Mozart in the Jungle

Mozart in the Jungle

2X na nominado sa PRIMETIME EMMYS® sa 2018
Ang nangyayari sa likod ng mga kurtina sa isang simponya ay nakakabighani rin kagaya ng nakikita sa entablado. Ginawa ni Paul Weitz (About a Boy), Roman Coppola (The Darjeeling Limited), at Jason Schwartzman (Rushmore). Ang bagong maestro na si Rodrigo (Gael Garcia Bernal) ay binabago ang mga bagay-bagay, at ang batang oboista na si Hailey (Lola Kirke) ay umaasang magkaroon ng pagkakataon.
IMDb 8.1201410 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-MA
Libre ang unang episode

Nalalapat ang mga tuntunin

Limitadong oras na alok. Nalalapat ang mga tuntunin.

Mga Episode

  1. S1 E1 - Unang Bahagi

    Panoorin sa mga suportadong device
    Pebrero 5, 2014
    29min
    TV-MA
    Ang nangyayari sa likod ng mga kurtina sa isang symphony ay nakakabighani rin kagaya ng nakikita sa entablado. Ginawa ni Paul Weitz (About a Boy), Roman Coppola (The Darjeeling Limited), at Jason Schwartzman (Rushmore). Ang bagong maestro na si Rodrigo (Gael Garcia Bernal) ay binabago ang mga bagay-bagay, at ang batang oboista na si Hailey (Lola Kirke) ay umaasang magkaroon ng pagkakataon.
    Libre ang unang episode
  2. S1 E2 - Panlimang Upuan

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    28min
    TV-MA
    Dahil sa pangarap ni Hailey, pinilit siya ni Rodrigo na tumugtog sa orkestra, kahit tutol si Gloria (Bernadette Peters). Sinusubukan ng beteranong maestro na si Thomas (Malcolm McDowell) na balewalain ang sama ng loob kay Rodrigo, ngunit nagdulot lang ito ng mas malaking kahihiyan. Dinalaw ni Hailey si Alex, sa bisperas ng kanyang malaking araw - ang sandaling matagal na niyang hinihintay.
    Panoorin nang libre
  3. S1 E3 - Tahimik na Simponya

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 22, 2014
    26min
    18+
    Tinulungan ni Alex si Hailey na kumita ng mabilisan, habang sa bulwagan ng simponya, isang matandang musikero ang humandusay dahil pinuwersa siya ni Rodrigo. Pagkatapos siyang ipahiya ng katulong ni Rodrigo, naglabas ng sama ng loob si Hailey at hindi niya inaasahan ang alok sa kanya ni Rodrigo.
    Panoorin nang libre
  4. S1 E4 - Ininsulto mo si Tchaikovsky

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 22, 2014
    30min
    TV-MA
    Naghanda si Gloria ng isang fundraiser upang ipakilala si Rodrigo. Ipinasundo siya kay Hailey at pumunta si Thomas para magtanghal. Noong oras na ni Rodrigo para magpakitang gilas, hindi na napigilan ni Thomas ang kaniyang sarili. Ngunit hindi masaya ang bagong maestro - hindi mawala sa isip niya ang isang mensahe: darating ang isang mahalagang tao.
    Panoorin nang libre
  5. S1 E5 - Kasama ko si Maestro

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    27min
    18+
    Humingi ng payo si Rodrigo para maiwasan ang "kakila-kilabot na hilig." Sa pagkawala ni Thomas, naging malapit si Cynthia kay Betty. Sa kalagitnaan ng palabas ni Alex -- isang mainit na sayaw mula sa kasama niya sa bahay - tinawagan ni Rodrigo si Hailey upang mapigilan niya ang sariling makipagkita kay Ana Maria. Nang magtungo siya kina Alex, hindi nagustuhan ni Hailey ang nakita niya.
    Panoorin nang libre
  6. S1 E6 - Ang Pagsasanay

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    26min
    TV-MA
    Napuno si Rodrigo habang tumataas ang presyur sa paglulunsad ng bagong season. Naalarma ang tagapayo ng simponya na si Edward at binalaan niya si Gloria na palitan siya - na ang kanyang magaling na conductor ay dinala ang orchestra sa isang biglaang field trip. Sa kabila ng lahat, nakita ni Hailey si Alex pag-uwi niya ng bahay, na nagtataka kung bakit hindi niya sinasagot ang kaniyang mga tawag.
    Panoorin nang libre
  7. S1 E7 - Naiisip Kita

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    27min
    TV-MA
    Sa isang fundraising gala sa estado, nag-alok si Edward ng malaking halaga kung tutugtog ng byolin si Rodrigo. Tinaasan ni Rodrigo ang halaga at binago ang sitwasyon. Nakasalubong ni Hailey si Lizzie at natuklasan niya na ang kasama niya sa bahay ay mula pala sa mayamang pamilya. -- bago niya ginugol ang kanyang buong gabi kasama ang isang aristokratong tao.
    Panoorin nang libre
  8. S1 E8 - Mozart sa Bacon

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    28min
    18+
    Nang nagpasya si Rodrigo na ayaw na niya si Windsor Elliot para sa opening night, kinausap siya ng piyanista, at tinulungan siya nitong madiskubre kung sino ang gusto niya. Pinahanap kay Cynthia si Thomas, ngunit hindi siya handa sa sumalubong sa kanya. Tinuruan ni Hailey ng oboe ang kanyang kaibigan, ngunit ito ay naantala ni Lizzie, na may mga nakakagulat na balita tungkol sa kanyang mag-aaral.
    Panoorin nang libre
  9. S1 E9 - Ngayon, Fortissimo!

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 22, 2014
    23min
    TV-MA
    Tinawagan ni Rodrigo si Hailey para magmaneho at hanapin si Ana Maria dahil "siya ang bumubuhay sa kaniya", kaya siya ang kailangan ng simponya sa opening night. Sa lungsod, kumuha ng mga tableta si Cynthia para sa kanyang kamay, at nag-iba ang pagtingin niya sa isang katrabaho. Nahanap ni Hailey si Alex, at handa na siyang makaramdam ng ibang sigla.
    Panoorin nang libre
  10. S1 E10 - Unang Gabi

    Panoorin sa mga suportadong device
    Disyembre 23, 2014
    31min
    TV-MA
    Matapos ang isang malupit na hatol mula kay Betty, handa ng sumuko si Hailey sa kanyang pangarap. Ngunit habang napupuno ng mga tao ang bulwagan para sa pagbubukas ng gabi, nawala si Betty. Wala ni isa sa orchestra ang handa para sa susunod na mangyayari. Nang si Ana Maria, ang kanilang maligalig na soloista, ay umalis napilitan si Rodrigo na magdesisyon.
    Panoorin nang libre