Takeshi's Castle Japan
prime

Takeshi's Castle Japan

Season 1
Nagbalik na ang makasaysayang programa na Takeshi's Castle matapos ang 34 taon! Ibinalik ang mga popular na laro at mas pinalaki, na may mga nakatatakot na pagsubok na lumilitaw. Inatasan ni Beat Takeshi si Bananaman para protektahan ito. Si Subaru Kimura ang lider ng umaatakeng hukbo. Nagtipon ang hukbo para pabagsakin ang Takeshi's Castle. Magsisimula na ang pinakadakilang labanan sa kasaysayan!
IMDb 6.720238 (na) mga episodeX-RayUHD13+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Episode 1

    Abril 20, 2023
    57min
    7+
    Nagsimula na ang laban ng hukbo ni Takeshi at ng umaatakeng hukbo! Ang umaatakeng hukbo ay binubuo ng mga tao na iba-iba ang edad kasama si Mr. SASUKE, mga YouTuber, mga estudyante sa unibersidad, mga doktor, at isang contestant na sumali noong junior high pa lang siya. Pero, ang mga umaatake ay naubos na dahil sa pinatinding pagsubok kaya dapat silang magtulungan para matalo ang Kastilyo ni Ueda!
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - Episode 2

    Abril 20, 2023
    1 h 1 min
    LAHAT
    Nagpapatuloy ang unang labanan. Nakaligtas ang hukbo sa banta ng pagkatalo, pero nagsimula na ang bago at nakakatakot na laro, Strong Arms. Nagbalik na rin ang Devil's House at Mushroom Pong, at sumali si Shinya Ueda sa huling laro? May manlalaro kayang makakatalo sa Kastilyo ni Ueda at mananalo ng isang milyong yen? Ano ang magiging kapalaran ni Mr. SASUKE, na determinadong manalo?
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - Episode 3

    Abril 20, 2023
    50min
    LAHAT
    Nagsimula na ang labanan sa Kastilyo ni Watanabe! Nanganganib ang hukbo nang madakip ang kapitan nila. Para iligtas sila, dumating si Hayato Tani. Ang hukbo ay binubuo ng Winter Olympian, Spartan racer, dating manlalaro ng pambabaeng soccer, at isang pro wrestler. May naghihintay na bagong laro na Block Block pati ang pinakakontrobersiyal na laro. Matatalo kaya ng hukbo ang Kastilyo ni Watanabe?
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - Episode 4

    Abril 20, 2023
    1 h 4 min
    7+
    Nagpapatuloy ang Labanan sa Kastilyo ni Watanabe. Nagbalik na ang popular na Strait of Gibraltar. Sa larong ito, dapat na tumawid ang mga manlalaro sa magalaw na tulay, habang umiiwas hukbo ni Takeshi, pero may bagong pagsubok na nagpahirap kahit sa malalakas. Mas pinatindi ang Bridge Over the Battlefield at Wall of Freedom. Kaya kaya ng malakas na hukbo na pabagsakin ang Kastilyo ni Watanabe?
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - Episode 5

    Abril 27, 2023
    51min
    LAHAT
    Nagsimula na ang laban sa ikatlong kastilyo. Natalo ang hukbo sa Kastilyo ni Ueda at Kastilyo ni Watanabe, pero nagbalik si Mr. SASUKE kasama ng estudyante niya at gustong maghiganti. Ang Boymen, na isang banda mula Nagoya, ay sumali rin. Pero kahaharapin ng mga umaatakeng puwersa ang napakahirap na mga pagsubok, tulad ng From Right to Left at Mushroom Pong World Cup. Makakabawi kaya sila?
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - Episode 6

    Abril 27, 2023
    1h
    13+
    Nagpatuloy ang Episode 6 sa Labanan sa Kastilyo ni Ennosuke. Ang Dragon God Pond ay nagbalik na. Bumalik din si Kyoko Hamaguchi sa Star Bowling kasama ng tatay niyang si Animal Hamaguchi! May pag-asa ang nahihirapang hukbo! Tatapusin niya ang mga pagsubok at magpapakitang-gilas habang nilalabanan ang malakas na Kastilyo ni Ennosuke!
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - Episode 7

    Abril 27, 2023
    57min
    7+
    Nagsimula na ang huling laban sa pagitan ng umaatakeng hukbo at ng hukbo ni Takeshi! Dumating na ang pinuno ng kastilyo na si Beat Takeshi. Nasa sukdulan na ang hirap ng mga pagsubok habang sinusubukan ng pinakamalakas na hukbo na pabagsakin ang kastilyo ni Takeshi. Isang komedyante ang nagtraidor sa hukbo at sumali sa umaatakeng hukbo, isang pambihirang pangyayari sa sukdulan ng kompetisyon.
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - Episode 8

    Abril 27, 2023
    1 h 8 min
    13+
    Oras na para sa huling labanan! Lumalakas ulit ang hukbo ni Beat Takeshi. Maraming kinaharap na pagsubok ang umaatakeng hukbo pero hindi sila sumusuko. Lalaban na sa mismong kastilyo ang mga nangunguna sa umaatakeng puwersa. Pero nagpatawag ang pinuno ng isang assassin para hadlangan sila. Makakamit kaya ng hukbo ang pangarap na matalo ang Takeshi's Castle, o susuko ulit sila?
    Sumali sa Prime