

Libreng trial ng HBO Max o bilhin
Nalalapat ang mga tuntunin
3X na nominado sa PRIMETIME EMMYS® sa 2019
24 (na) mga episode
1. The Locomotion Interruption

1. The Locomotion Interruption
Sa premiere ng pangwalong season, hindi inaasahan ang pagbiyahe nina Leonard at Amy papunta sa Arizona para sunduin si Sheldon. Samantala, nag-apply si Penny para sa isang trabaho sa kumpanya ni Bernadette.
21min
Set 21, 2014
2. The Junior Professor Solution

2. The Junior Professor Solution
Nang mapilitan si Sheldon na magturo sa isang klase, nagulat ang lahat nang pasukan ito ni Howard. Samantala, nagbigay naman ng pagkakataon kay Amy ang tensyon sa pagitan nina Penny at Bernadette para siya ang lapitan ng dalawa. Nagbabalik ang guest star na si REGINA KING bilang Mrs. Davis, ang Director of Employee Relations ng Unibersidad.
20min
Set 21, 2014
3. The First Pitch Insufficiency

3. The First Pitch Insufficiency
Kinabahan si Howard nang hiniling sa kanya ng NASA na siya ang maghagis ng unang pitch sa isang laro sa Los Angeles Angels para sa National Space Day. Sinubukan ding patunayan nina Leonard at Penny na mali si Sheldon sa sinabi nito na sila ni Amy ang superior couple.
20min
Set 28, 2014
4. The Hook-Up Reverberation

4. The Hook-Up Reverberation
Dahil sa pag-amin ni Raj tungkol sa nakaraan niya, hindi pinapansin ng girlfriend niyang si Emily (nagbabalik na guest star na si LAURA SPENCER) si Penny. Samantala, pinag-isipan ng magkakaibigan na maging part-owner sa comic-book store ni Stuart.
19min
Okt 5, 2014
5. The Focus Attenuation

5. The Focus Attenuation
Sinabihan nina Amy at Bernadette na "buzzkill" si Penny matapos itong makatanggap ng email mula sa trabaho sa kanilang weekend sa Vegas. Samantala, sinubukan ng mga lalaki na mag-imbento ng isang cool na bagay, pero mga bagong paraan ng pagbinbin ng gawain lang ang naisip nila.
20min
Okt 12, 2014
6. The Expedition Approximation

6. The Expedition Approximation
Sinubukan nina Sheldon at Raj kung makakaligtas sila sa isang dark-matter research expedition sa minahan ng asin sa pamamagitan ng paggaya ng mga kundisyon sa isang steam tunnel sa ilalim ng lupa. Samantala, humingi ng payo sina Leonard at Penny kina Wolowitz at Bernadette pagkatapos nilang mag-away tungkol sa pera.
22min
Okt 19, 2014
7. The Misinterpretation Agitation

7. The Misinterpretation Agitation
Sinubukang tulungan ng magkakaibigan si Penny sa isang alanganing sitwasyon sa trabaho, nang bisitahin siya ng isang doktor na nagkagusto sa kanya matapos maging epektibo ang mapang-akit niyang paraan ng pagbebenta. Samantala, nagtalo sina Amy at Bernadette kung dapat bang gamitin ng mga babaeng scientist ang kanilang sekswalidad.
20min
Okt 29, 2014
8. The Prom Equivalency

8. The Prom Equivalency
Nang sinariwang muli ng magkakaibigan ang high-school prom night sa tuktok ng apartment building nila, napilitan si Sheldon na makisali sa lahat ng karaniwang romantikong ginagawa rito.
20min
Nob 5, 2014
9. The Septum Deviation

9. The Septum Deviation
Nagkaroon ng maliit na operasyon sa ilong si Leonard, pero si Sheldon ang nangailangan ng simpatiya. Samantala, napipintong magdiborsyo ang mga magulang ni Raj, at nagtulak ito kina Howard at Bernadette na ayusin ang kanilang buhay bilang mag-asawa.
20min
Nob 12, 2014
10. The Champagne Reflection

10. The Champagne Reflection
Habang malungkot na namamaalam si Sheldon sa panghuling installment ng "Fun with Flags," naghanap sina Leonard, Howard at Raj ng kapaki-pakinabang na bagay sa pananaliksik ng isang pumanaw nang propesor. At nagulat si Bernadette nang malaman niya mula kay Penny ang totoong saloobin ng mga katrabaho niya.
20min
Nob 19, 2014
11. The Clean Room Infiltration

11. The Clean Room Infiltration
Humingi ng tulong sina Leonard at Howard kay Raj para sa isang emergency sa trabaho nang muntik na silang mag-away matapos sisihin ang isa't isa sa posibleng pinsala sa unibersidad. Naghanda naman ng tunay na Victorian Christmas party si Amy, habang nag-iisip naman si Sheldon ng ganti sa kanya dahil sa pagpilit niya ritong magdiwang sa holiday.
20min
Dis 10, 2014
12. The Space Probe Disintegration

12. The Space Probe Disintegration
Nang magkasundo sa wakas ang magkakaibigan na gumawa ng bagay na magugustuhan ng mga babae, nagresulta ito sa komprontasyon sa pagitan nina Leonard at Sheldon.
20min
Ene 7, 2015
13. The Anxiety Optimization

13. The Anxiety Optimization
Sa pag-asang magkaroon ng breakthrough sa science, hinikayat ni Sheldon ang mga kaibigan niya na pahirapan siya at gawin siyang miserable. Samantala, may inimbento si Wolowitz na nakakahiyang laro tungkol kay Raj.
21min
Ene 28, 2015
14. The Troll Manifestation

14. The Troll Manifestation
Pagkatapos na magkasamang mag-publish ng physics paper sina Leonard at Sheldon, kailangan nila ngayong depensahan ang sarili laban sa pamumuna ng isang online bully. Pinag-usapan naman nina Penny, Amy at Bernadette sa girls' night ang mga nakakahiyang pangyayari sa nakaraan nila.
21min
Peb 4, 2015
15. The Comic Book Store Regeneration

15. The Comic Book Store Regeneration
Nakatanggap ng nakakagulat na balita si Howard habang naghahanda ang lahat para sa muling pagbubukas ng comic book store ni Stuart. Tinuturuan ni Penny si Sheldon na kalimutan na ang galit niya pero hindi niya nasunod ang sariling payo nang malaman ang nakakainis na ginawa ni Amy. Sa palagay din nina Leonard at Raj ay nakita nila si Nathan Fillion sa isang restaurant.
22min
Peb 18, 2015
16. The Intimacy Acceleration

16. The Intimacy Acceleration
Nang malaman ng magkakaibigan ang tungkol sa eksperimento na ginawa para mahulog sa isa't isa ang mga kalahok, sinubukan ito nina Sheldon at Penny bilang katuwaan. Samantala, tinatangka naman nina Leonard, Amy, Raj at Emily nang gabing iyon na makatakas sa isang silid na may "zombie." At nagkaaberya sina Bernadette at Howard sa airport pagkabalik nila mula sa libing ni Mrs. Wolowitz.
20min
Peb 25, 2015
17. The Colonization Application

17. The Colonization Application
Nauwi sa pag-aaway ang pagpunta nila sa pet store nang malaman ni Amy na nag-apply si Sheldon para sa isang one-way na misyon para sakupin ang Mars. Sinorpresa rin ni Leonard si Penny ng isang "pilyong" bagay na binili nito; at nahuli si Raj na sumisilip sa apartment ni Emily.
20min
Mar 4, 2015
18. The Leftover Thermalization

18. The Leftover Thermalization
Nagkaroon ng pag-aaway nang hindi nabanggit ng isang magazine si Leonard sa isang artikulo tungkol sa paper na magkasama nilang isinulat ni Sheldon. At dahil sa blackout na nangyari sa bahay ni Mrs. Wolowitz, nagsagawa ng panghuling family dinner para sa kanya.
20min
Mar 11, 2015
19. The Skywalker Incursion

19. The Skywalker Incursion
Nang inimbitahan sina Leonard at Sheldon na magsalita sa UC Berkeley, nag-iba sila ng dinaanan para makasilip sa Skywalker Ranch ni George Lucas at makilala nila ang isa sa mga idolo nila. Sa Pasadena, pinag-aawayan nina Howard at Bernadette ang gagawin sa Dr. Who TARDIS niya, habang nagmungkahi naman sina Raj at Amy ng larong ping pong para maayos ang gulo.
22min
Abr 1, 2015
20. The Fortification Implementation

20. The Fortification Implementation
May mahalagang bagay na pinagpasyahan sina Sheldon at Amy sa kanilang relasyon nang gumawa sila ng blanket fort. At nagulat si Wolowitz nang kumatok sa pinto niya ang isang lalaki na kapatid niya raw sa ama na hindi niya nakilala. At nang maimbitahan si Penny na lumabas sa podcast ni Wil Wheaton, nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ni Leonard habang on-air sila.
20min
Abr 8, 2015
21. The Communication Deterioration

21. The Communication Deterioration
Nang pinagawa ng mensahe si Raj kung sakaling may madiskubreng alien sa misyon ng NASA, nagtalo ang magkakaibigan sa kung ano ang dapat niyang gawin. Samantala, hindi naman makapili si Penny sa pagitan ng pag-audition para sa isang pelikula o pananatili sa maganda niyang trabaho sa pharmaceutical sales.
19min
Abr 15, 2015
22. The Graduation Transmission

22. The Graduation Transmission
Nakuwestyon ni Wolowitz ang mga abilidad niya sa engineering nang hindi nila mapalipad ni Sheldon ang isang drone. Samantala, muntik nang hindi makapagbigay ng commencement address sa dating niyang high school si Leonard dahil sa nakanselang flight. At pinag-away ni Raj ang mga magulang niya nang inalis ng ama niya ang pinansyal na suporta sa kanya.
19min
Abr 22, 2015
23. The Maternal Combustion

23. The Maternal Combustion
Dahil sa magkaibang personalidad, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mga ina nina Sheldon at Leonard (mga espesyal na guest star na sina LAURIE METCALF at CHRISTINE BARANSKI) nang magkakilala na sila sa wakas. Samantala, nagpasya si Howard na "magpakalalaki" at tumulong sa gawaing-bahay -- nang may kaunting tulong mula sa kanyang mga kaibigan.
19min
Abr 29, 2015
24. The Commitment Determination

24. The Commitment Determination
Sa finale ng pangwalong season, pinipilit ni Sheldon sina Leonard at Penny na pumili na ng petsa para sa kasal nila, habang may dramatikong pagbabago naman sa sarili niyang relasyon kay Amy.
20min
May 6, 2015
The Big Bang Theory
IMDb 8.1/10200620min12 (na) season
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.




























