VOLTAIRE HIGH
Mga Episode
- S1 E1 - Episode 1Hunyo 12, 202137minSetyembre 1963 at handa na ang Voltaire High para sa isang bagong school year. Sa unang pagkakataon, tatanggap ang paaralang ito ng: 11 babaeng mag-aaral, lahat ay freshman. Kung masaya ang Prinsipal sa karanasang ito, hindi kumbinsido si Bise-Prinsipal Bellanger. Kalaunan, siya at ang asawa niyang si Jeanne, ang nars ng paaralan, ay haharap sa mga hindi inaasahang problema ng coed na edukasyon.Sumali sa Prime
- S1 E2 - Episode 2Hunyo 13, 202139minMahalagang araw para sa Freshman Klase 1: Unang klase sa Physical Education, na may surpresang dala ang mga babae sa klase nila. At halalan ng pangulo ng klase… Mahirap na araw din ito para kay Bellanger: ngayon ang araw ng disciplinary hearing ng pamangkin niya, at kailangan niyang bantayan ang mga problema at pagsubok ni Bb. Couret, ang bagong guro ng English, na sinusubukang makihalubilo.Sumali sa Prime
- S1 E3 - Episode 3Hunyo 13, 202141minNgayong linggo, nagpares ang mga estudyante para gumawa ng exposé. Masaya si Simone na makita si Jean-Pierre habang nagtatrabaho kila Michèle, na umaasa na makakuha ng magandang grado. Nakilala ni Annick ang bagong nobyo ng nanay niya, pero ‘di pa niya tanggap. Malapit na ang soccer game ng mga estudyante at guro, iba ang ngayong taon dahil si Bellanger ang referee at may babae sa field!Sumali sa Prime
- S1 E4 - Episode 4Hunyo 13, 202137minNasasabik si Bellanger na bumalik sa paaralan matapos ang break para sa Pasko… Pero ngayon, makulit ang mga lalaki. Nainis si Michèle dito, na gustong malaman kung ano ang “magpapabulag sa iyo” at ‘di niya makayanan na tila bata ang tingin sa kanya. Nang mabunyag kung ano ang dahilan ng gulong ito sa klase sa English, nagtulong sina Couret at Bellanger para disiplinahin ang mga bata.Sumali sa Prime
- S1 E5 - Episode 5Hunyo 20, 202137minNgayong gabi, pumunta ang nars na si Jeanne sa teatro kasama si Denise. Nakilala niya roon si Irène, isang aktres na hinangaan niya. Habang pauwi, nakasalubong ni Denise si Bellanger, na hinatid siya at inamin sa kanya na mahal siya nito. Sa mga Couret, nahihirapan silang unawain ang biglaang pagbabago ni Camille: wala silang problema ni Francis…Sumali sa Prime
- S1 E6 - Episode 6Hunyo 20, 202135minNandidiri si Annick sa pagda-dissect ng palaka, at inimungkahing nakawin ang mga palaka, kapalit ng 1 oras na pagtu-tutor niya. Gusto ng mga lalaking harapin ang hamong iyan! Hindi ulit kasali sa plano ang “pamangkin ng BP.” Habang nagbabanyo dahil sa sakit na dulot ng regla, sinabi ni Simone kay Michèle na ipakita niya sa kanila na hindi siya maamong bata at nakawin niya mismo ang mga ito.Sumali sa Prime
- S1 E7 - Episode 7Hunyo 20, 202138minMabuti naroon si Laubrac, dahil naiinis si Michèle kina Jean-Pierre at Simone. Tumambay siya sa lounge ng mga estudyante kung saan sinabi niya sa lahat ang nakita niya sa sinehan at nagsimula ang mga tsismis. Nalalapit na ang rehiyonal na patimpalak sa Latin para kay Jean-Pierre: alam niya na hindi siya pwedeng pumalpak…Sumali sa Prime
- S1 E8 - Episode 8Hunyo 20, 202144minNag-aalala ang mga magulang ni Michèle na ‘di pa siya nakakauwi. Binigyan ng Prinsipal si Bellanger ng palugit: kung si Michèle ang nagsimula ng mga tsismis kay Jeanne, dapat niyang kausapin ito ngayon. Nang malaman ni Paul na nakipagtanan siya sa estudyante niya, hinanap nito sila. Pero gusto niya ang tapang nila… Nagkasiyahan ang mga estudyante kila Pichon para ipagdiwang ang pagtatapos ng taon!Sumali sa Prime
Mga Detalye
Higit pang impormasyon
- Babala sa nilalaman
- Paghuhubad karahasan paninigarilyo masamang wika sekswal na nilalaman
- Mga wika ng audio
- English Deutsch Español (España) Español (Latinoamérica) Français Français [Audiodescription] Français Dialogue Boost: Medium Français Dialogue Boost: High Italiano Polski Português 日本語
- Mga Subtitle
- Filipino English العربية Čeština Dansk Deutsch Ελληνικά Español (Latinoamérica) Español (España) Suomi Français [CC] עברית हिन्दी Magyar Indonesia Italiano 日本語 한국어 Bahasa Melayu Norsk Bokmål Nederlands Polski Português (Brasil) Português (Portugal) Română Русский Svenska தமிழ் తెలుగు ไทย Türkçe 中文(简体) 中文(繁體)
- Mga Direktor
- Alexandre CastagnettiEdouard Salier
- Mga Producer
- AutopilotEn Voiture Simone
- Cast
- Pierre DeladonchampsNina MeurisseMaud WylerAnne Le NyGérald LarocheFrançois RollinLéonie SouchaudAnouk VilleminLula Cotton FrapierNathan ParentBaptiste MasselineGaspard Meier-ChaurandVassili Schneider
- Studio
- Amazon Studios
Sa pag-click sa i-play, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit.