
10 (na) mga episode
1. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkabigo.

1. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkabigo.
Magpapaalam si Siddhi kay Viju sa magandang paraan. Matapos ang anim na buwan, mauubusan siya ng salita. Nagsisikap si Damini na maging seryosong journalist at lumigaya bilang maybahay ni Jeh. Mapupunta si Anjana sa gitna ng pantasya ni Arya ng Masayang Pamilya at gugustuhin ni Umang na ibalik ang saya sa pamilya niya. Makalapit kaya ulit si Umang sa puso ng ama sa impromptu na byahe sa Ludhiana?
2. Gulaal.

2. Gulaal.
Gusto ni Umang magtayo ng sariling fitness studio. Hindi maintindihan ni Anjana ang pre-teen tantrums ni Arya. Walwal si Damini, hindi lang kay Jeh. Magagalit si Siddhi habang sinusubukang protektahan si Sneha. Isang holi party kung saan maglalabasan ang mga lihim, kung saan nagsisibukasan ang mga lasing at may ipapanganak na entrepreneur. Huhupa kaya ang bagyo kapag matino na kinabukasan?
3. Ayos lang.

3. Ayos lang.
Ang mataas ay hindi palaging sinusundan ng mababa. Natutunan ng magkakaibigan na harapin ang mga hamon ng buhay. Kalmadong pinakikitunguhan ni Anjana si Varun sa bahay niya. Si Siddhi ang bagong boss. Mahahamon at maiinis si Damini. Kailangan ni Umang ng tulong na maging tapat sa kaibigan niya. Makakita kaya sila ng perpektong lugar para sa pangarap niyang fitness studio?
4. Sparks Fly.

4. Sparks Fly.
Pasabog ang opening ng UMAMI fitness studio at may sarili nang lugar sa lungsod si Umang. Si Anjana ay magiging tagapamagitan nina Varun at Kavya. Hindi naibibigay ni Damini kay Jeh ang espasyong kailangan niya kahit pinatuloy siya sa bahay. Makakasama ni Siddhi sa stage ang isang dating sinta na kalaban na ngayon. Kunin kaya niya ang mikropono para ilabas ang lungkot o patuloy siyang magkikimkim?
5. Pag-asa.

5. Pag-asa.
Pahirap sa buhay ni Umang ang fans ni Samara, pero may makakaibigan siya sa isa sa studio recruits niya. Isa lang ang matatawa sa unang show ni Siddhi imbis na maraming magpalakpakan. Ipinagmamalaki ni Arya na nasa iisang bahay ang magulang niya. Masiglang magiging campaign manager si Damini. Maintindihan kaya ni Jeh ang priyoridad ni Damini? Payagan kaya ni Siddhi si Sneha makipagkaibigan?
6. Kapag Pag-ibig ay Wala na.

6. Kapag Pag-ibig ay Wala na.
Matindi ang mga damdamin ni Umang at Meher pero umaasta na naman bang tagapagligtas si Umang? Mapapaalalahanan si Anjana hindi pwedeng makipagbahay-bahayan sa pamilyang hindi kanya. Mabibitawan ni Damini si Jeh, mawawala sa landas at kakabigin niya siya nang lalong mahigpit. Mapagtanto kaya niyang nakakalas na ang tali ng relasyon nila? Masaktan kaya ni Umang ang sarili o ang iba?
7. Salamin, Salamin.

7. Salamin, Salamin.
May namumuong bagyo. Makikitira si Jeh pero baka ayaw na siya ni Damini? Gusto ni Varun na balikan si Kavya pero baka hindi handa si Anjana na magpaiwan? Nilabanan ni Siddhi ang pagtanda pero baka kailangan niya? Pakiramdam ni Umang na nasa simula na naman siya, baka kailangan niya ng bagong landas? Mailigtas kaya sila sa bagyo ng engrandeng birthday party na ito?
8. Birthday Bumps.

8. Birthday Bumps.
Iba ang himpapawid pati na ang mood. Oras nang magsaya. Mga treasure hunt na may mga tiara, picnic sa lawa, maaanghang na salita, mabubunyag na mga lihim, ito ang ika-25 kaarawan ni Siddhi. Kahit may cake sa birthday na ito, hindi ito naging matamis sa panlasa. Maghilom kaya ang mga bugbog na puso o mapuno ng langib?
9. Mga Laro.

9. Mga Laro.
Patapos na ang getaway at hindi pa naibabalik ang kapayapaan. Magso-sorry si Siddhi kay Sneha at bibigay sa bisig ni Mihir. Kailangang maunawaan ni Umang ang mga damdamin niya. Lalapit si Anjana sa masayang pamilyang makakamit na niya. Nagkakasundo sina Damini at Dhananjay. Pakawalan na kaya ni Shashank ang sama ng loob? Saktan naman kaya ni Jeh ang sarili para maintindihan si Damini?
10. Kagandahan sa Pamamaalam.

10. Kagandahan sa Pamamaalam.
Dapat magpaalam sa mga wasak na piraso. Mamasdan ni Damini si Jeh na lumisan. Magluluksa sina Siddhi at Sneha. Bibigay at makikipaghiwalay si Umang. Mapapagtanto ni Anjana na hindi niya kailangan si Varun para sumaya ang pamilya. Ang mga closure ni Umang, paghabol ni Siddhi sa airport, pagkimkim ni Damini at pagbitaw ni Anjana. Masira kaya ang kanlungan nila? Bagong Taon, bagong pag-asa?
Four More Shots Please!
IMDb 5.5/1020224 (na) seasonUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.















