

Sumali sa Prime
Nalalapat ang mga tuntunin
22 (na) mga episode
1. Brotherly Love (Part 1)

1. Brotherly Love (Part 1)
Nang ang isang dating kaibigan at kasamahan ang diumano'y nagpakamatay, nagtungo si Virgil Tibbs sa Philadelphia at nadiskubre ang katiwalian sa pulisya. Sa Sparta, malapit nang manganak si Althea at tinutulungan siya ni Bubba sa Lamaze class.
44min
Set 18, 1990
2. Brotherly Love (Part 2)

2. Brotherly Love (Part 2)
Nagpunta si Chief Gillespie sa Philadelphia para tulungan si Tibbs, na maling naaresto sa pagpatay sa isang pulis na tumutulong sa kanya. Pinagtulungan nila ni Tibbs linisin ang pangalan ni Dwight Walker.
52min
Set 18, 1990
3. Lessons Learned

3. Lessons Learned
Natagpuang patay si Raylyn Walker, isang batang prostitute at ina. Pinaghihinalaan si Rocky, ang huli niyang kustomer, pero may alibi ito. Mas nahirapan si Tibbs sa pagbisita ng mga biyenan kaysa sa pagkapanganak ng kambal niya.
48min
Set 25, 1990
4. Perversions Of Justice

4. Perversions Of Justice
Iniimbestigahan nina Gillespie at Tibbs ang paratang ng pangmomolestiya laban sa isang sikat na guro sa isang estudyante, pero tila nahatulan na siya ng mga taga-Sparta, lalo’t lumabas ang mga detalye ng kanyang nakaraan.
47min
Okt 2, 1990
5. ...And Justice For Some

5. ...And Justice For Some
Tumakas ang isang drug dealer matapos masagasaan ang isang bata. Nang mahuli, nais ni Chief Gillespie na siya’y maharap sa kaso, pero inalok siya ng Feds ng kasunduan kapalit ng testimonya laban sa isang makapangyarihang drug lord.
47min
Okt 23, 1990
6. Heart Of Gold

6. Heart Of Gold
Muling nagbalik ang pag-ibig kay Bubba Skinner nang magkita silang muli ng dating kasintahan niyang si Christine Millings, na bagong balo. Ngunit laking gulat niya nang mapatay ang abogado ni Christine, at siya ang tinurong pangunahing suspek.
48min
Okt 30, 1990
7. Quick Fix

7. Quick Fix
Habang nangingisda, natuklasan ni Bubba ang bangkay ng sanggol sa tulong ng kanyang aso. Tumuloy ang imbestigasyon sa isang babaeng may kapansanan at sa pamilyang ayaw magsalita. Malalaman kaya nila ang katotohanan sa likod ng lihim ng pamilya?
48min
Nob 6, 1990
8. Homecoming

8. Homecoming
Nakauwi na sa Sparta si Prosper Hoag matapos makalaya dahil sa parol, matapos pagdusahan ang aksidenteng ikinasawi ng tatlong bata at ikinasugat ng dalawa pa. Gayong di pa rin siya nalilimutan ng mga tagaroon, ang tanong, mapapatawad ba siya?
47min
Nob 13, 1990
9. A Problem Too Personal

9. A Problem Too Personal
Sinubok ang relasyon nina Chief Gillespie at Harriet DeLong nang mahuling nagnanakaw ang dating asawa niyang si Vic, at madawit ang anak niyang si Eugene matapos mahulihan ng pera mula sa nakaw.
47min
Nob 20, 1990
10. A Final Arrangement

10. A Final Arrangement
Ang mag-asawang Tibbits, kaibigan ni Sweet, ay may-ari ng bookshop sa Sparta. Nang mapatay si Mrs. Tibbits sa isang napabalitang pagnanakaw, kinuwestiyon nina Gillespie at Tibbs ang kahina-hinalang sitwasyon. Pinlano kaya ang krimen?
47min
Nob 27, 1990
11. Family Matters

11. Family Matters
Abala si Virgil Tibbs sa pagbubuklod ng kanyang pamilya nang madawit ang pinsan sa isang pagpatay. Ngayon, kailangan niyang mamili sa pagitan ng nasaktan niyang tiyahin na mahal ang anak at pagbibigay ng hustisya sa bayang kanyang pinoprotektahan.
48min
Dis 4, 1990
12. Bounty Hunter

12. Bounty Hunter
Si Kathleen Wheartly, may-ari ng gym sa Sparta, ay pilit pinoprotektahan ang kapatid niyang si Jack na napagbintangan sa pagpatay. Ngunit nang dumating ang isang mabagsik na bounty hunter na naghahanap kay Jack, siya naman ang nalagay sa panganib.
48min
Dis 11, 1990
13. Blessings

13. Blessings
Pasko na at nais ng isang mamamahayag mula sa Sparta Herald na kapanayamin ang pulisya. Ngunit nang baluktutin ng mamamahayag ang mga kuwento, napag-alaman ng kapulisan ang tindi ng kapangyarihan ng media.
48min
Dis 18, 1990
14. Shine On Sparta Moon

14. Shine On Sparta Moon
Iniimbestigahan nina Gillespie at Tibbs ang aksidenteng ikinasawi ni Becky. Mabigat ang pinsala ni Robbie, ang nagmamaneho, pero laking gulat ng lahat nang lumabas sa ulat ng medico legal na posibleng nilason si Robbie.
47min
Ene 8, 1991
15. Execution Of Trust

15. Execution Of Trust
Nahatulan si Ray Garrett ng kamatayan matapos pagbintangang siya ang pumatay sa kalaguyo ng kanyang asawa. Giit niyang wala siyang sala, pero nahatulan pa rin. Maililigtas pa kaya siya ng pulisya ng Sparta bago mahuli ang lahat?
48min
Ene 15, 1991
16. Child Of Promise

16. Child Of Promise
Magkapatid sina Terry at Derek Johnson pero magkaiba ng tinahak. Si Terry ay honor student na may scholarship, at si Derek ay sangkot sa droga. Nang mamatay ang isang binatilyo sa overdose, nais ni Gillespie na kasuhan si Derek ng pagpatay.
48min
Peb 5, 1991
17. Paper Castles

17. Paper Castles
Iniimbestigahan ng Sparta Police ang isang kahina-hinalang aksidente at nadiskubreng konektado ito sa pekeng mall project na nais itayo sa Sparta at sa pagpatay sa dating kaibigan ni Virgil Tibbs na nag-invest ng lahat ng kanyang ipon.
48min
Peb 12, 1991
18. Laid To Waste

18. Laid To Waste
Si Julie Lofton, isang bulag, ay nakarinig ng pagpatay sa kapitbahay at agad tumawag sa pulisya. Habang iniimbestigahan, nalaman nilang ang krimen ay may kaugnayan sa katiwaliang pang-industriya, at ngayon, nanganganib na si Julie.
48min
Peb 19, 1991
19. First Deadly Sin

19. First Deadly Sin
Tanging high school student lang ang nakasaksi sa brutal na panggagahasa sa kanyang guro, pero ayaw ng ama niyang makialam siya. Gusto niyang tumulong sa paghuli sa rapist ng kanyang teacher, pero kaya ba niyang suwayin ang ama?
48min
Peb 26, 1991
20. Just A Country Boy

20. Just A Country Boy
Pumunta si Bubba sa Los Angeles para ibalik sa Sparta ang isang hinihinalang arsonist, pero nawawala ito at kalaunan ay natagpuang patay. Isang maganda’t matalinong imbestigador ang tumulong sa kanyang tuklasin ang katotohanan.
48min
Mar 19, 1991
21. No Other Road

21. No Other Road
Si Vic Glendon, dating asawa ni Harriet DeLong, ay nahaharap sa parusang kamatayan dahil sa kasong pagpatay. Labis itong nakaapekto sa anak nilang si Eugene, na litong-lito sa damdamin para sa kanyang amang kriminal.
48min
Mar 26, 1991
22. A Turning

22. A Turning
Iniimbestigahan ng Sparta police ang dobleng pagpatay sa isang roadhouse, ngunit ayaw magsalita ng batang saksi. Ngayong may anak na sila, nag-aalala si Althea para sa kaligtasan ni Virgil at hinihikayat siyang mag-aral ng abogasya.
48min
Abr 30, 1991
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.



















