangyayari. Bigo at walang magawa, pinamunuan ni Rachel ang isang ekspedisyon patungo sa tuktok ng isla upang makita ang hitsura ng lupain nito. Nalaman natin ang kanyang buhay bilang mahusay na atleta, ang mga hirap na kanyang pinagdaan upang makamit ang mga ito, at ang malupit na katotohanan kung bakit hindi niya ito ibinabahagi sa iba.
3. Ikatlong Araw
Si Leah, Rachel, at Nora ay lumangoy sa mga pira-pirasong parte ng eroplano at bumalik na may mahalagang daladala. Ang magkalahing Texan na sina Dot at Shelby ay naghanap ng kweba na maari nilang silungan, ngunit ang kanilang pagtutol sa isa't-isa ay lalong nagpahirap sa sitwasyon nila. Mga masasakit na alaala ang naibunyag sa buhay ng nakaraan ni Dot.
4. Ika-Anim na Araw
Ang paligsahan sa paggawa ng silungan ay nauwi sa hindi magandang pagtatalo. Nagsimula ng away si Toni laban sa kanyang mga kakampi, at sa pagsilip sa mga nakaraan, hindi ito ang unang pangyayari at may nakaraan na siyang problema sa pagiging magagalitin na naging sanhi ng pananakit.
5. Ika-Pitong Araw
Nung may isang nawala sa kanila, nagsagawa sila ng malawak na paghahanap para makita siya. Mas malalaman pa natin ang tungkol sa nakaraan ni Fatin, na hindi gaya ng inaakala ng iba na kaaya-aya. Matapos ang nakakapagod na nangyari sa buong araw, nadiskubre ng mga kababaihan ang kagulat-gulat na bagay tungkol sa isla.
7. Ika-Labing Limang Araw
Napilitan silang lumipat na ibang lugar na mapagkakampuhan nang tumaas ang tubig. Naghihinala pa rin sa isla at kung paano sila napadpad sa doon, ibinaling ni Leah ang kanyang paghihinala sa isang kasamahang babae, na pinagbibintangan na may nalalaman pang iba. Sa pagsilip sa nakaraan, si Jeanette ay may isisiwalat na nakapagtatakang nakaraan.
9. Ika-Dalawamput Dalawang Araw
Nagsimulang makaranas ang mga nanghihinang babae ng pagkagutom. Kaya ni Martha na iiwas sila sa ganung tadhana, ngunit nangangailangan ito ng sakripisyong hindi pa siya handa. Dadalhin tayo ng alaala niya sa kanyang nakaraan, kung saan ipinakita kung paano niya nalampasan ang mga paghihirap mula pagkabata. Ang paranoya naman ni Leah tungkol sa isla ay naghatid sa kanya ng mataas na lagnat.
The Wilds
IMDb 7.3/1020202 (na) seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
























