
The Expanse
Nalalapat ang mga tuntunin
6 (na) mga episode
The Expanse - Season 6: Trailer
Nakikipaglaban si Holden at ang crew ng Rocinante kasama ng Combined Fleet ng Earth at Mars para pangalagaan ang mga Inner Planet mula kay Marco Inaros at sa kampanya ng kamatayan at pagkawasak ng Free Navy niya. Samantala, sa isang malayong planetang lagpas ng Rings, isang bagong kapangyarihan ang nagsisimula.
3min
Nob 16, 2021
1. Strange Dogs

1. Strange Dogs
Ang mga tensyon ng digmaan ay nagbabantang magwasak sa crew ng Rocinante nang may natuklasan sila sa isang asteroid. Sinusubukang isaayos nina Avasarala at Bobbie ang pagkawasak sa Earth sa patuloy na pagpapaulan ng mga bato ni Marco. Sa Belt, nahaharap si Drummer at ang pamilya niya sa isang mahirap na desisyon. Sa Ceres, naging mas personal ang mga problema nina Marco at Filip.
46min
Dis 9, 2021
2. Azure Dragon

2. Azure Dragon
Kasama ang isang ‘di inaasahang pahinante sa Rocinante, sinimulan ni Holden at ng crew niya ang isang mapanganib na misyong maaaring magpabago sa balanse ng kapangyarihan sa digmaan. Nagpasiya si Drummer na pumasok sa isang nakakaasiwang alyansa. Nababagabag si Filip dahil sa mga maling nagawa niya.
44min
Dis 16, 2021
3. Force Projection

3. Force Projection
Gamit ang Combined Fleet ng Earth at Mars, inatake ni Avasarala si Marco. Nasubukan ang pagsasamahan nina Filip at Marco. Naging mas mapanganib at personal ang digmaan para kina Holden at Naomi nang biglang napilitang makipaglaban ang Rocinante.
43min
Dis 23, 2021
4. Redoubt

4. Redoubt
Nagkaproblema si Holden sa crew niya nang lumantad ang isang kontrobersyal na desisyon. Sa Ceres, nahihirapan si Avasarala na maisaayos ang isang umiigting na problemang humanitarian. Nagsagawa ng mapapangahas na raid ang lumalaking grupo ni Drummer na may mga mapeligrong kapalit. Si Filip, na na-demote bilang taga-ayos ng mga skiff, ay may natuklasang ‘di inaasahan.
47min
Dis 30, 2021
5. Why We Fight

5. Why We Fight
Nagkita silang lahat sa Ceres nang dumating si Drummer at ang fleet niya para tumulong. Sinubukan ni Holden na kumbinsihin si Avasarala na ilabas ang mahalagang impormasyon na maaaring pumigil sa sakuna, pero may hiniling siya sa kanya. Habang nagpapahinga nang kaunti sina Amos at Bobbie sa istasyon, nagkaroon si Naomi ng isang mahirap at hinihintay-hintay na pakikipagkitang muli.
48min
Ene 6, 2022
6. Babylon's Ashes

6. Babylon's Ashes
Sa nakakapanabik na season finale, nakipaglaban ang mga Inner at Belter kasama ng crew ng Rocinante sa isang huli, malaki, at mapanganib na laban kay Marco at sa kanyang Free Navy, para sa kapalaran ng Solar System, ng Ring Gates, at para sa kapakanan ng buong sangkatauhan.
1 h 3 min
Ene 13, 2022
The Expanse
IMDb 8.5/1020216 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Iba pang format
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.
















