Ang Tag-araw na Gumanda ako
freevee

Ang Tag-araw na Gumanda ako

Malapit nang maging 16 si Belly Conklin at patungo siya sa paborito niyang lugar, ang Cousins Beach, upang gugulin ang tag-araw kasama ang pamilya niya at ang Fishers. Lumaki si Belly sa nakalipas na taon at pakiramdam niya ay magiging iba ang tag-araw na ito kaysa sa iba. Ang Tag-araw na Gumanda ako ay base sa libro ni Jenny Han, na siyang may-akda at executive producer.
IMDb 7.320227 (na) mga episodeX-RayHDRUHD16+
Panoorin nang libre

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Summer House

    Panoorin sa mga suportadong device
    Mayo 9, 2022
    45min
    16+
    Unang totoong araw sa tag-araw:si Belly, ang kapatid niyang si Steven, at ang nanay niyang si Laurel ay patungo sa Cousins beach upang manatili kasama si Susannah Fisher, na parang ikalawang ina ni Belly, at mga anak nitong sina Conrad at Jeremiah. Pumupunta na si Belly sa Cousins bago pa man siya ipanganak, pero may kakaiba sa tag-araw na ito. At kung ang unang gabi ang pagbabasehan, tama siya.
    Panoorin nang libre
  2. S1 E2 - Summer Dress

    Panoorin sa mga suportadong device
    Mayo 10, 2022
    39min
    16+
    Unang araw ni Belly bilang debutante, at dahil sa isang araw ng pamimili at tea parties ay naisip niya kung tama ba ang desisyon niya noong um-oo siya sa imbitasyon ni Susannah. Pero nang sumulpot si Cam, nagbago ang lahat kay belly. Nagsisimula palang ang tag-araw niya. Samantala, may sariling summer romance si Steven, at naiintriga si Laurel sa tulad niyang manunulat.
    Panoorin nang libre
  3. S1 E3 - Summer Nights

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hunyo 16, 2022
    45min
    16+
    Ika-16 kaarawan ni Belly at ang matalik niyang kaibigan, si Taylor, ay dumating sa Cousins para makisaya. Ang kaarawan ni Belly ang pinakapaboritong araw niya, ngunit ngayong taon ay nalihis ang atensiyon niya sa sikretong itinatago ni Taylor sa kanya. Tinanong ng debs si Belly kung sinong dadalhin niya sa debutante ball. Nalantad sa wakas ang sikreto nina Laurel at Susannah.
    Panoorin nang libre
  4. S1 E4 - Summer Heat

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hunyo 16, 2022
    44min
    16+
    Ika-4 ng Hulyo at dumating ang mga ama sa Cousins para sa taunang pagdiriwang ni Susannah sa beach house. Nagkainitan sina Conrad at ang ama nito. Gumawa ng margarita sina Belly at ang magkapatid na Fisher at nagpatuloy ang kaguluhan. Pagkatapos, ang romantikong sandali ni Belly ay nabulabog.
    Panoorin nang libre
  5. S1 E5 - Summer Catch

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hunyo 16, 2022
    52min
    16+
    Naniniwalang baka kumilos si Conrad dahil sa damdamin nito sa kanya, gumawa ng desisyon si Belly. Ngunit nang sa wakas ay magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap, hindi gaya sa inaasahan niya ang nangyari at inisip niya kung maling Fisher ba ang pinaghinalaan niya. Itinalaga si Steven para magtrabaho sa poker room sa isang country club, at nagkaroon ng night out sina Laurel at Susannah.
    Panoorin nang libre
  6. S1 E6 - Summer Tides

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hunyo 16, 2022
    48min
    16+
    Bumalik si Taylor para maglaro sa Cousins Beach charity volleyball tournament at para tulungan si Belly na naiipit sa pagitan nina Conrad at Jeremiah. Nang magtapos sa gulo ang yacht party, naging malinaw ang desisyon ni Belly sa pagitan ng magkapatid. Nakita ni Steven ang sariling 'di maintindihan ang mayayamang kaibigan ni Shayla at tinulungan ni Cleveland si Conrad sa emosyonal na sandali.
    Panoorin nang libre
  7. S1 E7 - Summer Love

    Panoorin sa mga suportadong device
    Hunyo 16, 2022
    45min
    16+
    Narito na ang debutante ball, pero muntik masira ang big night ni Belly nang malaman ni Jeremiah ang sikretong tinatago ng na nito buong tag-araw. Nang maiwan mag-isa si Belly sa dance floor, may tumindig upang tulungan siya. Dahil nalantad na ang sikreto nina Susannah at Laurel, nagtapos ang tag-araw sa pangako ni Susannah at pagtatapat mula kay Conrad na buong tag-araw na hinihintay ni Belly.
    Panoorin nang libre