


Sumali sa Prime
Nalalapat ang mga tuntunin
Mga Episode
S1 E1 - Import at Export
Disyembre 11, 202348minHinahanap ni Oskar ang lugar niya sa Madrid noong 1980's. Dahil sa ulila at pinatibay ng kapaligirang kinalakhan niya, sa edad na 27, isa lang ang malinaw sa kanya: kailangan niyang manguna anuman ang mangyari. Nang nag-krus ang landas nila ng misteryosa at mayamang si Sara Farad, sinunggaban niya ang pagkakataong mapasok ang marangya at kapana-panabik na buhay kasama nito at ng pamilya Farad.Sumali sa PrimeS1 E2 - Mula Aluche hanggang Marbella
Disyembre 11, 202348minLumipat si Oskar sa Marbella kasama ang pamilya Farad. Wala pang isang linggo, mula sa hirap sa pagbabayad ng renta sa apartment niya sa Aluche, nakatira na si Oskar sa marangyang mansiyon kasama si Sara at pamilya nito, mula sa pagmomotor, sakay na ng yate sa Costa del Sol si Oskar. Pero hindi lahat ay madali: para maging Farad, kailangang patunayan ang sarili.Sumali sa PrimeS1 E3 - Mga Leon at Partidos ng Asawa
Disyembre 11, 202350minSa pagbubukas ng bagong gym sa Marbella, tila maagang naabot ni Oskar ang mga pangarap niya. Pero nakita siya ni Leo Farad nang higit sa pagiging mabuting manugang kaya isasama siya nito sa mahalagang negosasyon. Samantala, may madidiskubre ang isa sa mga anak ni Leo na magtutulak sa magkakapatid na Farad para pag-isipan ang posisyon nila sa pamilya.Sumali sa PrimeS1 E4 - Perestroika
Disyembre 11, 202352minMatapos magpakasal kay Sara, masasabi na ni Oskar na isa na siyang Farad. Maraming ibig sabihin ito, kasama na ang katapatan at ganap na tiwala. Pati na ang pagiging sangkot sa ilang isyung pampamilya. Sa pagnanais na matulungan si Leo na mapatino ang anak na si Hugo, sasamahan ni Oskar ang bayaw sa operasyon sa karagatan: kailangan nilang madala sa ligtas na pantalan ang mga sekretong armas.Sumali sa PrimeS1 E5 - Manwal ng Terorista
Disyembre 11, 202353minMadadaan ni Leo Farad sa negosasyon ang lahat maliban sa isa: kaligtasan ng pamilya niya. Nang inatake ng mga di-kilalang tao ang anak na si Tanya, nabaling ang galit ni Leo sa mortal na kaaway na si Mawad. Habang umuusbong ang giyera sa pagitan ng mga pamilya, may balitang dadagdag sa tensiyon: si Khalid, Palestinong katuwang ng mga Farad, ay lumusob sa Monaco at bumihag ng napakarami.Sumali sa PrimeS1 E6 - Ibaling ang Tingin
Disyembre 11, 202349minGusto ni Leo ang ulo ni Mawad, at gagawin niya ang lahat para makuha ito, kahit pa makipagnegosasyon sa mga Amerikano. Habang kapapanganak ng panganay nina Oskar at Sara, ang ibang kapamilya ay lilipad sa Czechoslovakia nang may rasong ipapasok kuno si Tanya sa singing school. Ngunit iba ang tunay na motibo ni Leo.Sumali sa PrimeS1 E7 - Bagong Lahi ng Farad
Disyembre 11, 202348minUmabot sa sukdulan ang giyera sa Angola. Sasamahan nina Oskar at Sara si Leo para maisara ang negosasyon sa bentahan ng kanyon. Sa unang pagkakataon, matututuhan ni Oskar ang mga dapat malaman sa kalakaran ng armas. Samantala, sa Marbella, handang patunayan ni Hugo ang sarili sa pamilya sa pamamagitan ng tangkang pagtutuldok ng isyu kay Mawad.Sumali sa PrimeS1 E8 - Ang Huling Desisyon
Disyembre 11, 202345minNapagpasyahan ni Carmen na oras na para makipagnegosasyon kay Mawad. Ayaw na niyang may mawala pa sa pamilya niya. Pero maisasara lang ang negosasyon kung dadanak muli ang dugo. Darating ang mahirap na sandali para kay Oskar at kakailanganin niyang harapin ang pagiging "Farad" at ang mga kahingian nito.Sumali sa Prime