

True to Love
Sumali sa Prime
Nalalapat ang mga tuntunin
Mga Episode
S1 E1 - Maliit at Makinang
Abril 11, 20231 h 1 minNaniniwala si Bo-ra, kilala ring dating coach na si Deborah, na kailangan ng diskarte sa isang relasyon. Upang maging happy ending ang relasyon nila ng kasintahang si Ju-wan, madiskarteng pinlano ni Bo-ra na makakuha ng proposal kay Juwan. Ngunit, nasira ni Su-hyeok, na determinado ring mag-propose sa kanyang nobyang si Yu-ri, ang plano niya.Sumali sa PrimeS1 E2 - Malungkot na Pagtatapos
Abril 12, 20231 h 5 minKasalanan mo'ng lahat ito, Deborah! Sinisisi ni Su-hyeok si Deborah sa paghihiwalay nila ni Yu-ri, at nagkaroon sila ng komprontasyon sa unang meeting nilang magkasama sa trabaho. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay may hindi inaasahang hahantungan.Sumali sa PrimeS1 E3 - Ang Pagtatapos ng isang Pangit na Relasyon
Abril 18, 20231 h 8 minItinatanggi pa rin ni Bo-ra na niloloko siya ni Ju-wan, kahit na siya mismo ang nakasaksi nito. Binibigyang-katwiran niya ang pag-uugali ni Ju-wan at umaasang aayusin nito ang sitwasyon. Ngunit hindi umayon sa plano ang mga bagay-bagay. Naulinigan ni Bo-ra ang katotohanang itinatago ni Ju-wan at ang lahat ng ito ay humantong sa isang masalimuot na pangyayari.Sumali sa PrimeS1 E4 - Mas Baliw Sa Joker
Abril 19, 20231 h 5 minBago mapagtagumpayan ang kanyang pakikipaghiwalay, itinago ni Bo-ra ang sakit sa likod ng mga ngiti at dumalo sa isang party para sa mga single. Sa isang mahalagang sandali, inimbitahan sa entablado ang lasing na si Bo-ra, at habang hawak ang mikropono, nabaliw siya. Dahil alam ang sakit sa likod ng kanyang ngiti, ang taong handang pumuta sa entablado para iligtas siya ay si Su-hyeok.Sumali sa PrimeS1 E5 - 'Walang Lunas Ang Sipon
Abril 25, 20231 h 4 minNang inakala ni Bo-ra na nakalimutan na ng lahat ang nangyari sa kanya, inilabas ang kanyang column at muli siyang napahiya. Lalong lumala ang mga pangyayari nang makita niya si Ju-wan, at sa lahat ng tao, si Su-hyeok pa ang nakasaksi sa isa pang nakakahiyang sandali. Hindi inaasahang inaliw siya ni Su-hyeok at nag-ipon ng lakas ng loob si Bo-ra sa huling pagkakataon.Sumali sa PrimeS1 E6 - Kakayanin Ko Itong Masarap na Simoy ng Hangin
Abril 26, 20231 h 4 minSa wakas ay nagpasya si Bo-ra na ayusin ang kanyang sarili, na malaya mula kay Ju-wan para sa ikabubuti niya. Habang nagbabahagi ng magandang balita, nagpaalam na rin si Bo-ra kay Su-hyeok. Nang naisip ni Su-hyeok na hindi na niya siya makikita, muling nagparamdam si Bo-ra sa kanya.Sumali sa PrimeS1 E7 - Tara?
Mayo 2, 20231 h 5 minMatapos i-finalize ni Bo-ra ang kanyang kontrata sa dating book, sumama siya sa hapunan kasama ang mga staff ng publishing company. Akala ni Su-hyeok nakita na niya ang lahat ng nakakahiyang mga sandaling nangyari kay Bo-ra... Ngunit, heto na naman siya.Sumali sa PrimeS1 E8 - Isulat Muli ang Wakas ng Istoryang Ito
Mayo 3, 20231 h 8 minInimbitahan si Su-hyeok sa housewarming party ni Bo-ra. Habang sinisimulan nilang dalawa ang isang plano upang makuhang muli ang puso ni Ju-wan, nagiging mas malapit sila sa isa't isa. At ang biglaang katahimikan nila ay humantong sa isang hindi inaasahang pangyayari.Sumali sa PrimeS1 E9 - Mga Sinasabi Natin Tapos ng Halik
Mayo 9, 20231 h 3 minPagkatapos ng isang di inaasahang halik, parehong naguluhan sina Bo-ra at Su-hyeok. Sinang-ayunan nilang simpleng pagkakamali ito at nagpasya na kalimutan ang tungkol dito. Gayunpaman, ang dismayadong si Borah ay nagkamali muli, at hindi na ito pinalampas ni Su-hyeok sa pagkakataong ito. Bago iwaksi ang hindi pagkakaunawaan, nagkita sila sa hindi inaasahang lugar.Sumali sa PrimeS1 E10 - Poporma Na Sana si Catfish, Kumilos si Sardinas
Mayo 10, 20231 h 10 minAng lihim na party ng mga babae ay naging party ng mga magsing-irog. Ibinalik nina Bo-ra at Su-hyeok ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa isa't isa bilang Mulder/Scully at DiCaprio/Kate Winslet. Sa gabi, nakatanggap si Bo-ra ng nakakagulat na mensahe. Kung poporma si Catfish, kikilos ba si Sardinas?Sumali sa PrimeS1 E11 - Di Na Mahintay ang Taglamig
Mayo 16, 20231 h 8 minIkinatakot ni Su-hyeok ang pagdating ng matapang na catfish na si Yu-ri. Sinubukan ni Bo-ra na pigilan si Su-hyeok nang sasama ito kay Yu-ri. Pinipintasan ni Bo-ra si Yu-ri dahil sa paghahabol sa dating nobyo, ngunit agad napagtantong wala siyang karapatang gawin iyon kay Yu-ri. Sa wakas, nagpasya si Bo-ra na harapin ang kanyang pagpapanggap na relasyon kay Ju-wan.Sumali sa PrimeS1 E12 - Parang Eksena sa Drama
Mayo 17, 20231 h 13 minNaging maingat sa isa't isa sina Bo-ra at Su-hyeok sa una nilang kapana-panabik na date, habang lalong nalilito si Bo-ra tungkol sa kanyang relasyon kay Su-hyeok. Sinamahan ni Bo-ra si Su-hyeok sa kasal ni Yu-ri bilang kanyang nobya, at naalala niya ang isang alaala sa seremonya. Dahil sa alaalang ito, inaasahan ni Bo-ra na mangyayari din ito sa kanya.Sumali sa PrimeS1 E13 - Tungkol Ito Sa Tiyempo, Lakasan Muna ang Loob
Mayo 23, 20231 h 12 minSa suporta ni Su-hyeok, bumalik si Bo-ra sa radyo. Ipinahayag niya ang kanyang damdamin kay Su-hyeok sa radyo, at nagmamadaling pumunta si Su-hyeok kay Bo-ra upang ipakita rin ang nararamdaman niya para sa kanya. Ngunit nakita ni Su-hyeok si Ju-wan na naunang dumating sa kanya. Dahil sa maling tiyempo, hindi nila naiintindihan ang isa't isa.Sumali sa PrimeS1 E14 - True to Love
Mayo 24, 20231 h 19 minAng pakikipag-date sa isang katrabaho ay napakasama. Sumabog sa galit sina Bo-ra at Su-hyeok habang nasa pagpupulong, at hindi matagumpay ang paglalathala ng dating book ni Borah. Sa gabi, galit na galit si Bo-ra nang tawagan siya ni Su-hyeok at napagtanto niyang oras na para tapusin na ang kwento nila.Sumali sa Prime