Stargate SG-1
prime

Stargate SG-1

1X na nominado sa PRIMETIME EMMYS® sa 2005
Tuloy ang pakikipagsapalaran ng "Stargate SG-1" sa Season 8, kasama si Col. Jack O'Neill at ang SG-1 team -- Daniel Jackson, Teal'c, at Capt. Samantha Carter -- sa paglutas sa mga misteryo ng Stargate at paglaban sa mga Goa'uld!
IMDb 8.4199720 (na) mga episodeX-Ray13+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S8 E1 - New Order (Part 1)

    Hulyo 8, 2004
    44min
    7+
    Tumungo sina Carter at Teal'c sa Hala ng Asgard upang makahanap ng paraan para buhayin muli si O'Neill, at inatake sila ng mga Replicator at nadakip si Carter. Samantala, sinubukan nina Jackson at Dr. Weir na makipagkasundo sa Goa'uld System Lord.
    Sumali sa Prime
  2. S8 E2 - New Order (Part 2)

    Hulyo 8, 2004
    44min
    13+
    Pinadala ng mga Goa'uld ang mothership nila sa Earth, para subukan ang tibay ng proteksyon ng planeta. Masusubok ang husay sa diplomasya ni Dr. Weir, at biglaang mapupunta si Jackson at ang walang malay na katawan ni O'Neill sa ship ni Thor.
    Sumali sa Prime
  3. S8 E3 - Lockdown

    Hulyo 22, 2004
    44min
    13+
    Nang magkaroon ng malubhang sakit si Jackson, nag-utos si O'Neill ng lockdown sa paniniwalang kumalat na ito sa buong base. Ngunit ilalantad ni Jackson na sinapian siya ni Anubis, at kailangang mahanap ni O'Neill ang bagong host nito!
    Sumali sa Prime
  4. S8 E4 - Zero Hour

    Hulyo 29, 2004
    44min
    13+
    Abala si O'Neill sa pagbisita ng pangulo at mga negosasyon sa pagitan ng dalawang magkaaway sa planetang Amra. Ngunit nang madakip ang SG-1, pagdududahan ni O'Neill ang kakayahan niya. Kailangan niyang mamili: ang kaligtasan ng team o ng planeta?
    Sumali sa Prime
  5. S8 E5 - Icon

    Agosto 5, 2004
    44min
    13+
    Sa malayong planeta, naging simbolo ang Stargate sa mga mamamayan na naniniwala na babalik ang mga diyos gamit nito upang biyayaan ang nananampalataya. Kailangang magbabala ang SG-1 nang mapagtanto na mga Goa'uld pala ang tinutukoy na "diyos."
    Sumali sa Prime
  6. S8 E6 - Avatar

    Agosto 12, 2004
    44min
    13+
    Sang-ayon ang team na walang-silbi ang VR simulator bilang pagsasanay laban sa mga Goa'uld. Pumayag si Teal'c na matuto ito sa kaniya, ngunit kinokoryente siya tuwing namamatay siya, at kung hindi siya magtagumpay sa laro, papatayin siya nito.
    Sumali sa Prime
  7. S8 E7 - Affinity

    Agosto 19, 2004
    44min
    13+
    Pinayagan na si Teal'c na tumira sa labas ng base, at naging kumportable siya sa bagong lugar kung saan madali siyang naging malapit sa mga kapitbahay. Nagmistulang tagapagtanggol siya ng komunidad, ngunit hindi lahat ay natutuwa sa ginagawa niya.
    Sumali sa Prime
  8. S8 E8 - Covenant

    Agosto 26, 2004
    44min
    13+
    May alam umano si Alec Colson tungkol sa pagtatakip ng gobyerno sa pakikipag-ugnayan nito sa mga alien at sa muntik na pagkawasak ng Earth sa isang pagsalakay. May 24 oras ang mga bansa para aminin ito, kung hindi, siya mismo ang maglalabas.
    Sumali sa Prime
  9. S8 E9 - Sacrifices

    Setyembre 9, 2004
    44min
    13+
    Kababalik lang nina Teal'c at Bra'tac mula sa Ha'ktyl, kung saan sinubukan nilang kumbinsihin si Ishta, ang babaeng pinuno ng mga rebelde, na maghintay hangga't dumami ang sasali na kapuwa niyang Jaffa bago niya labanan ang Goa'uld System Lord.
    Sumali sa Prime
  10. S8 E10 - Endgame

    Setyembre 16, 2004
    44min
    13+
    Nawawala ang Stargate, ngunit mahahanap ito ng team gamit ng locator beacon na inilagay ng isang scientist. Napagtanto nila na ginawa ng The Trust ang kahit anong gusto na sa palagay nitong tama para mailigtas ang Earth sa pagsalakay ng mga alien.
    Sumali sa Prime
  11. S8 E11 - Gemini

    Enero 20, 2005
    44min
    13+
    Pumasok ang lumang IDC; "Ipadala ang M.A.L.P." Ayon sa M.A.L.P. telemetry, ipinadala ni Carter ang transmission na ito, ngunit nasa control room siya ng SGC. Ipinaliwanag ng Carter sa kabila na isa siyang Replicator.
    Sumali sa Prime
  12. S8 E12 - Prometheus Unbound

    Enero 27, 2005
    44min
    13+
    Pinayagan ang misyon para dalhin ang Prometheus sa Pegasus galaxy. Gustong sumama ni Jackson, ngunit ayaw siyang payagan ni O'Neill dahil sa kahalagahan niya. Pero ang desisyon ni Gen. Hammond, na bagong pinuno ng home world security, ang masusunod.
    Sumali sa Prime
  13. S8 E13 - It's Good To Be King

    Pebrero 3, 2005
    44min
    13+
    Babalaan ng SG-1 si Harry Maybourne sa paparating na pag-atake ng mga Goa'uld, ngunit nakita nilang naging hari na siya ng mga primitibo at naniniwalang mayroon siyang kasulatan ng mga Ancient na nagsasalaysay sa mga pangyayari na ito.
    Sumali sa Prime
  14. S8 E14 - Full Alert

    Pebrero 10, 2005
    44min
    13+
    Nang makita ni O'Neill na nabuksan ang pinto sa kaniyang tahanan at naroon si dating Vice President Kinsey, tatawag na sana siya ng pulis, ngunit kumampi siya kay Kinsey nang malaman ang tungkol sa isang organisasyon na kilala bilang The Trust.
    Sumali sa Prime
  15. S8 E15 - Citizen Joe

    Pebrero 17, 2005
    44min
    13+
    Sa isang bentahan, makukuha ni Joe Spencer ang maliit na bato na nagbigay sa kanya ng kakayahang makita ang ginagawa ng SG-1. Tuwang-tuwa siyang ikuwento ito, ngunit mauuwi sa pagkahumaling ang tuwa niya nang malaman niya na totoo ang SG-1.
    Sumali sa Prime
  16. S8 E16 - Reckoning (Part 1)

    Pebrero 24, 2005
    44min
    13+
    Naniniwala sina Teal'c at Bra'tac na panahon na para pamunuan ang pag-aalsa ng kanilang mga kalahi laban sa mga Goa'uld. Ngunit matitigil ang plano nila nang masupil ng mga Replicator ang mga Goa'uld ship at mabihag si Jackson.
    Sumali sa Prime
  17. S8 E17 - Reckoning (Part 2)

    Marso 3, 2005
    44min
    13+
    Nakatago sa wasak na templo sa Dakara ang isang sandata ng Ancients na maaring talunin ang mga Replicator. Dahil sa isang babala, nalaman ito ng team. At dahil sa tagong kaalaman ni Daniel tungkol sa Ancients, alam na rin ito ni Replicator Carter.
    Sumali sa Prime
  18. S8 E18 - Threads

    Marso 10, 2005
    44min
    13+
    Nang magtagumpay sa laban, pinagtuunan ng team ang kanilang sarili. Ngunit di nila inasahan ang huling pagtatangka ni Anubis! Samantala, gumising si Jackson sa isang lugar sa pagitan ng mundo ng mga buhay at mundo ng mga "umangat" na nilalang.
    Sumali sa Prime
  19. S8 E19 - Moebius (Part 1)

    Marso 17, 2005
    44min
    13+
    Nakatanggap si Jackson ng mga dokumento na nagtuturo sa lokasyon ng isang ZPM sa sinaunang Egypt. Sa nais na magamit ito para protektahan ang Earth at magbukas ng wormhole sa Atlantis, gumamit ang SG-1 ng time machine para bumalik sa 3000 B.C.
    Sumali sa Prime
  20. S8 E20 - Moebius (Part 2)

    Marso 24, 2005
    44min
    13+
    Nagbago ang timeline dahil sa tangkang pagkuha ng SG-1 sa ZPM mula sa Egypt. At sa timeline na ito, hindi madidiskubre ang Stargate! Nakumbinsi si O'Neill nina Carter at Jackson ng alternate reality na samahan sila sa una nilang misyon sa Stargate.
    Sumali sa Prime