

Daisy Jones and The Six
3X na nominado sa GOLDEN GLOBES®
Sumali sa Prime
Nalalapat ang mga tuntunin
Mga Episode
S1 E1 - Track 1: Come and Get It
Marso 2, 202348minSi Daisy Jones ay malungkot na dalagang sumaya sa Sunset Strip. Sa labas ng Pennsylvania, sina Billy Dunne, kapatid niyang si Graham at mga kaibigan niya'ng sina Eddie at Warren ay gumawa ng banda, desperadong takasan ang lugar nila. Nang nagkakilala sina Billy at Daisy, nagsanib-puwersa ang talento ni Daisy at ang ambisyon ni Billy para baguhin ang buhay nila, para sa ikabubuti at ikasasama.Sumali sa PrimeS1 E2 - Track 2: I’ll Take You There
Marso 2, 202351minPinasok ni Daisy ang mundo ng musika sa LA - sa tulong ng kaibigan niya, si Simone, at ang mala-alamat na producer, si Teddy Price. Sa LA, kasama ang keybordistang si Karen Sirko, sinubok ang Dunne Brothers. Matapos ang 'di inaasahang pagkikita nila kay Teddy, nagbigay yon ng pag-asa, pero nalungkot ang banda nung malamang baka madaig ng kahinaan ni Billy ang kanyang potensyal.Sumali sa PrimeS1 E3 - Track 3: Someone Saved My Life Tonight
Marso 2, 202349minIsang bago at malinis na Billy ang nagsusubok balansehin ang artistic calling at responsibilidad niya sa pamilya. Ang iba'y inaayos ang sitwasyong dulot ng magulong tour. Samantala, natuklasan ni Daisy na mahirap magsulat ng musika kung merong mga umaasa. Nung nagsulat si Billy ng bagong kanta, naisip ni Teddy pagsamahin ang dalawang manunulat, na magiging sagot sa mga problema nila.Sumali sa PrimeS1 E4 - Track 4: I Saw The Light
Marso 9, 202351minNakaranas ng saya ang The Six dahil sa kolaborasyon nila at ni Daisy ay naging matagumpay. Sa halip na mawala ang alitan sa dalawang manunulat, lalo itong lumala -- hanggang sa inayos yon ni Camila. Samantala, naguguluhan si Graham kung magpapahayag ba siya ng nararamdaman kay Karen sa Canyon, kahit alam niya na sa isang konting pagkakamamali manganganib ang banda.Sumali sa PrimeS1 E5 - Track 5: Fire
Marso 9, 202349minMula sa kanilang tagumpay, naghanda ang Daisy Jones & the Six para mag-record ng unang album. Ganunpaman, nang napatunayan nina Billy at Daisy na ayaw nilang magtulungan sa bawat kanta nila, wala silang magawa kundi subukang magkasamang sumulat. Matinding hamon ito, higit pa sa inaasahan nila. Napansin ni Karen ang ibang mukha ni Graham nung nagpunta sila sa dagat.Sumali sa PrimeS1 E6 - Track 6: Whatever Gets You Thru The Night
Marso 9, 202349minNagrecord ang banda ng kanilang orihinal na album na "Aurora", ang pagbuo n'on ang laging magulo pero naging matagumpay na pagtutulungan ito sa pagitan nila Billy at Daisy. Habang lumalago ang relasyon nila sa trabaho, nagbabanta namang sumabog ang personal na relasyon nila, dahilan para magdesisyon si Daisy ng pabigla-bigla. Samantala, meron ding sikretong tinatago si Camila.Sumali sa PrimeS1 E7 - Track 7: She's Gone
Marso 16, 202347minHabang lumalalim ang relasyon niya kay Bernie, nahihirapan si Simone alamin kung ano talaga ang pagkatao niya habang hinahanap niya ang boses niya sa nagsisimulang disco sa New York City. Isang telegrama mula kay Daisy na nagsasabing nasa panganib siya at iniwan ni Simone ang lahat para tulungan siya. Hindi niya inaasahan ang nalaman niya.Sumali sa PrimeS1 E8 - Track 8: Looks Like We Made It
Marso 16, 202346minMagsisimula na ang tour ng Aurora, ang banda - ngayon kasama na ulit si Daisy Jones - dapat makayanan nila ang mabilis nilang pagsikat. Dahil sa sobrang tindi ng tensiyon na namamagitan kina Billy at Daisy, mas lalong tumindi ang galit ni Billy habang ang masamang kinagawian ni Daisyay naging trahedya. Samantala, nabunyag naman ang sikreto nila Karen at Graham.Sumali sa PrimeS1 E9 - Track 9: Feels Like the First Time
Marso 23, 202348minSa sobrang bagsak ng nararamdaman, nahirapan si Daisy kumanta sa SNL, naghahanap ng suporta sa taong inaasahan niya. Matapos ang matagumpay na pagbabalik nila sa Pittsburgh, sinalubong ang banda. Pagkakagalit ng mga miyembro, nakaapekto sa pagtatanghal nila, nagbanta sa hinaharap nila. Samantala, nagkaro'n ng problema ang pagmamahalan nina Graham at Karen dahil sa mahirap na desisyon ni Karen.Sumali sa PrimeS1 E10 - Track 10: Rock ‘n’ Roll Suicide
Marso 23, 20231 h 6 minAno kaya ang magiging resulta ng huli nilang pagganap, nagtanghal ang Daisy Jones & the Six sa hindi mahulugang karayom na manonood sa Soldier Field sa Chicago, Illinois. Ito ang kuwento ng mahalagang araw na yon -- at kung paano nabag ang buhay nila habangbuhay bilang resulta.Sumali sa Prime