The Grand Tour
freevee

The Grand Tour

Nagbabalik sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May sa paglibot ng mundo gamit ang iba't ibang sasakyan, mga klasikong Italian, hatchback, luury bargain, pick-up, mga potograpiya, mga grand tourer, mga naimamanehong hand luggage, mga sasakyan ng mga astronaut at iba pa. Sakto sa panlasa ng lahat (ng mahilig sa matatandang lalaking kung anu-ano ang naiisip na may kinalaman sa kotse).
IMDb 8.7201914 (na) mga episodeX-RayHDRUHDTV-14
Panoorin nang libre

Nalalapat ang mga tuntunin

Mga Episode

  1. S3 E1 - Motown Funk

    Panoorin sa mga suportadong device
    Enero 17, 2019
    1 h 9 min
    TV-14
    Sa unang episode ng bagong season, nagbigay-pugay sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May sa Detroit at nagmaneho ng malulupit na kotse sa kalsada ng dating sikat na lungsod ng makina. Dito rin, sinubukan ni Jeremy ang super-lightweight, super-hardcore, 789 horsepower na McLaren Senna.
    Panoorin nang libre
  2. S3 E2 - Unang Bahagi ng Paglalakbay sa Colombia

    Panoorin sa mga suportadong device
    Enero 24, 2019
    55min
    TV-14
    Sa espesyal na episode, umikot sina Clarkson, Hammond, at May sa Colombia sakay ng Jeep Wrangler, Chevrolet Silverado pick-up, at Fiat Panda 4x4 at sinusubukang kumuha ng mga larawan ng hayop na pwede gawing bagong screensaver ng Amazon. Marami silang hinarap at pinagdaanang hamon.
    Panoorin nang libre
  3. S3 E3 - Ikalawang Bahagi ng Paglalakbay sa Colombia

    Panoorin sa mga suportadong device
    Enero 25, 2019
    1 h 6 min
    TV-14
    Sa espesyal na episode, umikot sina Clarkson, Hammond, at May sa Colombia sakay ng Jeep Wrangler, Chevrolet Silverado pick-up, at Fiat Panda 4x4 at sinusubukang kumuha ng mga larawan ng hayop na pwede gawing bagong screensaver ng Amazon. Marami silang hinarap at pinagdaanang hamon.
    Panoorin nang libre
  4. S3 E4 - Mga Pick-up

    Panoorin sa mga suportadong device
    Enero 31, 2019
    1 h 2 min
    TV-14
    Sa palabas na ito, ginamit ni Jeremy Clarkson ang Volkswagen Amarok, si Richard Hammond naman sa Ford Ranger, at James May sa Mercedes X-class habang inaalam nila kung ano ang pinakamagandang bagong klase ng European pick-up truck na makakaangkop sa makabagong mundo. Sinubukan din ni Jeremy sa Eboladrome ang halos nasa 600 horsepower na Jaguar XE Project 8.
    Panoorin nang libre
  5. S3 E5 - Ang Urus

    Panoorin sa mga suportadong device
    Pebrero 7, 2019
    58min
    TV-14
    Sa episode na ito, nasa Sweden si Jeremy Clarkson sakay ng bagong Lamborghini Urus SUV, si James May ay nasa Eboladrome, sinusubukan ang Alpine A110 sports car, at ipinakilala ni Richard Hammond ang Scottish racing driver na si Jim Clark, na itinuturing na pinakamahusay na karerista sa lahat ng henerasyon.
    Panoorin nang libre
  6. S3 E6 - Chinese Food for Thought

    Panoorin sa mga suportadong device
    Pebrero 14, 2019
    1 h 11 min
    TV-14
    Nagpunta sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May sa China para manghikayat bumili ng mga gamit nang Western luxury car sa mga negosyante habang nagpapapawis, nawawala, at muntik nang masunog. Makikita rin dito ang pagsubok ni Hammond sa NIO EP9 electric supercar.
    Panoorin nang libre
  7. S3 E7 - Well Aged Scotch

    Panoorin sa mga suportadong device
    Pebrero 21, 2019
    1 h 7 min
    TV-14
    Pinasyalan nina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May ang pinakamagagandang bahagi ng Scotland sakay ng tatlong lumang Italian car na pinaniniwalaang magiging klasiko sa hinaharap. Sinubukan din ni dito ni Clarkson ang BMW M5 sports saloon laban sa kumportableng Alpina B5 sa Eboladrome.
    Panoorin nang libre
  8. S3 E8 - Bakasyon ng Tatlong Unggoy

    Panoorin sa mga suportadong device
    Pebrero 28, 2019
    1 h 22 min
    TV-14
    Pinagbakasyon sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May gamit ang RV sa timog-kanlurang bahagi ng United States ngunit nagpasya naman ang lahat ng magkanya-kanyang pagpapaganda sa kani-kanilang RV.
    Panoorin nang libre
  9. S3 E9 - Aston, Astronaut at Mga Anak ni Angelina

    Panoorin sa mga suportadong device
    Marso 7, 2019
    1 h 2 min
    TV-14
    Sa episode na ito, nasa track si Richard Hammond sakay ng bagong Aston Martin V8 Vantage, binalikan naman ni James May ang mga kotse ng mga Apollo astronaut, at nagsagawa ng masinsinang pagsusuri ni Jeremy Clarkson para patunayang maluwag, praktikal, at mas bigatin ang Citroen C3 Aircross kaysa sa elepante.
    Panoorin nang libre
  10. S3 E10 - Ang Boto ng Kabataan

    Panoorin sa mga suportadong device
    Marso 14, 2019
    1 h 4 min
    TV-14
    Pinaghambing nina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May ang VW Polo GTI, Ford Fiesta ST, at Toyota Yaris GRMN sa track bago ipangganyak ang mga ito sa kabataan. Mapapanood din ang pagkukumpara nina Hammond at May sa Lamborghini Countach at Ferrari Testarossa.
    Panoorin nang libre
  11. S3 E11 - Sa Dagat

    Panoorin sa mga suportadong device
    Marso 21, 2019
    1 h 13 min
    TV-14
    Dinala nina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May ang Aston Martin DBS, Bentley Continental GT, at BMW M850i para kapana-panabik na paglalakbay mula sa tubig-alat ng Black Sea sa Georgia at tubig-tabang ng Caspian Sea sa Azerbaijan para malaman kung ano ang pinakamagandang gamitin sa pangingisda.
    Panoorin nang libre
  12. S3 E12 - Legends at Luggage

    Panoorin sa mga suportadong device
    Marso 28, 2019
    58min
    TV-14
    Minaneho ni Jeremy Clarkson ang dalawang binuhay na Lancia, isang Delta Integrale at isang Stratos, nagbalik-tanaw si James May sa kasaysayan ng popular na Porsche 917 racing car, at sinamahan ni Richard Hammond si Clarkson sa makabagong paraan ng pagbiyahe sa himpapawid gamit ang dalawang konsepto para sa de-motor na bagahe.
    Panoorin nang libre
  13. S3 E13 - Matira Mataba

    Panoorin sa mga suportadong device
    Abril 4, 2019
    1 h 32 min
    TV-14
    Sa espesyal na episode, iniwan sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May sa malawak na kalupaan ng Mongolia. Binibigyan lang sila ng rasyon at mga parteng kakailanganin sa pagbuo ng sasakyan na tanging magagamit nila para makabalik sa sibilisasyon bago sila mamatay sa gutom o sa kamay ng isa't isa.
    Panoorin nang libre
  14. S3 E14 - Paalam, Ford

    Panoorin sa mga suportadong device
    Abril 11, 2019
    57min
    TV-14
    Sa panghuling episode ng serye, nagbigay-pugay sina Jeremy Clarkson, Richard Hammond, at James May sa naging malaking bahagi ng buhay sa Europe, ang medium-sized Ford saloon, simula sa Cortina ng ’60s at ‘70s, papunta sa Sierra ng 1980s, at nagtapos sa Mondeo, ang modelong hindi napantayan ng ibang kotse sa kasaysayan.
    Panoorin nang libre