The Village
prime

The Village

Season 1
Sa may desyerto ng Tamil Nadu, ang isang napadpad na tagalungsod ay nanghingi ng tulong sa tatlong tao roon para hanapin ang pamilya niyang dinakip ng masasamang nilalang sa sinumpang bayan. Samantala, isang baliw na tagapagmana ng kompanya ng pharma ay nagpadala ng mga mersenaryo sa nasabing bayan para mabawi ang matagal nang nakalimutan. Makakalabas kaya sila rito nang buhay?
IMDb 5.420236 (na) mga episodeX-RayHDRUHD18+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Liko

    Nobyembre 23, 2023
    38min
    18+
    Ito ay 2005. Ang isang van na puno ng mga bumibiyahe mula sa Navamalai na papunta sa kalapit na bayan ay napilitang dumaan sa bayan ng Kattiyal. Nawala sa kagubatan ang van, at naiwang nagdurusa sina Shakthivel at Karunagam dahil sa pagkawala ng kanilang mga anak. Sa kasalukuyan, si Gautham at ang kanyang pamilya ay naglalakbay at dahil sa kanilang nilikuan ay nagbago ang buhay nila.
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - Misyon: Kattiyal

    Nobyembre 23, 2023
    40min
    16+
    Nang makabalik si Gautham kasama sina Shakthivel, Karunagam, at Peter na mga nag-aalinlangan, wala roon ang kaniyang kotse at ang kanyang pamilya at may bakas doon ng pagdakip kaya humantong sila sa nakakasindak na Kattiyal. Samantala, ang mga mersenaryo ni Prakash, na tagapagmana ng Exogenyx, ay nakarating na sa Kattiyal at pumunta sa kagubatan para sa kanilang misyon.
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - Sa Kailaliman

    Nobyembre 23, 2023
    37min
    16+
    Nasa kagubatan na ang mga mersenaryong pinangungunahan ni Farhan, at napagtanto niyang di ginagawa ni Jagan ang totoong plano ni Prakash. Inihayag ni Karunagam ang lihim at kalunos-lunos na kalagayan ng Kattiyal, ang panatiko at kabaliwan ng ama ni Shakthi na si Sairaj. Ang apat na kalalakihan ay nakipagsapalaran sa Kattiyal pero inatake sila ng parang mutant kung kaya't nahulog sila sa bangin.
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - Mga Kasalanan ng Ama

    Nobyembre 23, 2023
    51min
    18+
    Habang napagtatanto ni Gautham at ng mga kasama niyang nasa dating minahan sila ng Kattiyal, lalo silang lumalim at natagpuan ang bagong pugad ni Sairaj. Pumasok ang mga mersenaryo sa abandunadong pabrika at nakita nila ang papunta sa underground lab, kung saan nila nakaharap ang nakakatakot na altar na ginawa ng mga mutant.
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - Pagwawakas

    Nobyembre 23, 2023
    47min
    18+
    Samantala, ang grupo ni Gautham ay pahirapang nakatakas sa nakaaktakot na higanteng mutant na si Vettaiyan at nakita ang nakakatakot na papuri sa may kuweba para sa Inang Bathala kung kaya't nagalit si Shakthivel. Natagpuan nila ang pamilya ni Gautham at tumakas sa mga mutant.
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - Red Alert

    Nobyembre 23, 2023
    42min
    16+
    Dahil sa marami nang namatay, ang mga mersenaryo at ang grupo ni Gautham ay nagsama at nagplano sa pagtakas. Ngunit, ang pagsubok na nasa harap nila ay ang higanteng halimaw na si Vettaiyan at ang hukbo nito.
    Sumali sa Prime