Paano Mabuhay Nang Single

Paano Mabuhay Nang Single

Si Sebastián, isang artistang kilala sa iisang papel na ginampanan niya ilang taon na ang nakararaan, ay malapit nang magpakasal, pero may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Nang akala niya ay maayos nang nakalatag ang buhay niya, mauuwi siya sa piling ng mga kaibigang palpak din sa pakikipagrelasyon. Sa isang iglap, babalik siya sa buhay niya sampung taon ang nakararaan: pagiging single.
IMDb 6.4202010 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-MA
Libre ang unang episode

Nalalapat ang mga tuntunin

Limitadong oras na alok. Nalalapat ang mga tuntunin.

Mga Episode

  1. S1 E1 - Dumped2

    Hunyo 15, 2020
    28min
    TV-MA
    Naghahanda na si Sebastián para pinakamahalang yugto ng buhay niya, ang pagpapakasal. Subalit, ang sana'y pinakanakakakilig na proposal sa lahat ay mauuwi sa bangungot nang malantad ang video ni Lucía, ang nobya niya, na nagtataksil. Sa tulong ng mga kaibigan niya, kailangang pagnilayan ni Sebastián kung saan patungo ang buhay niya kung gusto niyang malampasan ang pagiging single.
    Libre ang unang episode
  2. S1 E2 - Ang Templo ng Ngiti

    Hunyo 15, 2020
    34min
    TV-MA
    Sawi sa hiwalayan, sasali si Sebastián sa isang grupong nagbibigay-suportang nangangako ng agarang kaligahayan. Dadamayan ni Fabiana si Lucía habang inaayos ang gusot kay Gonzo, na aksidente niyang napadalhan ng hubad na larawan. Gagawin ni Gonzalo ang lahat para mabawi ito. Pinag-iisipan ni Daniel kung aaluking magpakasal si Mafer. Sasama si Fish kay Sebastián sa paghahanap nito ng kaligayahan.
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - Melodi

    Hunyo 15, 2020
    31min
    TV-MA
    Matapos mabalitaang makakasama niya si Lucía sa pelikula, nagsagawa ng bachelor's welcome ang mga kaibigan ni Sebastián para himukin siyang makipag-date ulit. Pumayag si Sebastián sa isang kondisyon: DAPAT LALABAS SILANG LAHAT. Sa pagitan ng mga blind date, diaper at motorsiklo, natapos iyon bilang isang gabing hindi malilimutan ni Sebastián kailanman.
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - Love Ride

    Hunyo 15, 2020
    35min
    TV-MA
    Hahanapin nina Sebastián at Fish si Julieta, ang may-ari unicorn pin. Naghahanda si Lucía sa unang eksena nila ni Sebastián at maglalabas siya ng sama ng loob kay Fabiana. Makikipagkita sina Mafer at Daniel sa mga kaibigan nilang may asawa, at ililihim ito sa mga single nilang kaibigan. Mamumuhunan si Gonzalo sa isang bagong dating app at hihikayatin niya si Sebastián na subukan ito.
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - Para saan ang pagkakaibigan?

    Hunyo 15, 2020
    31min
    TV-MA
    Patuloy na sinusubok ni Farré si Sebastián sa dedikasyon nito sa pag-arte at kung nararapat siyang makatrabaho si Lucía. Magpupursigi si Fish na ipakita ang pagmamahal niya sa isang cam girl na gusto niyang iligtas. Makikipagkita sina Mafer at Fabiana sa sikat na si Jaureguiberri. Tatanggihan ni Daniel ang alok ng ama niya at mapipilitan siyang maghanap ng pondo sa pangarap na kasal ni Mafer.
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - HIV

    Hunyo 15, 2020
    34min
    TV-MA
    Sasali sina Sebastián at Fish sa kursong nagtuturong mang-akit ng babae. Mahaharap si Fabiana sa isang one-night stand na naging iskwater. May kontrata si Gonzo na makakapagligtas sa kanya sa sitwasyong ito, pero tatanggihan niya. May makikilalang babaeng transgender si Gonzo na makakapagpaisip sa kanya ng sekswalidad niya. Sa huli, makakahanap si Sebastián ng paraan para mapalapit kay Julieta.
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - Romcom

    Hunyo 15, 2020
    32min
    TV-MA
    Magsisimula nang mag-date sina Julieta at Sebastián. Papasok si Fabiana sa three-way kasama sina Rocío at Carlos. Kukuha si Fish ng kopya ng "Humped 2," isang pelikulang porn. Iaatas ni G. Ariza kay Daniel ang isang mahalagang presentasyon. Ipapakilala ni Sebastián si Julieta sa barkada, na tinipon para manuod ng "Humped 2." Isasabotahe ni Billy Boy ang presentasyon ni Daniel at masisisante siya.
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - Tirahin mo pa ako

    Hunyo 15, 2020
    34min
    TV-MA
    Mapapamahal na si Sebastián kay Julieta. Imumungkahi nitong mag-almusal sila kasama ng barkada para makilala niya sila. Magugustuhan rin siya ng mga ito at tatanggapin siya sa grupo. Gayunman, sigurado si Fish na may tinatago si Julieta at ayaw niyang masaktan ulit ang matalik niyang kaibigan. Sa huli, mawawala na ang pagdududa ni Fish kay Julieta kapag napagtanto niyang seryoso ito kay Sebastián.
    Sumali sa Prime
  9. S1 E9 - Tapusin na natin

    Hunyo 15, 2020
    36min
    TV-MA
    Hindi lalabas ang pelikula nina Sebastián at Lucía gaya ng inaasahan nila. Ipagtatapat ni Daniel ang totoo kay Mafer tungkol sa trabaho niya. Mababalisa si Fabiana dahil hindi na siya hinahabol ni Gonzo. Itutuon ni Gonzo ang atensyon niya kay Sofia, isang maganda at matalinong babaeng pagseselosan ni Fabiana. Babalikan ni Fish si Melodi para alagaan siya pagkatapos magparetoke.
    Sumali sa Prime
  10. S1 E10 - Ang Maikling Kwento Natin

    Hunyo 15, 2020
    30min
    TV-MA
    Pupunta sina Sebastián at mga kaibigan sa libing ni Julieta. Mapipilitan siyang makisalamuha sa dating mga nobyo nito at marami siyang matutuklasan tungkol sa kanya. Makikipag-ayos si Daniel kay Mafer habang pilit silang inaalok ng package sa pagpapalibing. Si Gonzalo, na lihim nang umiibig kay Fabiana, ay susubukang makasama siya at pakakalmahin naman ni Fish si Melodi sa matinding pagtatangis.
    Sumali sa Prime