

Panoorin nang libre
Nalalapat ang mga tuntunin
8 (na) mga episode
1. Roadtrip sa Serpentine
Kakaiba ang relasyon ng apatnapu't limang taong gulang na babae sa kanyang sasakyan, dahil 'yon na lang ang natitira niyang ugnayan sa yumao niyang asawa. Pero ngayong may bago na siyang asawa at pinansyal ng pamilya na poproblemahin, kailangan niyang magpasya kung ibebenta niya ang kotse – at magpaalam sa dating pag-ibig habambuhay.
36min
Ago 12, 2021
2. Kwento ng Isang Babae at Isang Lalaki
Natagpuan ng babaeng may delayed sleep phase syndrome (sa umaga nakakatulog) ang lalaking mamahalin niya, pero gising ito kapag siya ang tulog. Isang madamdaming kwento tungkol sa kung paano tayo natututong magbago para bigyang puwang ang pagmamahal, mabuhay nang tanggap ang pagkakaiba, at mag-ibigan nang walang pinipiling oras.
36min
Ago 12, 2021
4. Pandalawahang naging Pantatluhan
Ang 12-anyos na si Lil, bagong-salta mula Ohio, ay napaibig sa bago niyang matalik na kaibigan, isang lalaking laking Brooklyn. Para sa kanya, nakatadhana sila para sa isa't isa kaya pinlano na niya ang buhay niya. Isang kwela at makatotoohanang kwento tungkol sa pag-ibig sa kaibigan na hindi nanghihingi ng kapalit, batang pagmamahal na nauwi sa sakit, at pagtuklas sa sarili.
35min
Ago 12, 2021
5. Ako ba ay…? Siguro sasabihin sa akin ng Quiz na ito
Kinwestyon ng isang middle school na babae ang kasarian niya nang mapagtantong nahulog ang loob niya sa kapwa niya babae. Dahil hindi sigurado, nagsagot siya ng mga quiz sa social media para maghanap ng sagot, hindi niya alam na kailangan niya lang palang sundin ang puso niya.
34min
Ago 12, 2021
6. Mga Naglayong-dibdib
Masaya ang takbo ng buhay-mag-asawa ng dating marino hanggang sa matuklasan niyang nangangaliwa ang asawa niya sa kalaguyong katrabaho, na kasal din. Nang magkita, nabuo ang kakaibang relasyon sa pagitan niya at ng nakipaghiwalay nang asawa ng kalaguyo. Nakakatuwang kwento kung paano sila nagtagpo sa gitna ng panloloko at diborsyo at kung paano nila nasandalan ang isa't isa.
31min
Ago 12, 2021
7. Paano Mo Ako Naaalala?
Minsan, may makakasalubong kang pamilyar na mukha sa daan, at bigla ka na lang mababalik sa nakaraan. Sa pagkikitang muli ng dalawang binata, naalala nila ang una't huli nilang paglabas nang magkasama na naantala ng ibang bagay. Simula nang magkasama, makikita natin kung paano sila nagbago bilang magkaibang tao at kung paano nakaapekto ang pagkikitang ito sa buhay ng isa't isa.
25min
Ago 12, 2021
8. Ibinigay Niya ang Puso Niya sa Pangalawang Yakap
Napagtanto ng dating mag-asawa na muli silang nahuhulog sa isa't isa. Ngunit nang mapag-alamang may cancer ang babae, handang tumayo ang lalaki bilang magulang, tagapag-alaga, at asawa, at pagdaanan ang lahat ng masasaya, malulungkot, at masasalimuot na pangyayari nang magkasama.
35min
Ago 12, 2021
Modern Love
IMDb 7.9/1020212 (na) seasonHDRUHD
Mga Creator at Cast
- Mga Direktor
- Mga Producer
- Cast
- Studio
Babala sa nilalaman
Mga wika ng audio
5.1
Mga Subtitle
Sa pag-order o panonood, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin. Ibinebenta ng Amazon.com Services LLC.


























