![Bosch [Ultra HD]](https://m.media-amazon.com/images/S/pv-target-images/8a78d9a1975a6414251df5c5103afaed591d9b63424fad6639ec648a745edbdf._UR2000,3000_CLs%7C2000,3000%7C/G/bundle/BottomRightCardGradient2x3.png,/G/01/digital/video/merch/subs/benefit-id/m-r/Prime/logos/channels-logo-white.png%7C0,0,2000,3000+0,0,2000,3000+1665,2767,253,150_kvf21cb47db8d34aa971cd86f57a65cf8d_SX750_FMpng_.png)

Panoorin nang libre
8 (na) mga episode
1. Brazen
Bisperas ng Bagong taon 2019. Habang ang Los Angeles ay nagdiriwang, isang sunog ang sumabog sa East Hollywood apartment na pumatay sa ilang residente kasama ang sampung taong gulang na babae. Nang malaman na ito ay arson, si Detektib Harry Bosch ay dumating sa eksena pero ang partner, na si Detektib Jerry Edgar, ay hindi makita.
2. Ang Asong Pinapakain Mo
Sinundan nina Bosch at Edgar ang isang lead sa kasong arson sa sikat na Magic Castle. Si Lt. Billets ay nakabangga ang isang opisyal sa ranggo. Pagkatapos manatili ng isang gabi sa kulungan ang kliyente ni Chandler na si Vincent Franzen, nag-alok ito ng “muy grande pescado” na rason para makalaya.
3. Sabes Demasiado
Natunton ni Bosch at Edgar ang La Mayorista, pero humingi ng tulong si Bosch kay Vega pagkatapos magkaroon ng malaking pagkakamali si Edgar. Nirekord nina Chandler at Maddie ang pahayag ni Franzen bago itinago ito ni Chandler sa safehouse. Pinag-usapan ni Irving at Lopez ang kasong arson, parehong tinago ang totoong layunin.
4. Triple Play
Nahila si Bosch mula sa kasong sunog sa isang double homicide sa Hollywood Hills at natagpuan ang RHD Detektib na si Jimmy Robertson sa eksena. Nang makarating sa itaas ang kasong harassment ni Lt. Billets, nagalit sina Kapitan Cooper at Lt. Thorne na inulat niya ito agad sa IA imbes na kausapin muna sila. Nagulat si Maddie sa nadiskubre nito. Sinubukan ni Bosch at Edgar na pagsalitain si Alvarez.
5. Wala pa ang mga Hurado
Pagkatapos malamang inilipat si Alvarez, humingi ng tulong si Bosch kay Chief Irving. Nakakuha si Pierce at Vega ng lead sa bumaril. Humingi ng tulong si Billets sa dating pulis ng Hollywood para sa kaalamanan kay Leonard at Norries. Nang makipagkita si Bosch at Edgar kay Carl Rogers, pinalampas ni Edgar ang isang detalye sa kaso, na ikinagalit ni Bosch.
6. Ang Higit na Nakabubuti
Matapos masangkot si Maddie sa kaso ng Franzen, kailangan niyang tumestigo sa hurado para manatiling ligtas. Humingi ng tulong si Irving kay FBI SAC Brenner tungkol kay Alvarez, na may nalaman tungkol kay Peña. Bumisita kay Bosch ang tatay ng batang tamale; ang sakit na nararamdaman niya ay nagpaigting sa kagustuhan ni Bosch ng hustisya. Tinulak ni Leonard at Norris si Billets sa kasukdulan.
7. Ibang Paraan
Sinundan ni Robertson at Bennett ang yapak ng hitman na namaril sa Las Vegas, umaasang makahahanap ng koneksyon sa iba pang kliyente ni Fowkkes. Nang magsagawa ng inspeksyon si Billets sa bentahan ng alahas, nakakuha ito nang mababang presyo na hindi niya hinihingi. Nagbigay ng utos si Irving kay Bosch, na nagpawala ng tiwala kay Bosch sa sistemang ipinagtatanggol niya buong karera nito.
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
















