La Templanza
prime

La Templanza

Season 1
Ang La Templanza ay kwento nina Mauro Larrea at Soledad Montalvo, dalawang estrangherong nakatakdang magkrus ang landas sa ika-19 na siglo, na magpapabago ng kanilang buhay. Ito ay kwento ng tagumpay at pagkatalo, pagmimina, pamilya, paggawa ng alak, at mga napaglipasang siyudad.
IMDb 7.1202110 (na) mga episodeX-RayHDRUHD16+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - La Templanza - Episode 1

    Marso 24, 2021
    1h
    16+
    Dahil sa trahedyang nangyari kay Mauro, mapipilitan siyang lumipat sa Mehiko at magtrabaho sa minahan. Sa kabilang panig ng mundo, magkakaroon din ng malaking pagbabago sa buhay ni Soledad Montalvo, ang tagapagmana ng pamilya ng gumagawa ng alak sa Jerez.
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - La Templanza - Episode 2

    Marso 25, 2021
    1h
    16+
    May kani-kaniyang kinakaharap sa buhay sina Mauro at Soledad. Alam ni Mauro na mauudlot ang kasal ng kanyang anak na si Mariana; kaya kinailangan niyang itago sa mga tao ang kanilang pagkalugi. Bumalik naman ang nakaraan ni Soledad nang pumunta ang pinsan niyang si Gustavo sa London at subukang ituloy ang dati nilang pag-iibigan.
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - La Templanza - Episode 3

    Marso 25, 2021
    49min
    13+
    Dumating si Mauro sa Havana para maghatid ng pera kay Carola Gorostiza, kapamilya ng mapapangasawa ng kanyang anak. Subalit, siya pala ang mahaharap sa hindi inaasahang negosyo.
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - La Templanza - Episode 4

    Marso 25, 2021
    51min
    16+
    Hindi kayang sikmurain ni Mauro ang desisyong makisosyo sa pangangalakal ng mga alipin, kaya napagpasyahan niyang talikuran si Carola at makipagtulungan sa mga magpapatigil ng bentahan. Kakaharapin naman ni Soledad si Alan, ang anak ng kanyang asawa, habang itinatago rito ang karamdaman ni Edward.
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - La Templanza - Episode 5

    Marso 25, 2021
    51min
    13+
    Malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Luis sa mga tauhang nasa Cuba at nasa London. Nagpustahan sina Mauro at Gustavo kung saan nakasalalay ang kanilang hinaharap. Naisip ni Sol na tumakas kasama si Edward at pumuntang Jerez bago pa maipangalan ni Alan ang lahat ng mana sa kanya.
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - La Templanza - Episode 6

    Marso 25, 2021
    47min
    13+
    Dumating na sina Mauro at Santos sa Jerez para kunin ang napanalunang ari-arian. Dito na makikilala ni Mauro si Sol, na sa halip na bawiin ang pag-aari ng pamilya ay hihingi ng tulong kay Mauro.
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - La Templanza - Episode 7

    Marso 25, 2021
    47min
    13+
    Dahil sa pagdating ni Carola Gorostiza mula Havana, magkakaproblema sina Mauro at Sol, kaya mapipilitan silang isuplong siya nang hindi na ito makapanakit. Pero hindi lang si Carola ang banta sa dalawa. Manganganib ang buhay ni Soledad nang magpakita si Alan Claydon at pagbantaan siya upang makuha ang mana.
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - La Templanza - Episode 8

    Marso 25, 2021
    47min
    13+
    Pagkatapos iligtas si Sol mula sa kamay ni Alan, minadali na ni Mauro ang pagbebenta sa La Templanza. Samantala, upang maprotektahan si Edward, naisip niyang itago ito sa kumbento kung nasaan si Inés. Ngunit hindi inakala ni Sol ang panganib na may magbalik na dating pag-ibig.
    Sumali sa Prime
  9. S1 E9 - La Templanza - Episode 9

    Marso 25, 2021
    41min
    16+
    Dahil sa komprontasyon nina Mauro at ng kanyang anak, nagkaroon ng pagkakataon si Carola Gorostiza na bawiin ang sa tingin niya ay nararapat na kanya. Dahil hindi naman matanggap ni Soledad ang nabubuo nilang pag-iibigan ni Mauro, nagpasya siyang umalis na sa Jerez kasama ang kanyang asawa.
    Sumali sa Prime
  10. S1 E10 - La Templanza - Episode 10

    Marso 25, 2021
    50min
    16+
    Pagkatapos mapaslang si Santos Huesos, nalaman ni Alan Claydon kung nasaan si Edward. Ginawa niya ang pinakamatindi niyang plano at sinunog ang kumbento kung saan nananatili si Edward. Malalagay sa panganib ang buhay nina Sol at Mauro para iligtas siya. Magtagumpay kaya sila... o mauuwi ito sa pagbubuwis ng kanilang buhay?
    Sumali sa Prime