

DOM
Sumali sa Prime
Nalalapat ang mga tuntunin
Mga Episode
S1 E1 - WALANG NAGSABI KUNG PAANO MAGING MAGULANG
Hunyo 3, 20211 h 1 minNoong 1999 sa Rio de Janeiro, nalulong ang anak ng pulis sa drogang buong buhay niyang nilalabanan. Sinubukang iligtas ni Victor si Pedro pero nasa magkaibang panig sila ng tunggalian. Dahil doon, naglamat ang kanilang relasyon.Sumali sa PrimeS1 E2 - PAGBABAGONG-ANYO
Hunyo 3, 20211 h 2 minDahil walang pera at hindi maiwan ni Pedro ang paggamit, nakilala niya si Jasmin at sumama sa grupo nilang mga magnanakaw. Minanmanan ni Victor ang anak. Noong 1970, unang sumabak ang batang Victor sa pagsupo ng droga.Sumali sa PrimeS1 E3 - TADHANA
Hunyo 3, 202154minDahil sa pagtindi ng alitan nilang mag-ama at sa napurnadang pagnanakaw, naisip ni Pedro na tumigil na, pero nauwi rin sa mas malaking plano ng krimen. Noong 1970, naging espiya si Victor sa lungga ng pinakasikat na drug lord sa Rio de Janeiro.Sumali sa PrimeS1 E4 - SINO ANG MAY SALA?
Hunyo 3, 202153minNapuno na si Pedro sa mga kapalpakan ni Lico. Noong 1995, nagsimula silang gumamit. Magkasama sila sa mga pagnanakaw para magkapera. Noong 1970, napilitang gumamit ng droga ang batang Victor. Nagsimula siyang magkaroon ng pagdududa at naisip na umayaw na sa misyon.Sumali sa PrimeS1 E5 - PAGHIHINGALO
Hunyo 3, 202151minNapa-rehab si Pedro noong 15-anyos siya. Ngayon, dahil sa pagkawala ng kaibigan, lalo siyang dumepende sa droga kaya nag-aalala ang mga kaibigan niya. Noong 1970, sumabak ang batang Victor sa isa na namang mapanganib na pagdadala ng droga sa drug lord na si Ribeiro.Sumali sa PrimeS1 E6 - MAGKAKAMPI?
Hunyo 3, 202154minSinugod sa malayong ospital si Pedro nang ma-OD. Noong 1999, pinalabas na siya sa detensyon sa edad na 18. Lalo silang naglamat ng kanyang ama. Noong 1970, napalapit ang batang Victor kay Ribeiro at nalaman nang husto ang tungkol sa operasyon sa Favela.Sumali sa PrimeS1 E7 - KULONG
Hunyo 3, 20211 h 1 minMalinis at tahimik na ulit si Pedro ilang buwan pagkalabas ng rehab nang madawit ulit sa droga at krimen. Pinaghahahanap siya ng mga pulis. Noong 1978, sinamahan ni Victor ang mga awtoridad sa pag-raid sa operasyon at doon, nakita niya ang dating kakilala. Dismayado, sumama siya sa isang unit na nangakong susugpuin ang droga sa Rio de Janeiro.Sumali sa PrimeS1 E8 - PAHINGA
Hunyo 3, 20211 h 3 minDinukot si Pedro matapos pumalya sa pagnanakaw at masawi ang isang kasama, kaya namroblema ang ina at kapatid niya. Nagkaroon sila ng plano para mailigtas si Pedro habang hinahanap naman ni Victor ang mga dumukot sa anak para maghiganti.Sumali sa Prime