
Panoorin nang libre
Nalalapat ang mga tuntunin
11 (na) mga episode
1. Nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap
Para sa unang episode, nasa Switzerland kami kung saan paghahambingin ang mga henerasyon gamit ang Lamborghini Aventador S, Honda NSX, at all-electric Croatian supercar na Rimac Concept One. May nangyari kay Richard. At nagtuos sina Ricky Wilson ng The Voice UK at David Hasselhoff ng America’s Got Talent sa bagung-bagong Celebrity Face Off.
1 h 10 min
Dis 7, 2017
2. Dito sa Talon
Aalamin namin sa New York kung ano ang mas mabilis papuntang Niagara Falls sa karera kung saan gamit ni Jeremy ang bagong Ford GT laban kay James May na magko-commute kasama ang sugatang si Richard Hammond. Sinubukan din ni Jeremy ang Mercedes-AMG GT R sa Eboladrome, nakalaban ng cricketer na si Kevin Pietersen ang manlalaro ng baseball na si Brian Wilson sa Celebrity Face Off.
1 h 10 min
Dis 14, 2017
3. Bah humbug-atti
Inirampa ni Jeremy mula sa Timog ng France papuntang Alps hanggang Turin ang 1479 HP Bugatti Chiron, nakipagkarera naman si James sakay ng Kia Stinger GT laban sa mga skateboarder, at sinolusyunan ni Richard ang nakakabagot na pahinga sa opisina sa pamamagitan ng karera sa paradahan. Hinarap naman ng aktor na si Hugh Bonneville si Casey Anderson na may alagang oso.
1 h 1 min
Dis 21, 2017
4. Hindi Planado
Nagpunta ang Grand Tour sa Croatia para gumawa ng hindi planadong palabas kung saan sakay si Jeremy ng Audi TT RS, si Richard ng Ariel Nomad, at si James naman ng lumang Lada, habang sinusubukan nilang hanapin ang koneksyon ng tatlong kotse. Sinubukan din dito ni Richard ang McLaren 720S at nagtunggali naman ang mga mag-aawit na sina Michael Ball at Alfie Boe sa Celebrity Face Off.
1 h 4 min
Dis 28, 2017
5. Sa bukid
Gumawa si Jeremy Clarkson ng sarili niyang Ken Block-style car skidding video, sinubukan ni James May ang bagong VW Up GTI sa Eboladrome, at namasyal si Richard Hammond sa Dubai gamit ang high-poweredtank na Ripsaw. Naglaban naman sina Dominic Cooper at Bill Bailey sa Celebrity Face Off.
59min
Ene 4, 2018
6. Jaaaaaaaags
Sinubukang patunayan nina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May na hindi lang kaakit-akit ang mga lumang Jaguar, kundi matibay rin sa pagbiyahe sa buong Colorado kung nasaan ang dirt track, mapanganib na runway, at pagtatangkang mag-ski sa kotse. Nagharap din sina Luke Evans at Kiefer Sutherland sa Celebrity Face Off.
1 h 4 min
Ene 11, 2018
7. Karga nang karga
Sinubukan nina Hammond at May ang pagkakarga nang hindi humihinto sa pamamagitan ng bagong paraan at binalikan naman ni Clarkson ang paghaharap ng Audi at Lancia noong 1983 world rally championship. Tumungo naman si Hammond sa Eboladrome para subukan ang Lamborghini Huracan Performante at kinalaban ng boksingerong si Anthony Joshua ang WWE star na si Bill Goldberg sa Celebrity Face Off.
1 h 5 min
Ene 18, 2018
8. Paglalakbay sa nakaraan
Magkasamang namasyal sina Jeremy Clarkson at Richard Hammond sa Europe sakay ng mga bagong British sports car na halaw sa disenyo noong 1950s, dumating naman si James May sakay ng modernong Honda Civic Type R. Sa UK, sinubukan ni Jeremy sa Eboladrome ang Ford GT mula sa episode 2, at malalaman sa Celebrity Face Off kung sino ang mas mabilis kina Stewart Copeland at Nick Mason.
1 h 8 min
Ene 25, 2018
9. Breaking, badly
Sinubukan ng tatlong gumawa ng road-legal amphibious na kotse na magagamit nila para malagpasan ang British water speed record. Sa ibang bahagi naman, nagbalik-tanaw si Jeremy sa dalawang 1990s supercar, ang Jaguar XJ220 at Bugatti EB 110 SS, at makikita sa Celebrity Face Off ang tapatan nina Dynamo at Penn & Teller.
1 h 5 min
Peb 1, 2018
11. Para sa mundo
Sa mini special ng Grand Tour, napagpasyahang wakasan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagbiyahe ng isda mula sa baybayin ng Mozambique papuntang liblib na lugar gamit ang Nissan pick-up, Mercedes 200T, at TVS Star motorcycle. Sa daan, naroon ang putik, aksidente, at pagkabulok ng isda ngunit nauwi pa rin ang lahat sa masayang paglalakbay.
56min
Peb 15, 2018
The Grand Tour
IMDb 8.7/1020176 (na) seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.

























