Fit Check: Confessions of an Ukay Queen
prime

Fit Check: Confessions of an Ukay Queen

Season 1
Pangarap ni Melanie na magtagumpay sa mundo ng fashion dala ng kanyang karanasan sa ukay-ukay at ng masakit na pag-abandona sa kanya ng sarili niyang ina. Mabibigyan siya ng oportunidad ni Chris, ang fashion executive ng isang papalubog na kompanya. Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok, hindi basta-basta susuko si Melanie upang patunayang mayroon siyang halaga at karapat-dapat siya sa pagmamahal.
IMDb 5.220238 (na) mga episodeX-RayUHD16+
Sumali sa Prime

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S1 E1 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP1

    Hulyo 5, 2023
    35min
    13+
    Pangarap ni Melanie na maging kilalang fashion designer, ngunit kinailangan niyang mag-umpisang muli mula sa wala nang masunog ang kanyang tindahan ng ukay-ukay. Isang bagong tatak ng damit, ang SFX, ang magbubukas ng bagong pinto para kay Melanie. Sa kabila ng isang pagsubok, mabibigyan siya ng general manager nito na si Chris ng pagkakataong ipakita ang kanyang mga likha sa mga puno ng kompanya.
    Sumali sa Prime
  2. S1 E2 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP2

    Hulyo 5, 2023
    41min
    13+
    Tuwang-tuwa si Melanie nang purihin ni Georgina ang kanyang mga disenyo. Ang hindi niya alam, balak ni Georgina na gamitin siya upang mapabagsak ang SFX. Patuloy na kukunin ni Georgina ang tiwala ni Melanie sa gitna ng di-pagkakaunawaan ng baguhang designer at ng kanyang mga kasamahan. Samantala, isang taong malapit kay Melanie ang magpapaalala kay Georgina ng kanyang madilim na nakaraan.
    Sumali sa Prime
  3. S1 E3 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP3

    Hulyo 5, 2023
    36min
    13+
    Dahil sa galing at talento ni Melanie, matagumpay na makakabingwit si Chris ng foreign investor para sa SFX. Ikatutuwa ito ng ama ni Chris, ngunit banta namang ituturing ng kanyang kapatid na si Steve. Sa labis na selos, pahihiyain ni Stella, ang dating kasintahan ni Chris, si Melanie sa harap ng maraming tao. Samantala, muling gagambalain si Georgina ng kanyang madilim na nakaraan.
    Sumali sa Prime
  4. S1 E4 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP4

    Hulyo 5, 2023
    36min
    13+
    Gagawin ni Chris ang lahat para mabawi ang tiwala ni Melanie. Dahil pareho nilang naramdaman kung paano pagdamutan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang, lalong mapapalapit ang kanilang loob sa isa't isa. Samantala, patatawarin ni Melanie si Stella nang lumapit ito sa kanya at magpakumbaba. Ang hindi alam ni Melanie, magkakuntsaba sina Stella at Georgina para mapabagsak siya at mapaalis sa SFX.
    Sumali sa Prime
  5. S1 E5 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP5

    Hulyo 5, 2023
    32min
    13+
    Matapang na ipaglalaban ni Chris si Melanie sa kanyang pamilya sa paniniwalang inosente ang kanyang kasintahan. Samantala, muling itataguyod ni Melanie ang kanyang tindahan ng ukay-ukay. Gagamitin nina Georgina at Stella ang Manila Gala upang mabawi ang reputasyon ng kanilang kompanya. Hindi nila inaasahang gagawa si Melanie ng hakbang upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang suliranin.
    Sumali sa Prime
  6. S1 E6 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP6

    Hulyo 5, 2023
    33min
    13+
    Isang komprontasyon sa pagitan nina Melanie at Georgina ang magiging dahilan upang makunan ang huli na tatlong buwan na palang buntis. Dahil dito ay magpapasya si Steve na kasuhan si Melanie. Ipagtatanggol ni Chris ang kanyang kasintahan ngunit paglaon ay makikipaghiwalay siya rito. Habang patuloy na bumibigat ang kanyang sitwasyon, makakatanggap si Melanie ng isang magandang balita.
    Sumali sa Prime
  7. S1 E7 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP7

    Hulyo 5, 2023
    32min
    16+
    Bibigyan ni Melanie si Georgina ng pagkakataong humingi ng tawad, ngunit wala ni katiting na pagsisisi ang huli. Dahil dito, mababalot ng pighati ang dapat sana'y maligayang kasal nina Georgina at Steve nang ilantad ni Melanie ang lihim ni Georgina. Sa kabila ng pagkakaayos nila ni Chris at ng alok na bumalik siya sa SFX, unti-unting lalamunin si Melanie ng kanyang galit sa kanyang ina.
    Sumali sa Prime
  8. S1 E8 - Fit Check: Confessions of an Ukay Queen EP8

    Hulyo 5, 2023
    38min
    13+
    Makakapagtayo si Melanie ng isang sikat na wedding clothing line, ngunit mapapabayaan niya ang kanyang relasyon sa mga taong nagmamahal sa kanya. Patuloy na ipagtatabuyan ni Melanie si Georgina, dahilan upang kumprontahin ni Dulce ang kanyang apo na nilalamon na ng galit. Mauuwi ito sa isang masakit na insidente na siyang magdudulot kay Melanie upang buksan ang kanyang puso at magpatawad.
    Sumali sa Prime