Sa aling mga device ko puwedeng panoorin ang mga live na sports at event?
Sinusuportahan ang mga live na event sa mga web browser at sa mahigit sa 650 na nakakonektang device sa pamamagitan ng Prime Video app, kasama ang mga compatible na games console (PlayStation at Xbox), set-top box at media player (tulad ng Google Chromecast, Roku, at Apple TV), smart TV, Blu-ray player, at tablet at mobile phone na gumagana sa iOS o Android. Sinusuportahan din ng mga Amazon device gaya ng Fire TV at Fire tablet ang mga live na sports. Kung wala kang nakikitang live na sports sa iyong device, i-update ang iyong app sa pinakabagong bersyon. Android: Buksan ang Google Play Store app, hanapin ang Prime Video, at pagkatapos ay i-tap ang I-update. iOS: Buksan ang App Store, hanapin ang Prime Video, at pagkatapos ay i-tap ang I-update.
Paano ko hahanapin ang mga live na sports at event sa Prime Video?
Maa-access ang lahat ng live na event sa Live at paparating na hanay kapag nag-scroll down ka sa pangunahing home page ng Prime Video. Available din ang karamihan ng mga kaganapan sa page ng channel sa hanay ng Prime Video Channels.
Puwede ko bang i-record, i-fast forward, at i-rewind ang mga live na sports at event?
Aling live na sports at event ang puwede kong panoorin, ano ang kailangan kong gawin para panoorin ang mga ito, at paano ko pamamahalaan ang aking mga subscription?
Kailangan ko pa rin ng tulong sa panonood ng aking live na event.
Kung nakikita mo ang "hindi available ang video na ito" o "hindi available dahil sa mga restriksyon sa rehiyon" ibig sabihin, hindi available ang laro sa iyong lugar dahil sa mga karapatan sa rehiyon o pambansang broadcast para sa partikular na larong iyon. Kung nakikita mo ang "i-enable ang lokasyon para sa availability ng event" sa mga mobile device, maaaring i-off ang mga serbisyo ng lokasyon. Para ayusin ito, pumunta sa mga setting ng iyong device at i-on ang mga serbisyo sa lokasyon para sa Prime Video. Kung mayroon kang anti-virus software tiyaking hindi nito bina-block ang Prime Video mula sa pag-access ng mga serbisyo sa lokayon.