
Libreng trial ng Peacock Premium Plus o bilhin
Nalalapat ang mga tuntunin
22 (na) mga episode
1. Back to School

1. Back to School
Sa unang araw ng pagbabalik nila mula sa suspensyon, tinatagan nina Amy (America Ferrera) at Jonah (Ben Feldman) ang kanilang mga sarili para sa hugos ng biro at mga parunggit tungkol sa kanilang sex video, habang ginagawa ni Jeff (panauhing bituin na si Michael Bunin) ang lahat para makuhang muli si Mateo (Nico Santos).
22min
Okt 3, 2018
2. Baby Shower

2. Baby Shower
Tinutulungan ni Jonah (Ben Feldman) si Amy (America Ferrera) na maging malikhain sa pag-iimbak ng mga supply para sa kanyang bagong supling, habang sina Glenn (Mark McKinney) at Jerusha (Kerri Kenney) ay kumukuha ng mga larawan ng pagbubuntis na nagbigay-inspirasyon kay Dina (Lauren Ash) na magpagkuha ng sarili niyang mga larawan.
22min
Okt 10, 2018
3. Toxic Workplace

3. Toxic Workplace
Naging palaban sina Amy (America Ferrera) at Jonah (Ben Feldman) para itago sa kanilang mga katrabaho ang kanilang bagong relasyon.
22min
Okt 17, 2018
4. Costume Competition

4. Costume Competition
Nang inanunsyo ang isang kumpetisyon sa kasuotan ng empleyado, hindi nag-atubili sina Amy (America Ferrera) at Mateo (Nico Santos) na maglaro ng hindi parehas upang masungkit ang unang premyo - isang araw ng bayad na bakasyon.
22min
Okt 24, 2018
5. Delivery Day

5. Delivery Day
Sabay na manganganak sina Amy (America Ferrera) at Dina (Lauren Ash)! Ngunit habang ang katayuan ni Glenn (Mark McKinney) bilang manager ay nakatamo ng tila-reynang pag-aasikaso para kay Dina sa magarbong ospital, si Amy at Jonah (Ben Feldman) ay may malayong karanasan sa isang malapit (at mas mura) na klinika.
22min
Okt 31, 2018
6. Maternity Leave

6. Maternity Leave
Hinaharap ni Amy (America Ferrera) ang isang bangungot na araw sa trabaho nang malaman niyang wala siyang bakasyon sa pagbubuntis - pinasama pa ito ng kampanya nina Cheyenne (Nichole Bloom) at Mateo (Nico Santos) na baguhin ang pangalan ng kaniyang supling.
22min
Nob 7, 2018
7. New Initiative

7. New Initiative
Nang ang bagong inisyatiba ng Cloud 9 ay pumilit sa mga empleyado na maging mas mabait sa kanilang mga kostumer, nakilala ni Amy (America Ferrera) ang mga magulang ni Jonah (Ben Feldman) – at nalaman niyang hindi ito naging ganap na makatotohanan sa kanila.
22min
Nob 14, 2018
8. Managers' Conference

8. Managers' Conference
Dala nina Jonah (Ben Feldman) at Amy (America Ferrera) ang mga tiket ni Glenn (Mark McKinney) sa isang pagpupulong ng mga manager sa Chicago upang ma-enjoy nila ang isang libreng gabi sa bayan, ngunit ang kanilang plano ay nagkaroon ng ilang problema.
22min
Dis 5, 2018
9. Shadowing Glenn

9. Shadowing Glenn
Nabaliw si Amy (America Ferrera) dahil sa bago at grabeng sistema ng pagsasanay ni Glenn (Mark McKinney).
22min
Dis 12, 2018
10. Cloud 9 Academy

10. Cloud 9 Academy
Sina Amy (America Ferrera) at Cheyenne (Nichole Bloom) ay pumasok sa Cloud 9 Academy upang isulong ang kanilang mga karera.
22min
Mar 6, 2019
11. Steps Challenge

11. Steps Challenge
Ipinakilala ng Corporate ang isang mapagkaibigang hakbang sa pagsubaybay na hamon sa pagitan ng mga sangay ng Cloud 9, at si Amy (America Ferrera), Jonah (Ben Feldman), at Dina (Lauren Ash) ay lumikha ng isang huwad na tunggalian upang magbigay ng inspirasyon sa mga pinakatamad na empleyado ng Store #1217.
22min
Mar 13, 2019
12. Blizzard

12. Blizzard
Dahil sa isang malaking bagyo ng nyebe na bumabayo sa St. Louis at isang walang simpatiyang home office, hindi nakalabas ang mga empleyado ng Cloud 9, na nauwi sa papataas na tensyon at mga pagtatalo-talo.
22min
Mar 20, 2019
13. Lovebirds

13. Lovebirds
Nadiskaril ang unang Araw ng mga Puso nina Jonah (Ben Feldman) at Amy (America Ferrera) nang dinala ni Dina (Lauren Ash) ang kanyang mga ibon sa trabaho, na nagdudulot din ng problema para kay Garrett (Colton Dunn).
22min
Mar 27, 2019
14. Minor Crimes

14. Minor Crimes
Sinunggaban ni Amy (America Ferrera) ang isang nakamamanghang pagkakataon sa karera, para lang bumangga sa isang tagapamahala na may malaking sama ng loob sa kanya.
22min
Abr 3, 2019
15. Salary

15. Salary
Nasumpungan ni Amy (America Ferrera) ang sariling kasalungat ang kanyang mga katrabaho nang maligwak ang ilang numero ng sweldo, habang si Dina (Lauren Ash) ay nag-aalala na si Jonah (Ben Feldman) ay pumapagitan sa kanila ni Amy.
22min
Abr 10, 2019
16. Easter

16. Easter
Nagsususupetsang pinagtatawanan siya ng mga tao, tiniktikan nina Amy (America Ferrera) at Jonah (Ben Feldman) ang mga empleyado ng Cloud 9 sa security system, habang sinusubukan ni Dina (Lauren Ash) na tuntunin ang isang walang permisong Easter Bunny sa tindahan.
22min
Abr 17, 2019
17. Quinceañera

17. Quinceañera
Nakikipagbaka si Jonah (Ben Feldman) sa paghahanap ng lugar sa quinceañera ng anak ni Amy (America Ferrera) na si Emma, habang napatunayang popular si Dina (Lauren Ash) sa ilang binatilyo.
22min
Abr 24, 2019
18. Cloud Green

18. Cloud Green
Sa kabila ng mga protesta ni Dina (Lauren Ash), pinahintulutan ni Amy (America Ferrera) ang pastor ni Glenn (Mark McKinney) na mag-host ng isang booth ng Araw ng Daigdig sa tindahan, ngunit mabilis na gumulo ang sitwasyon nang hindi kilalanin ni Glenn ang kapangyarihan ni Amy.
22min
May 1, 2019
19. Scanners

19. Scanners
Pumayag si Dina (Lauren Ash) na pumapel bilang kontrabida nang pilitin ng corporate si Amy (America Ferrera) na bawasan ang oras ng lahat.
22min
May 8, 2019
20. #Cloud9Fail

20. #Cloud9Fail
Nang nag-viral ang isang larawan ng kalat sa tindahang 1217, sinubukan nina Amy (America Ferrera) at Jonah (Ben Feldman) na gamitin ito para sa kanilang bentahe, habang si Dina (Lauren Ash) ay nagsimulang tugisin ang hindi kilalang tweeter.
22min
May 8, 2019
21. Sandra's Fight

21. Sandra's Fight
Dinalaw nina Amy (America Ferrera) at Dina (Lauren Ash) ang corporate ng Cloud 9 para ayusin ang mga problemang nilikha ng wala sa lugar na aktibismo ni Sandra (panauhing bituin na si Kaliko Kauahi), habang sinasabotahe ni Jonah (Ben Feldman) ang pagpupulong ng mga empleyado at sinusubukang patunayan ni Garrett (Colton Dunn) sa mga katarabaho niya na mabuting tao siya.
22min
May 15, 2019
22. Employee Appreciation Day

22. Employee Appreciation Day
Sina Amy (America Ferrera) at Jonah (Ben Feldman) ay nasa magkasalungat na panig habang sinusubukan ng corporate na makuha ang loob ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagpapaulan sa kanila ng mga regalo.
22min
May 15, 2019
SUPERSTORE
IMDb 7.8/1020186 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Mga review
5.0 out of 5 stars
Isang global na rating
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.




























