Prime Video
  1. Iyong account

Tulong

Mga Panuntunan sa Paggamit ng Amazon Prime Video

Ayon sa inilarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Amazon Prime Video, dahil sa mga limitasyong iniatas sa amin ng aming mga supplier ng content, ang mga video na ginagawa naming available para sa iyo sa Amazon Prime Video ay napapasailalim sa mga paghihigpit sa panonood (halimbawa, sa pamamagitan ng pag-stream o pag-download) at sa tagal ng oras na ginagawa naming available ang mga ito sa iyo. Ang mga partikular na paghihigpit na nalalapat sa bawat isa sa mga video mo ay depende sa kung na-access mo ang video sa pamamagitan ng pagbili, pag-rent, bayad na subscription o pampromosyong trial, o nang libre. Maaaring magbago sa paglipas ng panahon ang mga paghihigpit na ito habang nagdadagdag kami ng mga bagong feature, device, at content sa aming serbisyo. Ang sumusunod ay mga paghihigpit sa pag-access sa Amazon Prime Video sa pamamagitan ng iyong web browser at mga compatible at konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top box, Fire tablet at iba pang compatible na device.

Mga Biniling Video

  • Mga Paraan para Manood: Kapag bumili ka ng video para sa on-demand na panonood, gagawin naming available ito sa iyo para i-stream at, sa karamihan ng mga sitwasyon, para i-download ayon sa sumusunod:
    • Pag-stream: Maaari mong i-stream ang mga biniling video online sa pamamagitan ng iyong web browser at mga compatible at konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device. Para sa listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bisitahin ang page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Maaari kang mag-stream ng hanggang tatlong video nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Maaari mong i-stream ang parehong video sa hindi hihigit sa dawalang device nang magkasabay.
    • Pag-download: Kapag available ang opsyon na mag-download, maaari mong i-download ang mga video na binili mo sa apat na device na compatible sa pag-download, tulad ng mga Fire tablet (bukod sa Kindle Fire 1st Generation) at mga Android at iOS device. Para sa listahan ng mga compatible na device na maaaring mag-download, bisitahin ang page na Mag-download ng Mga Title sa Prime Video sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Pagkatapos mag-download ng biniling video, maaari mo ring i-stream ang video ayon sa inilarawan sa itaas.
  • Panahon ng Panonood: Walang Katiyakan -- maaari mong panoorin at panoorin muli ang mga binili mong video kahit gaano karaming beses mo gusto at kahit kaano katagal mo gusto (nang napapasailalim sa mga limitasyong inilarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Amazon Prime Video).

Mga Ni-rent na Video

  • Mga Paraan para Manood: Kapag nag-rent ka ng video para sa on-demand na panonood, gagawin naming available ito sa iyo para i-stream at, sa karamihan ng mga sitwasyon, para i-download ayon sa sumusunod:
    • Pag-stream: Maaari mong i-stream ang mga ni-rent na video online sa pamamagitan ng iyong web browser at mga compatible at konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device. Para sa listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bisitahin ang page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Maaari kang mag-stream ng hanggang tatlong video nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Maaari mong i-stream ang parehong video sa hindi hihigit sa isang device nang magkasabay.
    • Pag-download: Kapag available ang opsyon na mag-download, maaari mong i-download nang pansamantala ang mga video na ni-rent mo sa isang device na compatible sa pag-download, tulad ng Fire tablet (bukod sa Kindle Fire 1st Generation) o isang Android o iOS device. Para sa listahan ng mga compatible na device na maaaring mag-download, bisitahin ang page na Mag-download ng Mga Title sa Prime Video sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Kapag nag-download ka na ng ni-rent na video sa isang device na compatible sa pag-download, hindi mo maaaring i-download ang video na iyon sa ibang device o panoorin ito sa higit sa isang device nang sabay gamit ang parehong Amazon account. Gayunpaman, maaari mong simulang panoorin ang na-download na video sa isang compatible na device at i-stream ang video na iyon sa ibang compatible na device (hangga't hindi sabay na pinapalabas ito sa higit sa isang device) sa ibang pagkakataon.
  • Panahon ng Panonod: Para sa mga ni-rent na video, karaniwan ay mayroon kang 48 oras para tapusin ang panonood ng video pagkatapos mo simulan ang pag-stream o pag-download, sa kondisyong sa anumang sitwasyon ay dapat tapusin mo ang panonood ng video bago ang naaangkop na panahon para sa pag-expire, na karaniwang 30 araw mula sa pagbabayad mo ng singil sa pag-rent. Ang tagal ng panahong ito ay makikita sa page ng detalye o sa isang link mula sa page ng detalye, tulad ng link na "Learn more about renting and buying" (Matuto pa tungkol sa pag-rent at pagbili) sa mga page ng detalye sa website.

Mga Prime at Prime Video Subscription (Bukod sa Prime Video Mobile Edition)

  • Mga Paraan para Manood:
    • Pag-stream: Ang mga video na available sa pamamagitan ng may bayad na Prime o Prime Video subscription o pampromosyong trial ay available para sa pag-stream online. Pwede mong i-stream ang mga title na ito online sa pamamagitan ng iyong web browser, at mga konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device.f Para sa listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bisitahin ang page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Pwede kang mag-stream ng hanggang tatlong title nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Pweede kang mag-stream ng parehong title sa hindi hihigit sa dawalang device nang magkasabay.
    • Pag-download: Marami sa mga title sa subscription na ito ay available din para sa pansamantalang pag-download sa mga compatible na device tulad ng mga Fire tablet (bukod sa Kindle Fire 1st Generation) at mga Android at iOS device. Para sa listahan ng mga compatible na device na maaaring mag-download, bisitahin ang page na Mag-download ng Mga Title sa Prime Video sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Isinasaad ng page ng detalye para sa bawat title sa subscription kung available para sa pag-download ang title. Pwede mong i-download ang mga available na title sa hanggang dalawang device lamang nang magkasabay. Kung na-download mo na ang title sa dalawang device, kailangan mong i-delete ito mula sa isa sa mga ito bago ito i-download sa ibang device. May inilapat kaming pinakamaraming dami ng title na maaaring i-download sa bawat pagkakataon sa Prime o Prime Video at mga add-on na title sa video subscription ng ikatlong partido sa mga device na nauugnay sa iyong Amazon account, na maaaring magbago depende sa iyong lokasyon at iba pang salik. Kahit na hindi available para sa pag-download ang lahat ng mga title sa subscription, maaaring available para sa pag-rent o pagbili ang mga video na ito mula sa Amazon Prime Video, at pagkatapos ng pag-rent o pagbili ay maaaring i-download ang mga ito sa mga compatible na device.
  • Panahon ng Panonood: Maaari kang mag-stream at mag-stream muli ng anumang video na tinukoy bilang kasama sa Prime o Prime Video sa page ng detalye nito. Para sa mga na-download na video, karaniwan ay mayroon kang 30 araw para simulang panoorin ang video pagkatapos mo ito i-download at pagkatapos mo simulan ang panonood nito, karaniwang mayroon kang 48 oras para tapusin ang panonood nito. Pagkatapos mag-expire o makansela ng iyong membership o pampromosyong trial sa Amazon Prime o Prime Video, hindi mo na mapapanood ang anumang video na available sa pamamagitan ng iyong Prime o Prime Video subscription maliban na lamang kung ni-rent o binili mo ang title na iyon.

Prime Video Mobile Edition

  • Mga Paraan para Manood:
    • Pag-stream: Kung saan available, ang mga video na available sa pamamagitan ng subscription sa Prime Video Mobile Edition ay available i-stream sa standard definition sa pamamagitan ng Prime Video App sa mga Android at iOS device. Maaari kang mag-stream ng isang title sa bawat pagkakataon gamit ang parehong Amazon account sa isang device. Maaari kang mag-upgrade mula sa Prime Video Mobile Edition papunta sa buong Prime Video subscription anumang oras para mag-stream ng mas maraming title nang magkasabay mula sa mas maraming compatible na device.
    • Pag-download: Marami sa mga video na ito ay available din para sa pansamantalang pag-download sa iyong naka-enable na Android o iOS device. Ang mga instruksiyon para sa pag-download ng video ay available sa sumusunod na link, PrimeVideo.com (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Isinasaad ng page ng detalye para sa bawat title ng Prime Video Mobile Edition kung available para sa pag-download ang title. Pwede mong i-download ang mga available na title sa isang Android o iOS device lamang nang magkasabay. Kung na-download mo na ang title sa isang mobile device, kailangan mo itong i-delete bago ito i-download sa ibang device. May inilapat kaming pinakamaraming dami ng title na maaaring i-download sa bawat pagkakataon, na maaaring magbago depende sa bansa at ibang salik. Kahit na hindi available para sa pag-download ang lahat ng mga title ng Prime Video Mobile Edition, maaaring available para sa pag-rent o pagbili ang mga video na ito mula sa Amazon Prime Video, at pagkatapos ng pag-rent o pagbili ay maaaring i-download ang mga ito sa mga compatible na device.
  • Panahon ng Panonood: Maaari kang mag-stream at mag-stream muli ng anumang video na tinukoy bilang kasama sa Prime o Prime Video sa page ng detalye nito. Para sa mga na-download na video, karaniwan ay mayroon kang 30 araw para simulang panoorin ang video pagkatapos mo itong i-download at pagkatapos mo simulan ang panonood nito, karaniwang mayroon kang 48 oras para tapusin ang panonood nito. Pagkatapos mag-expire o makansela ng iyong subscription sa Prime Video Mobile Edition, hindi mo na mapapanood ang anumang video na available sa pamamagitan ng iyong subscription sa Prime Video Mobile Edition maliban na lamang kung ni-rent o binili mo ang title na iyon o nag-subscribe ka muli.

Mga Add-on na Video Subscription ng Ikatlong Partido

  • Mga Paraan para Manood:
    • Pag-stream: Kung mayroon kang membership o pampromosyong trial sa Amazon Prime o Prime Video, maaari kang mag-subscribe sa anumang ikatlong partido na video subscription na inaalok namin sa iyong lokasyon (halimbawa, sa pamamagitan ng Prime Video Channels) nang may karagdagang singil sa subscription at maaari kang mag-stream ng anumang video na kasama bilang bahagi ng subscription na iyon ayon sa nakalagay sa page ng detalye ng title ng video. Pwede kang mag-stream ng mga ikatlong partido na add-on title sa subscription sa iyong web browser, at mga konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device. Para sa listahan ng mga compatible na device, pumunta sa page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Pwede kang mag-stream ng hanggang tatlong title (kabilang ang mga title ng Prime Video) nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Para sa karamihan ng mga add-on na video subscription ng ikatlong partido, pwede kang mag-stream ng parehong title sa isang device lamang sa anumang oras.
    • Pag-download: Marami sa mga title sa subscription na ito ay available din para sa pansamantalang pag-download sa mga compatible na device tulad ng mga Fire tablet (bukod sa Kindle Fire 1st Generation) at mga Android at iOS device. Para sa listahan ng mga compatible na device na maaaring mag-download, bisitahin ang page na Mag-download ng Mga Title sa Prime Video sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Isinasaad ng page ng detalye para sa bawat title sa add-on na video subscription ng ikatlong partido kung available para sa pag-download ang title. Pwede mong i-download ang mga available na title sa hanggang dalawang device lamang nang magkasabay. Kung na-download mo na ang title sa dalawang device, kakailanganin mong i-delete ito mula sa isa sa mga ito bago i-download ito sa ibang device. May inilapat kaming pinakamaraming dami ng title na maaaring i-download anumang oras sa lahat ng mga Prime o Prime Video at mga title sa add-on na video subscription ng ikatlong partido sa lahat ng mga device na nauugnay sa iyong Amazon account, at maaaring magbago ito depende sa iyong lokasyon at ibang salik. Kahit na hindi available para sa pag-download ang lahat ng mga title sa subscription, maaaring available para sa pag-rent o pagbili ang mga video na ito mula sa Amazon Prime Video, at pagkatapos ng pag-rent o pagbili ay maaaring i-download ang mga ito sa mga compatible na device.
  • Panahon ng Panonood: Maaari kang mag-stream at mag-stream muli ng anumang video na tinukoy bilang kasama sa naaangkop na add-on subscription ng ikatlong partido sa page ng detalye nito. Para sa mga na-download na video, karaniwan ay mayroon kang 30 araw para simulang panoorin ang video pagkatapos mo itong i-download at pagkatapos mo simulan ang panonood nito, karaniwang mayroon kang 48 oras para tapusin ang panonood nito. Pagkatapos mag-expire o makansela ng iyong add-on na video subscription ng ikatlong partido, o pagkatapos mag-expire o makansela ang iyong membership o pampromosyong trial sa Amazon Prime o Prime Video, hindi mo na mapapanood ang anumang video na available sa pamamagitan ng iyong add-on na subscription ng ikatlong partido maliban na lamang kung ni-rent o binili mo ang title na iyon o nag-subscribe ka muli.

Mga Libreng Video

  • Mga Paraan para Manood: Kung saan available, ang mga video na available nang libre bilang bahagi ng promosyon o kasama ng mga ad ay available lamang para sa online na pag-stream sa mga compatible na device. Hindi available ang mga ito para i-download. Maaari kang mag-stream ng hanggang tatlong video nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Maaari mong i-stream ang parehong video sa hindi hihigit sa isang device sa isang pagkakataon. Kahit na hindi available ang mga video na ito para i-donwload, maaaring available ang mga parehong video para bilhin o i-rent sa pamamagitan ng Amazon Prime Video, o para pansamantalang i-download. Ang mga binili at ni-rent na title, pati na rin ang marami sa mga title sa subscription, ay pwedeng i-download sa mga compatible na device. Para sa listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bisitahin ang page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon).
  • Panahon ng Panonood: Kung mayroon kang Amazon account, maaaring kwalipikado ka para manood ng mga video nang libre sa anumang oras na matukoy bilang libre ang video sa page ng detalye nito.

Mga Pay-Per-View na Video

  • Mga Paraan para Manood: Kapag bumili ka ng video para sa pay-per-view na panonood, maaari mong i-stream ang video online sa pamamagitan ng iyong web browser at mga compatible at konektado sa Internet na TV, Blu-ray player, set-top-box, Fire tablet, at iba pang compatible na device. Para sa listahan ng mga device na compatible sa aming serbisyo, bisitahin ang page na Mga Compatible na Device sa website na ginagamit mo para i-access ang Amazon Prime Video sa mga sumusunod na link, PrimeVideo.com, Amazon.com, Amazon.co.uk, Amazon.de o Amazon.co.jp (maaaring magbago ang pagiging compatible ng device depende sa lokasyon). Maaari kang mag-stream ng hanggang tatlong video nang magkasabay gamit ang parehong Amazon account. Maaari mong i-stream ang parehong video sa hindi hihigit sa dawalang device sa bawat pagkakataon.
  • Panahon ng Panonood: Para sa mga pay-per-view na video, magkakaroon ka ng access sa video hanggang sa hindi bababa sa 24 na oras pagkatapos ng unang pagpapalabas ng pay-per-view event sa Amazon Prime Video. Ang tagal ng oras kung kailan patuloy kang magkakaroon ng access sa pay-per-view video pagkatapos ng unang pagpapalabas ng video sa Amazon Prime Video ay makikita sa page ng detalye o sa link mula sa page ng detalye.