Newtopia
prime

Newtopia

Season 1
Si Jae-yoon, sundalong late nag-enlist, at kasintahang si Young-joo, ay naghiwalay sa telepono dahil sa di pagkakaintindihan. Dumating ang zombie outbreak na yumanig sa mundo. Nagdeklara ng emergency, isang eroplano ang bumagsak sa lungsod, at si Jae-yoon at kanyang yunit ay na-trap sa tuktok ng skyscraper. Hinahanap siya ni Young-joo sa kalye ng zombies. Makaligtas kaya ang kanilang pagmamahal?
IMDb 6.620258 (na) mga episodeX-RayUHD18+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - EP01.

    Pebrero 6, 2025
    59min
    16+
    Habang si Young-joo ay nagsusumikap sa bagong trabaho, nagkaproblema ang relasyon nila ng kasintahang si Jae-yoon, na nasa anti-aircraft unit sa 77 A Tower, dahil sa mga reklamo nito. Nakipagbreak siya kay Jae-yoon, at tinanggap ito ni Jae-yoon sa isang emosyonal na voice message. Pagkarinig nito, agad nagtungo si Young-joo sa tower, ngunit sa daan, nakatagpo siya ng isang di inaasahang insidente.
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - EP02.

    Pebrero 6, 2025
    49min
    18+
    Pumunta sina Jae-yoon at In-ho sa Eden Hotel, na nasa ilalim ng air defense unit nila, para mag-ayos ng ilang bagay. Pagdating nila'y nakita nilang bumagsak ang eroplano sa gitna ng Seoul kaya nagkagulo na rin sa hotel. Samantala, nakaharap nina Young-joo at Jin-wook ang mga zombie at nakipagtulungan sila kay Tae-shik, na nagkataong dumadaan lang. Nagsimula silang magtulungan para makaligtas.
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - EP03.

    Pebrero 13, 2025
    51min
    16+
    Si Jae-yoon at In-ho, at sina Soo-jeong at Chef Jung mula sa Eden Hotel ay nakabalik sa air defense unit. Ngunit kahit ang base na inakala nilang ligtas ay nagsimula na ring kaharapin ang banta ng mga zombie. Samantala, nakita ni Young-joo ang mga text message na ipinadala ni Jae-yoon at nakumpirma niyang ligtas ito. Nagpasya siyang pumunta mag-isa sa Tower 77 A kung saan naroroon si Jae-yoon.
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - EP04.

    Pebrero 20, 2025
    53min
    16+
    Sa gitna ng zombie crisis, nagbalik-tanaw sina Jae-yoon at Young-joo sa kanilang masasayang nakaraan kaya lalo nilang na-miss ang isa't isa. Samantala, nagluluksa sina Jae-yoon at kanyang squad sa pagkawala ng mga kasama pero nakahinga sila nang maluwag sa balitang darating ang supply helicopter. Nakaharap ng grupo ni Young-joo si Tripeater, na nakagat ng zombie pero hindi pa naging isa sa kanila.
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - EP05.

    Pebrero 27, 2025
    49min
    18+
    Matapos bumagsak ang supply helicopter, napagtanto ni First Sergeant Jung Tae-hwa na imposibleng makaligtas sila sa kanilang kinaroroonan. Pinaplano niyang pangunahan ang kanyang platoon sa pagtakas mula sa A Tower na puno ng mga zombie. Samantala, nakarating na ang grupo ni Young-joo sa gate ng A Tower, ngunit sinalubong sila ng isang dambuhalang grupo ng mga zombie.
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - EP06.

    Marso 6, 2025
    52min
    18+
    Naiwang mag-isa si Young-joo sa Express Bus Terminal Station. Masuwerte na lang at napadpad siya sa metro staff office kung saan nakakuha ng mga gamit panlaban sa mga zombie. Samantala, narating ng grupo ni Jae-yoon ang Eden Hotel at nakasalubong doon si Arron Park na mag-isang nakaligtas. Bigla na lang umatake ang zombies kaya't nagkatulakan sila papunta sa magkakahiwalay na mga kuwarto ng hotel.
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - EP07.

    Marso 13, 2025
    50min
    18+
    Habang papunta si Young-joo sa Suseo Station, nakilala niya ang isang espesyal na tao na tumulong sa kanyang balikan ang magagandang alaala nila ni Jae-yoon. Patuloy siyang lumalaban sa mga zombie habang papalapit kay Jae-yoon. Samantala, nakarating sina Jae-yoon at ang grupo sa ika-35 palapag gamit ang ducts, ngunit kailangan nilang maghanap ng ibang paraan pababa sa unang palapag.
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - EP08.

    Marso 20, 2025
    56min
    18+
    Unang nakatakas si Jae-yoon mula sa A Tower at iniligtas ang iba gamit ang matalinong plano. Subalit kailangan nilang magpaalam muli. Samantala, nakatagpo si Young-joo ng mga taong mas brutal pa kaysa sa mga zombie. Sa kabila ng magkaibang laban, magtagumpay kaya sila at magkita muli? Puno ng takot, laban, at sakripisyo, may pag-asa pa kaya ang kanilang pagmamahalan sa gitna ng magulong apokalips?
    Sumali sa Prime